Chapter 12

1217 Words
SIMULA NANG umalis si sir Joem ay hindi ko nakitang bumaba si Ma’am Aira. Hindi ko maiwasang mag-alala sa kanya gayong may mga bagay akong nakita na hindi nagusustuhan. Ayon kay Farah ay madalas itong nasa music room nagkukulong. Hinahatiran lang din ng pagkain at inumin roon. Manitas ako ng iba’t-ibang bulaklak sa garden at sinamahan ko ng isang sunflower. Kapag ganitong walang lakad ang mga amo ko ay ako ang naatasan na mag-alaga sa mga ito. I’m happy to see that they bloom well. “Aanhin mo ba ‘yan Kuya Clark?’ Napalingon ako. Nagtataka si Farah na nakatingin sa akin habang hawak ang halos isang bugkos ng bulaklak na nakolekta ko. “Mabuti at narito ka, may pakiusap sana ako sayo.” “Ano po ‘yon?” I smiled instead. I may use her as a bridge with me and Ma’am Aira. Tanging siya lang ang pwedeng gumawa nitong naiisip ko para kahit papaano ay kaya ko siyang pangitiin. After our breakfast I stuck myself doing things at home. Isa-isa kong sinusuri ang limang sasakyan sa bahay. Kailangan kong paganahin ang bawat isa at higit sa lahat ay full tank ang mga ito. “Clark!” mahinang tawag ng isang malamyos na boses. Napatigil ako sa ginagawa ko at hinagilap ng paningin ko ang tumawag sa akin. Pagdungaw ko sa pintuan ay nakatayo na si Ma’am Aira roon. “Yes Ma’am!” agad kong sagot at lumapit sa kanya. Gamit ang bimpo na nakapatong sa balikat ko ay kaagad akong nagpunas ng pawis. Bihis na bihis ito na tila may lakad na pupuntahan. “Go get change at aalis tayo!” malumanay na saad niya sa akin. “Yes Ma’am!” Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at nagmadaling magpalit ng damit. Pawisan kasi ako at isa pa hindi ko naman alam na aalis pala siya ngayong araw. Before I start the engine ay nilingon ko siya para alamin kung saan kami pupunta. Dala-dala niya kasi ang gitara at ang nasa isip ko naman ay pupunta kay Bea. Ngunit naisip ko baka tulog pa ang kaibigan niya dahil 7am pa lang. “Ma’am saan tayo pupunta?” “Sa Ortigas tayo sa isang mall roon. We need to arrive early there so, I can registered the audition in singing contest that held on that mall,” She said. “Whoa! Happy for you Ma’am, as I told you I’m your number 1 fan,” masayang sambit ko. She has a good voice at hindi iyon imposibleng makapasok sa mga paligsahan na kanyang sasalihan. Ano kayang kakantahin niya sa audition? “Thanks!” Bahagya siyang napangiti sa sinabi ko. Pambihirang ngiti at paminsan ko lang nakikita sa kanya. “What song do you prefer in your audition Ma'am?” excited kong tanong. “Why you do wanted to know?” balik niyang tanong. “Excited lang!” Tila kinikiliti akong kausap siya. Paano kaya kung dalhin ko siya sa isag lugar na simple ngunit kakaibang adventure? Iyon ay kung papayag siya. “I choose to sing the STILL IT’S YOU song. It remind myself and loving someone who far away from me.” May bahid ng lungkot ang kanyang himig ngunit kaagad kong inilihis ang usapan. I don’t want her to be sad. As I saw her sad I feel heartbreak. “Ma’am, kung papayag ka pwedeng bang dalhin kita sa isang lugar na hindi mo pa napuntahan,” halos pabulong kong wika. “Where?” “Not so far from the place kung saan tayo pupunta,” tugon ko. “Ahm…okay fine. But what we will do there?” “Simple adventure, natitiyak kong matutuwa ka roon,” pang-iinganyo ko pa. "Okay fine!" mahinang sagot niya. Hindi ko maiwasang magdiwang sa loob ng aking isipan. Sino ba naman ang hindi