Chapter 2

995 Words
Inagahan ni Clarisa ang pagpunta sa Airport dahil ayaw niyang mapagalitan. Dala-dala niya ang litrato ni Joem dahil hindi pa niya ito nakikita ng personal. Kahit ang asawa nito ay hindi pa nakikilala ng lahat. Doon na kasi sa Amerika nag-asawa si Joem kaya excited na ang lahat na makilala ang magiging madam nila. Panay ang tingin ni Clarisa sa pambisig na relo dahil ang sabi ay alas nuebe ng umaga ang kanilang dating. Baka na-delay ang kanilang flight kaya natagalan. Pumunta muna siya sa toilet para umihi. Nagmamadali siyang pumunta ng toilet at baka biglang dumating ang kanyang mga amo. Sa kanyang pagmamadali ay may nabangga siyang babae. Mabuti at hindi ito natumba sa kanilang banggaan. Nagkatinginan silang dalawa. Ang iniisip niya ay baka mapagkamalan siyang nagkamali ng pinasok na toilet. Dahil sa kanyang porma ay lalaking-lalaki ang dating ng kanyang kasuotan. Ito ang mahirap sa lipunan dahil wala silang sariling palikuran para sa kanilang gender. Ngunit nabibilang pa rin sila sa babae kahit pa mag-iba sila ng pananamit at kilos. Halos ayaw niyang kumurap sa pagtitig sa babae. Halatang pinay ito dahil morena at pinay ang dating. Balingkinitan ang kanyang katawan kahit morena ay makinis ang balat. Ang kanyang mahabang buhok at cute na mukha ang siyang nagpapaganda sa kanya. She cleared her throat bago siya humingi ng patawad sa babae. Alam niyang akward ang kanyang dating ngunit lakas loob niyang hinarap ang babae. "Miss pasensya ka na nagmamadali kasi ako," hinging patawad niya sa babae. "Its okay." Ngumiti ito pagkatapos at tinalikuran siya. Isang matamis naman na ngiti ang kumawala sa labi ni Clarisa. Sinundan niya ng tingin ang babae habang papalayo. Halatang nagmamadali rin ito. Natauhan naman si Clarisa nang maalala na kailangan niyang magmadali at baka mapagalitan siya ng kanyang amo. Nang makalabas siya ay dali-daling bumalik si Clarisa sa kanyang pinagpwestuhan kanina lamang. Kinakabahan siya baka nahuli at mapagalitan. Ang bilin pa naman sa kanya ni Ginoong Fernando ay mag-ingat at wag patanga-tanga dahil istrikto si sir Joem. Natatanaw niya ang dalawa na paparating. Tiningnan niya ang litrato kung ang kanyang amo na ba iyan. Ngunit nang tingnan niya uli ang dalawa ay nanlaki ang kanyang mga mata. Nakaawang ang kanyang labi nang makita ang kasama ng kanyang amo. Kumurap-kurap pa siya sa pag-akalang namamalikmata lamang. Nais niyang kusutin ang mga mata ngunit ang kanyang amo ay nasa harapan na. Ngunit hindi niya pa rin inihiwalay ang tingin sa babae. Hindi niya napansin na masama na ang tingin ni Joem sa kanya. Dahil ang kanyang paningin ay sa babae lamang. Hindi nagugustuhan ni Joem ang mga tingin ni Clarisa sa asawa kaya binara niya kaagad. "Hey! Stop gawking at her!" he said in irritated tone. "Sorry sir nagkita po kasi kami ni ma'am kanina sa toilet kaya ako napatitig sa kanya," pagdadahilan ni Clarisa. "Okay! Faster take all my belongings," mariin niyang utos. "Yes sir." Kaagad na kumilos si Clarisa at kinuha ang luggage ng kanyang amo. Walang imik nilang tinungo ang parking lot. Habang nagmamaneho siya ay hindi mawala sa kanyang isipan ang mukha ng asawa ni Joem. Unang beses niyang naramdaman sa isang babae ang ganitong pakiramdam. Ang lakas nang pintig ng kanyang puso. Para bang kinakabahan siya sa tuwing magtama ang kanilang paningin. Kahit siya ay hindi alam kung ano ang nararamdaman. Ngunit mali ang magkaroon ng pagnanasa sa taong may pananagutan na. At sa status ni Joem ay wala siyang kalaban-laban dito. Humugot siya ng malalim na hininga at ibinuga na parang nag-eehersisyo ng inhale, exhale. Napakislot naman siya ng magsalita si Joem. Hindi niya pinahalata na may kakaiba siyang nararamdan. "So, ikaw pala ang anak ni Ginoong Carlos?" seryosong tanong ni Joem. "Opo sir," sagot naman ni Clarisa habang ang mga mata ay nakatutok sa daan. "Oh ganoon ba! Hindi ko alam na may anak pala si Ginoong Carlos na sinumpa ng langit," aniya. Biglang umasim ang mukha ni Clarisa sa sinabi ni Joem. Malaking insulto sa kanyang pagkatao ang katagang sinumpa. Dahil hindi niya naman ginusto ang maging tomboy. Kusa niya itong naramdaman mula sa mura niyang edad. Nanatili siyang kalmado kahit sa loob niya ay nasaktan siya sa sinabi ng kanyang boss. Ngunit sino ba siya para umalma. Isa lamang siyang mahirap at alipin nito. "Honey Stop! Nakaakinsulto ka na!" awat naman ng kanyang asawa. "Ikaw ang tumahimik Aira!" singhal niya sa asawa. "Ma'am okay lang! Sanay na ako sa mga ganoong salita. Huwag na po kayong mag-away," sabat naman ni Clarisa "See, nakasanayan na nila iyon. Kahit batuhin mo pa sila ng mga salitang masakit ay panindigan pa rin nila na lalaki sila," ani Joem. "Pero hindi naman tama na insultuhin sila dahil tao rin sila na may puso na masaktan," muling pagtatanggol ni Aira. "Okay! Okay! Tumigil ka na sa pinaglalaban mo. F*ck," pagmumura nito. Hindi na naka-imik si Clarisa dahil galit na ang kanyang boss. Talagang mababa ang tingin ni Joem sa kanyang kasarian. Ngunit walang magawa si Clarisa kung iyan ang pananaw ni Joem sa katulad niya. Hindi naman lahat ng tao ay kayang unawain ang kanilang kasarian. Sinalubong kaagad ang mag-asawa ng masigabong pagbati mula sa mga tauhan sa mansion. Puno nang ngiti sa kanilang mga labi na tinanggap si Aira na bagong myembro ng mga Villanueva. "Welcome back sir Joem at Ma'am," sigaw ni Ginang Marcela. "Welcome home, Sir and Ma'am," masayang bati ni Farah. Nagsipagpalakpakan naman silang lahat. Kaagad niyaya ni Ginang Marcela ang mag-asawa sa mesa para makapagtanghalian at pagkatapos makapagpahinga sa haba ng kanilang byahe. Masayang inasikaso ni Ginang Marcela ang mag-asawa. Tinulungan naman ni Ginoong Fernando si Clarisa na ipasok sa silid ng mag-asawa ang mga luggage. Simula sa araw na ito ay mayroon na silang pagsisilbihan sa bawat umaga na darating. Isang bagong pamilya na nawa'y katulad ng kanilang mga magulang na mabait at may malasakit sa mga tauhan nila sa mansion.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD