“OUCH..”
Nakangiwing hinilot ko pa ang sentido ko habang pababa, paggising ko ay napagtanto ko na panaginip lang ang nangyari kagabi. Wala naman akong naramdaman sa katawan ko maliban sa masakit ang ulo ko at pakiramdam ko ay nanunuyo ang lalamunan ko.
“Ano kaba!”
Narinig ko pa ang hagikgik na iyon sa kusina pagpasok ko, I saw Sarah and Evander in the kitchen, playfully teasing each other. Hindi ko sila tinapunan ng tingin lalo pa at naalala ko ang panaginip ko, dumeretso ako sa loob at kumuha ng tubig sa ref.
“Why did I even dream something like that?”
“Baka gusto mong sumama? We’re going to the fish pond.” Narinig kong sambit ni Sarah, humarap ako sakanila na umiinom padin ng tubig. Nakita kong bumaba ang titig ni Evander sa lalamunan ko, mabilis kong binawi ang tingin sakanya.
“Ako ba?” Turo ko.
“Obviously.” Nakatikwas ang kilay na sabi ni Sarah. Umiling ako at nilapag ang baso sa lababo.
“No thanks may gagawin pa ako.” Sambit ko at tumalikod.
“Akala ko ba gusto mo makausap si lola? Kasama pa naman siya.”
Natigilan ako at binalingan sila.
“Talaga? Anong oras kayo aalis?” Tanong ko na hindi tinatapunan ng tingin ang katabi niya.
Ngumisi si Sarah. “Meron ka pang 30 mins to prepare.”
Pagkasabi niya ay tumalikod na ako at bumalik sa kwarto ko. I just want to talk with lola that’s it. Pagbalik ko sa kwarto ay nagulat ako dahil bukas na bukas iyon.
“What are you doing?!” Maang na tanong ko nang makita ko si Lany na kinakalikot ang laptop ko. Mabilis ko siyang nilapitan.
“Oopss..” Nakangising tinaas niya ang dalawang kamay palayo sa laptop. Sinilip ko ang laptop, mabuti na lang at nakalock iyon. Tinignan ko ng masama si Lany.
“Anong kinakalikot mo sa laptop ko?”
“Wala...saka excuse me ha part pa din ng pera yan na kinuha nyo kay lola. Kung tutuusin nga kulang pa din kahit ibigay mo ang laptop sakin. Pati sa gulong dinulot nyo sa pamilya namin.”
“Oh talaga? Anong alam mo sa nangyari samin ha? Baka nakakalimutan mo na iba ang tatay mo at kung makaasta ka parang ikaw ang nawalan.” Pagtataray ko.
“Hmp! Bakit hindi ba? Dahil sainyo kaya bumagsak ang planta. Usapan din na malaki ang kinuha nyo sa bank ni Lolo noon. Tito Miller and your dad argued about money baka hindi pinaalala sayo ng mommy mo.”
Natigilan ako sa sinabi niya, what the heck?
“Who told you that?”
“Si Lola! Masama ang loob niya sainyo, halos isumpa na nga kayo e .”
Napakurap ako sa sinabi niya. That’s not true..
“Get lost..” Madiing pagpapaalis ko kay Lany dahil baka ano pang magawa ko sakanya.
“Hmp!” Pairap na lumabas siya ng kwarto, mabilis kong sinara iyon at nilock.
“Bwisit!” Galit na sabi ko at nilagay sa bag ang laptop. That’s why I came back here, to find out what happened back then. Kahit kasi ilang beses ko ng tinatanong kina mommy ang tungkol sa pamilya naming ay hindi sila umaamin. Gusto na lang nila na kalimutan ang lahat, pero paano ko hahayaan iyon kung iba ang tingin sakanila ng mga kamag-anak ko. Gusto kong malinawan sila at linisin kung ano man ang akala nila sa mga magulang ko.
Nagbihis muna ako ng pamalit ko, this is my time to talk with grandma. After nito ay kakausapin ko sila auntie para magkalinawan kaming lahat dito. Ayokong umuwi na patuloy padin kaming may samaan ng loob sa isat-isa sa bagay na wala akong alam.
“Oh..ang ganda mo naman pala kapag nag-ayos.” Gulat na mukha ni aunti Nessa ang sumalubong sa akin pagkababa ko. I was wearing a beige dress in a v-shape neckline trimmed with lace.
For me it’s a decent one kahit pa fitted iyon sa katawan ko, I’ve got curves with a defined waist and fuller hips. My chest isn’t very big, and I’m not too thin or too chubby, sakto lang. What really catches attention are my hips and big butt, which I inherited from my mom. Thanks to her, really catch the eye. Kahit pa minsan ay ang katawan ko ang dahilan kung bakit parang binabastos ako ng mga nagiging boyfriend ko. They just want to take advantage of me.
“But not gonna lie ha, kahit hindi nakaayos naman kita pa din ang ganda mo. Kagaya ng mama mo noon.” Nakangiting sabi ni auntie Nessa. This is the first time she talk to me like that. Ngumiti ako sakanya.
“Thanks po auntie, sasama po kayo?”
Tumango siya. “Yes kailangan ko kasing tulungan si Lolo mo sa pag-alalay kay mama.” Sabi niya saka tinignan ang buong mukha ko.
“Parang maputla ka, wait..” May kinuha siyang lipstic sa bag.
“Ay aunti—
“No, you need this.” Sabi niya pa at pinahiran ng lipstick ang labi ko.
“See? Red looks good on you Peony.” Nakangiting niya pa saka hinawakan ang braso ko.
“Hindi naman po ba ganon kakapal auntie? Baka kasi magmukha naman akong alam mo na.” Hawak ko pa sa pisngi ko.
“No worries iha konti lang naman nilagay ko.”
Paglabas namin ay nakita ko ang isang family van, naroon na sila auntie Linda pero wala sila lolo at lola.
“Nauna naba sila papa?” Tanong ni auntie Nessa. Nagtama ang mata namin ni Evander, there’s something in his eyes that I can’t explain. Lalo pa sa paraan ng titig niya sakin, tumabi ako ng palihim kay auntie Nessa para maharangan ang titig niya.
“Hinatid na sila ng isa sa tauhan ni Don Daniel. Halika na kayo sa loob.” Sabi ni Auntie Georgia, nagsimula na kaming pumasok sa loob. There are 11 seats in the van, Evander and Sarah are sitting in the front, hinila naman ako ni auntie Nessa sa tabi niya kung saan nasa likuran kami ng dalawa. I was sitting on the right seat habang nasa dulo sila auntie Linda.
“Salamat iho ha, pinagmaneho mo pa kami nakakahiya naman.” Narinig kong sabi ni aunti Linda.
“It’s okay tita ayoko naman na mahirapan kayo papasok ng hacienda.” Sabi ni Evander habang nakasilip sa rearview mirror. Palihim pa akong nagulat nang bigla niyang galawin ang mirror patapat sa direksyon ko. Tumingin ako sa labas ng bintana.
“Wait, hindi ba tayo pupunta sa kabilang pond?” Gulat na tanong ni auntie Nessa.
“No auntie, nag-suggest si Evander na doon na lang sa hacienda nila.”
“Oh really?!”
Nagtaka pa ako sa reaksyon nila, ngayon lang ba sila nakakapunta doon samantalang si lolo naman nakakabisita pa don.
“Ngayon lang kami makakapasok doon sa hacienda nila, kahit si Sarah ay hindi pa nakakapasok sa loob. Ang Lolo mo lang kasi ang may permission sa loob.” Sabi ni Auntie Georgia.
“Auntie nakapunta na kaya ako sakanila.” Sabat ni Sarah.
“Hindi kaya, sa pagkakaalam ko hanggang labas ka lang ng gate eh.” Si Lany naman ang sumagot.
“Sasabat kapa?!”
Narinig ko lang na tumawa sila auntie habang ako ay tahimik lang na nakatingin sa labas. Hindi ko akalain na malaki ang sakop ng hacienda nila na akala ko ay talagang literal na katabi lang kagaya ng sinasabi nila.
There is a straight driveway leading up to an expansive mansion in the distance. The driveway is lined symmetrically with small, well-maintained trees and neatly cut green grass. Hindi ko akalaing may lugar pala na ganito dito, narinig ko pa kung paano palihim na suminghap si auntie Nessa. Meanwhile on both sides of the property are large fenced-in areas containing ponds, one on the left and one on the right. There’s also a fenced sports court or recreation area to the left, near a small outbuilding.
“This is bigger than I thought.” Sabi ni auntie Linda.