matutuwa niyan kung pumayag siyang dalhin sa lugar na hindi pa niya napuntahan. Nakarating kami sa audition area na gaganapin sa isang mall. Nakabuntot ako sa kanya dahil iyon naman ang bilin sa akin ni si Joem. Ako naman ang taga-bitbit ng kanyang gitara at iba pang gamit. Dahil sa maaga pa kami ay may mga tao na ang naroon ngunit nauna kaming dumating. Nababanaag ko ang saya sa kanyang mukha. Talaga nga'ng gusto niya itong gawin. Tulad niya ay excited na rin akong marinig ang pagkanta niya ng buo. Maalala ko noong narinig ko siyang kumanta ay tila dinuduyan ang puso ko. Hindi nagtagal ay dumami na ang tao sa paligid. Marami na rin silang nakapila para sa audition. Napaisip akong umalis sandi sa kinatatayuan ko para bilhan siya ng tubig na maiinom. Halos dalawang oras na kaming naghihintay na magsimula kaya natitiyak kong nauuhaw na siya. Ang layo ng inabot ko para lang makahanap ng hindi malamig na tubig. Naalala ko na hindi siya umiinom nito. Iyon kasi ang mga kumakanta ay hindi nainom ng malamig na tubig or any juices contain ice. Nakakasira di umano ito ng boses lalo na kapag nag-eensayo sila. Dali-dali akong bumalik sa pwesto ko ngunit nasingitan na ako ng iba. Naghanap na lang ako ng paraan para maibigay ko sa kanya itong tubig. "Guard, pasuyo naman nitong tubig paki-bigay nito sa babaeng iyon!" wika ko sa guard na turo si Ma'am Aira na nakaupo sa unahan. "Alin doon sir, ang nasa una?" paniniguradong tanong niya. "Opo!" Sakto naman ang pagbigay ng guard at magsisimula na sila. Pumuwesto na ako sa lugar kung saan matatanaw ko siya ng husto. Nang matawag na siya ay kinakabahan na ako. Daig ko pa ang sumali sa pa-contest na ito at ako yata ang nenerbiyusin. Simula pa lang para na akong kinikiliti sa mga linya ng kanta ni Ma'am Aira. Although this song is like farewell to someone ngunit nadadala ako sa ganda ng kanyang pagkanta. Naisaloob ko ang kakaibang nararamdaman habang patuloy siyang pinagmamasdan na kumakanta. For the first time in my age right now ay napagtanto kong umiibig na nga ako. Bumilis pa lalo ang t***k ng puso ko nang magtama ang aming mga mata. May mga mumunting ngiti akong nakita habang patuloy siya sa pagkanya na sinabayan ng pagkuskos ng gitara. Masigabong palakpakan ang iginawad sa kanya ng lahat. She deliver the song so well kaya naman hindi ako magtataka kung mapapabilang siya sa mga makapasa sa audition. She has a talent na pwede pang ma-improve but so far she did it well. Isang matamis na ngiti at palakpak ang pinakita ko sa kanya habang pabalik siya ng upuan. Kinuha niya ang mga gamit at lumabas sa audition area. Nagtaka naman ako kung bakit umalis siya sa inuupuan. Nagmadali akong sinalubong siya sa labasan. "Ma'am congrats, you did it so well! Pero bakit ka lumabas?" pagtatakang tanong ko. Hindi pa tapos ang audition para umalis. Ang nakakaganda lang ay siya ang nauna. "Thanks, hindi tayo pwedeng maghintay dito dahil aabutin tayo ng gabi sa dami ng nag-audition. They said, they will contact me as soon I pass it," aniya. "Okay, that's great too. So, we have a lot of time to start our adventure!" nakangiti kong sabi. This is it. My chance to make her day special kahit sa simpleng lugar lang ay mapasaya ko siya. She will definitely not forget this day in her life. At syempre mas malaking chance ko ito para pagkatiwalaan makilala pa niya lalo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD