HALOS hindi ko malunok ang kinakain ko dahil kaharap ko ang lalaking iyon na nakahuli sakin sa property nila. And to my surprise, he’s Sarah’s fiancé! Kaharap ko pa siya ngayon na parang trip niya asarin ako gamit ang tingin niya sakin.
‘Ilang araw lang ako dito, wala naman akong pake kung sabihin niya na nahuli niya ako sa property nila. Isa pa ay wala naman akong ginawang masama.’
“Siyanga pala iha bakit hindi mo papuntahin ang boyfriend dito nang makilala naman namin.”
And eventually, I became the topic of their conversation. Uminom muna ako ng tubig at pilit ang ngiting tinignan sila.
“I don’t think he can Lolo, busy kasi siya ngayon sa business ng mga magulang niya.”
Naramdaman ko ang mainit na tingin ng kaharap ko pero hindi ko siya nilingon. Ayoko na mag-isip pa ng iba sila auntie lalo pa at halata ang titig niya sakin kanina pa.
‘Like seriously hindi ba siya natatakot na baka mapansin siya ng pinsan ko?!’
And I think it doesn’t matter to him at all, because when I looked back at him, he was still staring at me.
“Ilang taon na kayo ng boyfriend mo?” Tanong ni Lany. Again, the question caught me off guard.
“3 years..” Sagot ko.
“Himala may tumagal, hindi ba lolo nabanggit nyo sa amin na hindi man lang umabot ng isang buwan ang relasyon niya sa tatlong naging boyfriend niya?” Sabat pa ni Sarah, nagulat pa ako dahil hindi naman ganyan kalambing ang boses niya.
“It seems like people from Manila really do have a lot of experience.” Makahulugang sabi ng kaharap ko, palihim ko siyang sinamaan ng tingin.
‘Leche manahimik ka!’
“She’s already twenty-eight, she’s probably not a virgin anymore.” Nakakalokong sabi pa ni Sarah. Hindi pa din ako umimik, for what? Let them think whatever they want; their opinions mean nothing to me.
“Huwag kang magsalita ng ganyan sa harap ng pagkain iha.” Saway ni auntie Georgia kay Sarah.
“Oo nga pala hindi mo pa nakikilala itong fiancé ni Sarah. He’s Evander Castilleno, diyan lang siya sa kabilang hacienda nakatira.” Pakilala pa sakin ni tita.
“H-hmm..” Tango lang ang sinabi ko habang nakatuon ang atensyon ko sa pinggan. The sudden silence around me made me look up. Lahat pala sila ay nagtitinginan na habang ang Evander na iyon ay nanatiling naka-glue ang tingin sakin.
“Oh sorry, what was that again auntie?” Tanong ko uli.
“Evander Castilleno..” Ang lalaki na yon mismo ang nagpakilala sa sarili niya. Tumango ako.
“Yeah, nice to meet you.” Parang tinatamad na sabi ko na lang.
“Ikaw siguro ang binabanggit sakin ni Sarah na tumakas sa Lolo nyo.” Komento niya, natigilan ako habang tinutusok ng tinidor ang gulay sa pinggan ko.
“No darling, kasama niya ang family niya nang tumakas sila. Lolo was worried about them kaya kahit tinangay nila ang pera ni Lolo ay inalam pa din nila kung maayos lang ba ang naging buhay nila sa Maynila.” Mabait ang tinig na sabi pa ni Sarah.
‘Huh kapal talaga..’
Dumiiin ang pagkakahawak ko sa tinidor, baka sunod nito sa leeg na ng babaeng ‘to nakatusok ang hawak ko.
“Are you staying here for good?” Tanong muli ng paepal na lalaki.
“No.. I don’t have a plan to stay here.” Malamig lang na sabi ko.
“Oh nakalimutan ko may boyfriend ka nga palang naiwan.” Nakakaloko pa ang tinig niya, tumalim ang tingin ko sakanya saka nilapag ang tinidor.
“Tapos na po ako.. si lola po ba kumain na?” Tanong ko kay Lolo para makaalis sa tension sa paligid ko.
“Nauna ko muna siyang pinakain iha, mabilis mapagod ang katawan ng lola mo kaya sigurado ako na tulog na iyon ngayon.” Sambit ni Lolo, tumango lang ako.
“Dito na ho ako..may kailangan lang akong tapusin.” Paalam ko sakanila saka ako lumabas ng dining room. Halos hindi ako nakakahinga ng maluwag at nakakakain ng maayos. Not to mention the presence of that man.
