THERE IS A PLACE in this world na ma-eenjoy mo kahit sa murang halaga lang. Just need to explore it and learn to expand the different experience. Since Ma’am Aira was living in America for so long, I am sure na magugustuhan niya ito.
“Whoa! Eat all you can at 99 pesos only?” manghang tanong niya.
“Yes, cheaper than expensive restaurant we went last time. All street food is available here. Bilang isang Pilipino ay nasa puso na natin ang mga pagkaing turo-turo. Pagpasensyahan mo na at kung dito kita dinala pero sinisiguro ko sayo mag-eenjoy ka."
Umulan man o umaraw ay hindi humihinto ang mga tindera sa pagtitinda dahil marami ang mga dumarayo rito. Para sa iba ay budol fight ang mga pagkain dahil na rin sa mura lang at kailangan mo ng matibay na tiyan para kumain ng marami.
“No, don’t be! Gusto ko pa nga pasalamatan ka dahil all the food makes me hungry right now kaya magpakasawa na lang tayo ngayon,” aniya na halos hindi alam kung saan ibaling ang paningin sa magkabilaang stall na nagtitinda.
Nakita ko ang kakaibang saya sa kanyang mukha. Para siyang nakawala sa isang hawla na malayang gawin ang mga bagay na hindi niya madalas gawin.
“It’s my pleasure Ma’am to see you happy. Actually nag-aalangan pa nga ako na dalhin ka rito dahil hindi pa kitang nakita na kumain ng marami,” mahinang tugon ko.
“Kapag tumaba ako, kasalanan mo lahat ng ito,” may paninisi niyang wika
“Hindi bale na Ma’am basta makita lang kitang nakangiti ay ayos lang. Bukod pa roon ay hindi mapapalitan na you’re the most beautiful woman in my eyes.”
“Huh!”
Napatigil siya sa paglalakad at hinarap ako. She stared at me intently. Kumariba naman sa kaba ang puso ko habang ang isip ay halos gustuhin na siyang yakapin.
"I said, you're a lovely woman lalo na kapag ngumiti. Hindi kasi nababagay sayo ang seryoso at halata agad ang lungkot. But well, let's forget that, doon tayo sa dulo nito. Mayroon pa akong surpresa sayo."
Marahan ko siyang hinila sa braso patungo sa dulo ng mahabang street food stall na nakahilira. Hindi naman siya umangal na sumunod sa akin. Sa dulo nito ang mas exciting na part dito dahil may lagoon sa gitna ng magandang park.
As far as I know isang well-known personality ang nagdevelop ng mini park at lagoon dito para sa mga taong gustong ma-enjoy ang pagkain at the same time makarelax ng kaunti.
"Saan mo ako dadalhin?" pag-uusisa niya.
"Sa lugar na mae-enjoy mo ang pagkain at marelax ang isipan."
To the highest level naman ang energy ko para ibigay ang bagay na makapagsaya sa kanya. The moment na kasama ko siya ay hindi lang siya ang makaramdam nito, of course ako ang mas nakikinabang sa adventure namin.
Pagdating sa dulo ay bumunga sa amin ang maaliwalas na paligid. May mga rock bench at table na dinisenyo ng naayon sa paligid. Natural ang dating ng mini park at ang mas maganda rito ay wala kang makitang kalat mula sa mg taong kumakain rito.
May mga nakatalaga silang garbage bin sa bawat mesa kaya ganoon na lang ito kalinis. Sa gilid naman ng lagoon ay may mga flamenco na nag-uumpukan. May mga mga ibon din na dumadayo kung kaya't ang ganda pagmasdan ng paligid.
"Wow, this is amazing!" mahinang sambit niya kasabay ng ngiting hindi mapapantayan ang tamis nito dahil sa galak na nararamdaman.
"Yes that's true. Doon tayo sa bakanteng mesa na malapit sa lagoon para malaya mo silang mapagmasdan," anyaya ko sa kanya.
Amaze na amaze siya sa lugar na ito naman ay inaasahan ko na mangyayari. Dito rin kasi ako madalas noong mga panahon na naglayas ako sa amin. Dahil sa pagala-gala ako noon kaya ko ito nadiskubre. Lumipas man ang ilang taon ay na-maintain pa rin ang ganda nito na binabalikbalikan naman ng kararamihan.
Ito na rin ang attraction sa lugar na ito kaya hanggang ngayon ay buhay pa rin ito.
"Thank you for this wonderful place!"
"You're welcome Ma'am, maupo ka lang muna diya at bibili lang ako ng ating makakain," paalam ko dito.
Tumango lamang siya na halos hindi magkandamayaw na ibaling ang paningin sa magagandang tanawin. Ang saya lang sa pakiramdam na ganito at umaasa akong maulit muli itong moment namin.
Sa pagbalik ko sa aming mesa ay panay ang selfie niya sa mga ibon kahit malayo ang mga ito.
"Did you like this place?"
"Yeah indeed! Sana nakasama natin si Bea ngayon."
"Don't worry pwede pa naman tayo bumalik sa susunod na araw."
"Ahm, magandang idea iyan. Babalik tayo rito then isama natin siya para masaya ang kwentuhan," aniya.
"Oo ba, pero sa ngayon moment muna natin ito."
Naupo na ako sa kanyang harapan. Hindi lang niya alam kung gaano ako naging masaya na kasama siya. Parang nagtatalon na itong puso ko sa kaba na hindi maipaliwanag.
"Salamat talaga, hindi mo lang alam kung gaano ako naging masaya ngayon. You open my eyes na may mga bagay palang hindi kailangan ng malaking halaga para lang maging masaya. Salamat uli kasi mas ginusto mong pasayahin ako kaysa unahin ang sarili mong kaligayahan," malungkot na wika niya.
"Nakita ko ang lungkot mo kasi Ma'am kaya best way ito para maibsan man lang iyan. Mas nakakabuti kung magtiwala ka rin minsan sa mga taong mas gusto kang makitang masaya," seryoso kong saad.
This is it pancit! Nawa'y mag-open na siya sa akin para ako mismo ang gagawa ng paraan para ipagtanggol siya.
Nagpatuloy kami sa pag-uusap na iyon. Hindi man niya idinitalye ng buo ngunit mayroon na akong alam sa tunay niyang buhay. Also I knows her more.
Lumipas pa ang mga oras at napagpasyahan na naming umuwi. Gustuhin man niyang manatili sa lugar na iyon ngunit hindi pwede.
Habang naglalakad kami pabalik sa sasakyan ay may napansin ako.
Behind her back ay may lalaki na hindi nakatingin sa daan at mahahagip siya nito. I acted immediately. Hinapit ko siya sa baywang at iniwas sa lalaking babangga sa kanya. Mabuti na lang at napalingon ako.
“Ouch..” Napadaing siya sa gulat. Nagtataka man siyang tiningnan ako ngunit mas pinagtuunan ko ng pansin ang lalaki.
Sagutin ko ang kapakanan niya at hindi ko hahayaang masaktan siya ng iba. Tinitigan kong maihi ang lalaking babangga sana kay Ma'am Aira.
He is stall handsome and big built-in body. Halos match kami sa laki ng katawan. Hindi katabaan ngunit malaman at matitigas ang mga muscles.
Parang foreigner ang lalaki dahil sa kaputian nito ngunit nag-aalangam akong pagsalitaan siya but... then bahala na kung hindi man niya maintindihan ang sasahihin ko.
"Hoy, nasa pampublikong lugar ka para magdahan-dahan sa paglalakad. Paano kong nasaktan mo siya? Magso-sorry ka lang pagkatapos... gano’n?"
He stared at me and smiled like he saw a beautiful creature in this world. Kalmado lamang siyang tumindig sa aming harapan. Nagsidatingan naman ang mga lalaking nakasunod sa kanya. I am not sure kung mga kasama niya pa ito.
"I like you than the woman beside you," He said. Tagos sa puso ang mga titig niya na sinabayan niya ng mapanuksong ngiti.
I feel like my blood pressure rises to the highest level. Hindi ko alam kung sadya bang nag-iinis ito sa akin.
"Heck, how dare you to say like that!" asik ko rito.
Nang mahimigan ng mga kalakakihan ang galit kong boses pumagitna ang iilan sa kanila. Pambabastos ang ginawa niya sa akin at hindi man lang ginalang ang tulad ko.
Itinaas niya ang dalawang braso upang patigilin ang mga kasama. Hindi man lang ito nagsalita ngunit isang kumpas pa lang ay sumunod na kaagad ang mga ito.
"In my eyes sweetheart, you're still a woman. Mas may challenge kapag sa kama tayo maglalaban," mapanudyo nitong wika.
"F*ck!" mahinang usal ko.
Tinalikuran kami na nagtatawanan ang mga kasama niya. Namula ako sa galit at hindi man lang ako nakaganti sa lalaking iyon.
Ang angas niyon at baki ang tapang niya na pagsabihan ako ng gano'n. May araw rin siya sa akin...