MAY INIS man akong nadarama sa mga oras na iyon ngunit may isang tao naman ang natutuwa sa pangyayari. Napatakip ng bibig si Ma’am Aira ngunit dinig ko ang mahina niyang hagikhik. Imbes na magagalit ako ay nakitawa na lang sa kanya.
“Huwag mo ng pigilan pa at baka saan pa iyan pumunta,” may pabiro kong wika.
“Sorry but…”
Tuluyan na niyang pinakawalan ang malakas na tawa. Hawak pa niya ang tiyan na tila kinikilit until she tapped out. Hindi ko alam kung ano ba ang nagpakiliti sa kanya ng husto.
“Just okay but may I know kung ano ba talaga ang ikinatawa mo ng husto?” pagtataka kong tanong.
“Maloko kasi ‘yong lalaki dahil gusto niyang maging babae ka. Natatawa kasi ako dahil sa mga titig niya ay mas maganda ka pa sa akin,” natatawang tugon niya.
“Hayop na lalaki na ’yon, walang respeto sa akin,” mahinang usal ko.
“Hayaan mo na ang mahalaga ay ikaw ang best man sa akin ngayon,” aniya.
Tila humaba ang tainga ko sa narinig at hindi ko inaasahan na sabihin niya iyon. Alam naman niya na babae pa rin ako kahit baliktarin man ang mundo.
“Really!”
I stared at her at unti-unting pinakawala ang matamis na ngiti. Kahit pinagtawanan niya ang ginawa ng mga lalaki sa akin ay napawi naman agad ng kanyang sinabi.
“Yes, best ka dahil sobrang pinasaya mo ako ngayon. I never thought na may mga taong kagaya mo na mas okay kasama kahit sa simpleng bagay lamang,” saad pa niya.
“Whoa! Salamat Ma’am, alam mo ang maganda ay iuwi na kita para makapagpahinga ka na.”
“Okay let’s go na!”
Maituturing isa sa mga bagong memories ko ang araw na ito. Hoping na masusundan pa ito sa susunod na araw. Kung malaya lang sana siya ay may pagkakataon sana akong ligawan siya but suntok sa buwan na mangyari ito. Hanggang imagine na lang ako sa kanya at pangarapin ang kagaya niya.
Sa pag-uwi namin ng hapong iyon ay tumawag ako sa isang kakilala na abogado. Ayon na rin sa nalaman ko mula kay Ma'am Aira ay kailangan kong pagtuunan ng pansin ang karapatan niya. Once na mapapatunayang may sala ang asawa niya ay mapapalaya siya ng batas na pumuprotekta sa mga kababaihan.
Kinikilala ng Estado ang pangangailangang protektahan ang mga karapatan ng mga kakabaihan sa pang-aabuso, panliligalig, karahasan, pang-ekonomiyang pagsasamantala na mapanganib sa kanilang pisikal at mental na kalusugan.
Pasok sila sa pang-aabuso at pisikal violence kapag napatunayan ng korte na isang battered wife si Ma'am Aira. Ang pang-aabuso sa kanilang karapatan ay malaking kaparusan sa kahit sinuman na lumabag sa batas.
Gagamitin ko ang connection na mayroon ako. Hindi ako papayag na yurakan ni dragon ang mga kababaihan. Hindi ko na hihintayin pa na humantong sa malalang sitwasyon bago kumilos.
Hindi sumasagot sa tawag ko si Attorney Summer kaya ipagpabukas ko na lamang ito. Kakausapin ko na lang si Bea na ito ang manguna sa pagpapalaya kay Ma'am Aira sa hayop niyang asawa.
"Kuya Clark, halika na at maghahapunan na tayo!" tawag ni Farah.
Kinawayan ko siya na lumapit sa akin. As usual ay mayroon akong iutos sa kanya.
"Yes Kuya, what is it?"
"Mayroon akong papremyo sayo basta sundin mo lang ang gusto ko," wika ko sa kanya.
"Basta ikaw Kuya Clark, on the go ako palagi," masayang tugon niya.
Idinitalye ko sa kanya ang mga gagawin. This is all for Ma'am Aira kaya wala rin siyang pagtutol dito.
HAPON na ng makauwi kami galing audition ko ay pamamasyal namin ni Clark. Pagpasok ko ng aming kwarto ay napansin ko ang lungkot ng silid namin kaya naman maglilinis na lang ako.
Hindi ko ito pinapalinisan sa mga kasambahay dahil sa Amerika ay ako naman ang gumagawa. Isa pa ay ayaw kong iasa sa mga ito lalo na kung personal kong gamit.
Niligpit ako ng kalat sa aming kwarto lalo na ang mga damit. Inipon ko ang mga maruruming damit ni Joem para malabhan ito ng mga kasambahay. Sa pagliligpit ko ay mayroon akong napansin sa mga polo nito.
Mga pulang dagta o bahid ng dugo ang nasa kanyang polo. But I surprised na hindi iyon dugo kundi lipstick. What does it mean?
Napa-isip ako sa tuwing inuumaga ng uwi. Marahil ay nasa bahay aliwan ito at hindi trabaho ang inaatupag. Wala akong magawa kundi ang magpatulo ng luha. Inakala ko ay magkakaroon na ako ng peace of mind kapag nasa malayo siya ngunit heto ay mapanakit pa rin ng damdamin ko.
Nanginginig ako sa sakit na nararamdaman habang nilalagay sa basket ang mga polo nito. Sana ibigay na lang niya ang kalayaan ko kahit mahal ko siya ay tatanggapin ko ito lahat.
Kanina lang ang saya ko na kasama si Clark tapos ngayon nag-iiyak na naman ako. Imbes na damhin ang lahat na sakit ay minadali ko ang paglilinis. Doon na ako magpalipas ng oras sa music room. May kama naman roon na maaari kong tulugan kapag napagod ako.
Within an hour ay lumipat na ako sa music room. Iniwan ko sa labas ng pinto ang lahat na maruruming damit namin. Kukunin na lang ng mga ito para labhan.
I tried to compose a song which is I like to do as well. Abalahin ko na lang ang sarili sa mga ganitong bagay upang makalimot sa anumang pagsubok sa buhay.
Sa katagalan ay napansin ko ang bulaklak sa ibabaw ng lamesita sa gilid ng kama. Ang iba ay yumuko na sa pagkalanta. Nilapitan ko iyon dahil hindi ko man lang nakita ang ganda ng mga ito noong fresh pa sila.
Dalawang kamay kong inangat ang sunflower sa gitna kung saan yumuko na ito. Ngunit nang makita ko ang kabuuan niya ay napangiti ako. Hindi na nga fresh ngunit nakangiti ito sa akin. Reminding me of how the important to smile kahit lanta na sa pagsubok.
Para itong emoji na nakangiti. Ginuhitan ng puting marka ang sunflower para pagkaroon ng mata at bibig. Sino kaya ang naglagay ng bulaklak rito?
Sa pagtitig ko sa bulaklak ay napakislot ako sa tunog ng phone ko. Agad ko itong tiningnan at baka si Joem na. Ngunit napatda ako na muling mabasa ang mensahi ng unknown sender.
"Makita ka lang masaya sapat na."
Nangunot man ang noo ko sa sender na ito ay hindi ko na siya uli tinanong. Hindi rin naman siya magsasabi ng kanyang tunay na pagkakilanlan.