“Hindi bale, kapag nakausap ko na si lola bukas baka mapaaga ang alis ko sa lugar na ‘to.”
Marahan kong hinilot ang batok ko bago ko hinubad ang cardigan ko, tanging naiwan ay ang suot ko na silk nighties. I always wear a cardigan, especially now that I’m here at the ranch. Kahit na hindi ako medyo comfortable sa cardigan ang mahalaga ay safe ako. Tagilid akong humiga habang hawak ang cellphone. My hand is placed on the side of my waist.
“Pff!” Natawa ako habang nagso-scroll sa black app, when I’m not doing anything, I spend my time watching random videos on the black app. Nasa ganong position ako nang maramdaman ko ang pagtayo ng balahibo ko.
“Sinong nandiyan?!” Takang tanong ko nang tumingin ako sa pinto. Nagulat pa ako dahil bahagya pa lang nakabukas iyon. Lumapit ako sa pinto at pinihit ang doorknob.
“I’ve already locked this.”
Muli isasara ko sana ang pinto nang may isang kamay na pumigil.
“What the---ikaw?!” Gulat na napatingin pa ako sa siwang ng pinto.
“Hi...Peony right?” A playful, flirtatious grin pulled at the corner of his mouth. Napalunok ako lalo pa at bahagyang bumaba ang mata niya sa dibdib ko. Akmang isasara ko ang pinto ngunit bahagya niya iyong tinulak.
“What the heck is your problem?!” Gigil na sabi ko sakanya. Binuksan niya ng bahagya ang pinto ng kwarto ko saka prenteng naghalukipkip sa harap ko habang nakasandal sa pinto.
“Pinakilala ako ng auntie mo sayo, why didn’t you give me a proper introduction?”
Huh! So dahil lang doon pinuntahan pa niya ako like seriously?!
“I am Peony Leonidas, okay na?” Nagthumbs up pa ako sakanya at hinawakan ang pinto ng kwarto.
“Peony..hmm, like a flower right?”
Frustrate na bumuga ako ng hangin.
“Tapos kana? Baka pwede ka ng umalis sa pinto ko.”
“Knowing you had that many partners...makes me..” Hindi pa niya natuloy ang sasabihin niya dahil pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa.
“Anong. Pakialam. Mo?” Pinagdiinan ko pa ang bawat letra sa sinabi ko at mahigpit kong hinawakan ang pinto.
“You should be grateful that I didn’t tell your grandfather you went to our property. Hindi mo lang alam na walang kahit na sino ang maaaring tumapak sa loob. Do you know what’s even worse Peony?” Bahagya niya pang binaba ang mukha sakin. Napaatras naman ako.
“No one has managed to get out since then...” May babala pa sa boses niya bago umatras palabas. Isang makahulugang tingin ang ginawa niya sakin, inirapan ko siya bago ko sinara pabagsak ang pinto. Siniguro ko na nakalock ang pinto.
“Bakit kasi hindi nyo taasan bakod ng rail fence nyo! Kahit sino tatawid diyan eh.” Nagdadabog na tumalikod ako at dumapa sa kama. It seems the maid was right-- there’s something off about that man. Ano ba kasi nagustuhan ni Sarah sa lalaking ‘yon? Napapailing na pumikit ako..
Malalalim na ata ang tulog ko nang maramdaman kong may humahaplos sa braso ko. Unti-unti kong dinilat ang mga mata ko..
“H-huh..”
My vision is getting blurry and I feel dizzy even though I’m just lying down. Kahit nanlalabo ang paningin ko ay nakita ko ang nakatayong bulto sa paanan ng kama, nakatitig sakin.
I can’t make a sound...
Naaninag ko kung paano sumampa sa kama ang bultong iyon at gumapang papunta sa ibabaw ko.
‘No! No! No!’
Binalot ng kaba ang dibdib ko, the wind brushed against my face na sa tingin ko ay galing sa kaharap ko.
‘Please no..please..’
“Peony... poeny..”
I was slightly startled because that voice sounded familiar.
‘Evander!’
Sa isiping iyon ay pinilit kong igalaw ang katawan ko ngunit hindi ko magawa. A heavy helplessness settles over me, no matter how desperately I try, I can’t make my body move.
“N-no..” Finally, a few words slipped out of my mouth. Naramdaman ko ang init ng hininga niya sa pagitan ng leeg ko habang patuloy na humahaplos ang kamay niya sa braso ko.
“Peony...” Tanging pangalan ko lang ang binabanggit niya. And when his lips reached my neck....everything went black.