Iyon din ang iniisip ko, akala ko ay tipikal na hacienda pero ito iba. Sobrang layo ng lalakbayin mo para makalabas kung galing ka sa loob. Napatingin pa ako sa dalawang guard sa labas ng malaking gate. Yumukod naman sila kasunod non ay ang pagbukas ng gate para padaanin ang sinasakyan namin. Muli akong napatingin sa malawak na labas, The property is surrounded by black wooden fencing, and the landscape looks like stretches into rolling green hills under a bright, partly cloudy sky.
“Oh yung ambiance na ito ay same sa structure sa Italy, do you remember Linda, when Mama brought us to Italy?” Sabi ni auntie Georgia.
“Oo, may lahi ba kayo iho?”
“My dad is Italian, and my mom is Filipina auntie, umuwi kami ng Pinas two years ago dahil na rin sa kahilingan ni mommy. Gusto niya kasing manatili dito kaysa sa ibang bansa.” Sagot ni Evander, nakinig lang ako sakanila habang nakatanaw sa labas.
“Oh really? Mabuti naman at hasa mo ng magsalita ng tagalog no?”
“Binanggit sakin ni Stefano na bata pa lang tinuro na daw sakanila yung sariling language natin mom.” Si Sarah ang sumagot.
“Ay iyon ba yung Stefano na kuya nila?”
“Yung pang-apat nilang kapatid mom, remember dati kong prof yon sa science.”
“Oh naalala ko na! Ilan ba kayong magkapatid?”
“4 sila ma..” Muling sagot ni Sarah.
“8..” Correction ni Evander, bahagya pang nanlaki ang mata ko. Kahit hindi ako lumingon kina auntie ay alam kong nagulat din sila.
“Wow...medyo madami pala kayo hehe.” Sambit ni Lany. Anong medyo? Marami talaga..
“Ilan kayong lalaki sa magkakapatid?”
Hindi ko narinig sumagot si Evander kahit si Sarah. Palihim akong tumingin sa harap, napansin ko ang iritableng mukha ni Evander habang nakatingin sa harap. Sumenyas naman si auntie Nessa kay auntie Linda. No one said a word until we reached the hacienda. Kahit si Evander ay nakakaduda na parang biglang nawala sa mood.
‘Moody pala to kapag may tanong ng tanong..’
Napatingin ako sa labas pagbaba namin ng van. I cannot help myself but to admire the place for once again, there was a beautiful fountain in the center surrounded by statues and flowers. The landscape is meticulously maintained with curved staircases, trimmed hedges, and decorative lighting.
“Good evening sir Evander!” Sa bilang ko ay limang katulong ang sumalubong samin papasok sa loob. A musky-sweet scent of refined elegance filled the air. Pagpasok pa lang namin sa loob ay sumalubong na sa balat namin ang lamig.
Ginala ko ang tingin sa loob, kahit pa sabihin na walo silang magkakapatid. Sa tingin ko ay masyado pa ding malaki ang hacienda para sakanila. My eyes landed on the stairs, it was double staircase that curves gracefully upward on both sides. The walls are adorned with ornate decorations, columns, and detailed moldings that evoke classical architectural grandeur.
“Lead them to the dining room, manang..” Utos ni Evander at binalingan kami. “...I will be back, tatawagin ko lang po sila mommy.”
Nang tumalikod na sila auntie ay sumunod ako, dinig ko ang paghanga nila auntie sa harap ko. Hindi pa man kami nakakalayo ay naramdaman ko ang hawak na ‘yon sa braso ko.
“Do you want to come with me? I’ll show you around upstairs.” Bulong sakin ni Evander habang nakahawak sa braso ko. Nagulat ako sa sinabi niya ngunit agad din akong kumilos. Binawi ko ang braso ko sakanya.
“Nagkamali ka lang ata.” Sabi ko at mabilis na tumalikod, hindi ako nagkamali nakatingin nga sila auntie sa direksyon ko. Maging si Sarah ay masama ang tingin sakin.
“What did he say to you?” Mataray na sabi sakin ni Sarah.
“He mistook you for me.” Sabi ko na lang at nilagpasan sila, hindi ko alam kung anong kabaliwan ang iniisip ng lalaking iyon pero isa lang ang dapat kong gawin. Iwasan siya hanggat maaari...