Chapter 3

1125 Words
Napatigil si Clarisa sa paglilinis ng sasakyan ng marinig ang malamyos na boses. Hinanap niya ito na tila hinihila siya ng magandang boses na pakinggan. Isang babae ang umaawit at nakakaakit ang kanyang boses. Parang dinuduyan sa ulap si Clarisa habang nakikinig sa babaeng kumakanta. Ang kalansing ng gitara ay sinabayan ng magandang boses na lalong nakakabighaning pakinggan. Hindi namalayan ni Clarisa na papalapit si Farah sa kanyang likuran. "Kuya Clark!" sigaw ni Farah sabay mahina niyang itinulak. Halos mapatalon naman si Clarisa sa gulat. Dahil sa kanyang pakikinig sa umaawit ay hindi niya namalayan na may tao na pala sa kanyang likuran. "Sshh.... Huwag kang maingay nakikinig ako," pagpipigil niya kay Farah. Tumingala pa siya lalo para mas malinaw niyang mapakinggan ang umaawit. Napanguso naman si Farah na nakatitig sa kanya. "Ako na lang ang kakanta sayo niyan," presenta naman ni Farah. Muntik na akong mawala sa sarili ko nang mahalin ka, for expecting that you feel the same way too. Sa lahat ng mga salitang iyon, pagmamalasakit at pagmamahal na iyong ipinapakita. Tila namulat sa saya ang puso ko, gaya ng mga bulaklak. Pasayaw-sayaw pa na kumakanta si Farah sa harapan ni Clarisa. Napasapo na lamang si Clarisa sa kanyang noo. Dahil sa kinukulit siya ni Farah ay pinagmasdan niya na lamang ito habang umaawit. Patuloy pa rin ang pagkanta ni Farah at halatang alam niya ang lyrics. Ngayon umalis ka, tulungan mo akong makalimutan ka! Alam nilang mahal kita, kahit mag-iba ang kulay ng karagatan. Ako ay nangangailangan sa isang tulad mo, katulad ng sikat ng araw at ang ulan na laging nagnanais sa iyo, kahit na alam ko na hindi mo ako mahal. "Ang galing naman." Pumapalakpak si Clarisa habang pinagmasdan si Farah na kumakanta. "Sandali! hindi pa nga ako tapos eh!" wika ni Farah. Umupo si Clarisa sa bakal na upuan sa gitna ng garden. Magiliw niyang pinagmasdan si Farah na patuloy sa pagkanta. Si Farah ang kanilang star sa bawat araw dahil ito ang kwela at makulit na bata. Nasa labin anim na taong gulang pa lamang ito at kasalukuyang nag-aaral habang tumutulong sa kanyang mga magulang. Sinubukan kong maigi Para mawala ka sa isip ko Pero ang mahalin ka ang sa tingin ko ay tama. Sinubukan kong maigi. Para mawala ka sa puso ko. Ngunit ang paglimot sa iyo ay parang pinapatay ako. Yumukod pa si Farah matapos niyang kumanta. Nakaawang naman ang labi ni Clarisa na nakatulala sa harapan ni Farah. Hindi naman nauunawan ng dalaga kung nagagandahan ba ito sa kanyang boses o sa kanta. "Kuya Clark!" untag sa kanya ni Farah. "Huh! Anong sabi mo?" wala sa sarili niyang tanong. "Teka nga! Sinong iniisip mo habang kumakanta ako?" panunudyong tanong ni Farah. "W-Wala... I mean, ang galing mong kumanta," puri niya sa dalaga. "Talaga po! Pwede mo na pala akong gawing singer kapag may babae ka ng nagugustuhan," aniya. "Hmm... Pwedeng-pwede! Ano ba ang pamagat ng kantang iyon?" "Still It's You-By new banda," sagot niya. "Ah ganoon ba! Teka narinig mo ba kanina ang kumakanta sa balcony?" tanong ni Clarisa. "Oo naman! Akala mo sa akin bingi?" nakais-mid na sagot ni Farah. "Ikaw talaga hindi magpatalo! Gusto mo ba ng candy?" "Para saan naman iyan?" balik tanong ni Farah. "Premyo ko sayo, para hindi ka magsusungit kasi hindi bagay sayo." Natatawang inabot niya ang isang pirasong candy kay Farah. Napanguso naman ang dalaga at mahina niyang pinalo sa balikat si Clarisa. Anong akala mo sa akin bata?" "Oh' siya, tama na nga itong asaran! Si Ma'am Aira ba ang kumakanta sa balcony?" tanong ni Clarisa. "Oo, bkit?" "Wala naman! Nabighani lang ako sa kanyang boses," sagot ni Clarisa. "Aha! May gusto ka sa kanya ano?" panunudyong tanong ni Farah. "Sshh.... Huwag ka nga'ng maingay baka may makarinig sa atin." Nilapitan niya si Farah at itinapat ang hintuturo sa kanyang bibig para patahimikin ito. Pinanlakihan niya rin ng mata ang dalaga dahil ang daldal nito. "Hey you two! What's going on here?" "Ayy.... Kabayong bakla na isinumpa," bulalas ni Farah. Biglang napaayos nang tayo sina Farah at Clarisa. Sabay nilang nilingon ang malakas na boses sa kanilang likuran. Parang tinambol sa kabog ng dibdib si Clarisa dahil sa kaba na nararamdaman. Sa takot na baka narinig ni Joem ang kanilang pinag-uusapan. "A-Ah... Good morning sir Joem," nakangiting bati ni Farah. Papalapit sa kanila si Joem na may hawak na newspaper. Naumid naman ang dila ni Clarisa at hindi niya nagawang bumati sa kanyang boss. "Anong pinag-uusapan niyo?" muli niyang tanong. "Nonsense sir, ito kasi si Ku- uhmm... Ate Clarisa may gustong manligaw. Pinapasabi kasi ni Mang Iyo na gusto niya si Ate Clarisa para sa anak na binabae ang puso. In short po ay gay ang anak niya," pagdadahilan ni Farah. Napakagat labi naman si Clarisa sa sinabi ni Farah. Alam niyang nilalayo nito sa usapan para hindi sila pagalitan ni Joem. Napangiti naman si Joem sa kalokohan ni Farah at sabay nilapag nito ang dala-dalang newspaper sa mesang bakal. "Oh' siya ipagtimpla mo ako ng kape," utos nito kay Farah. Agad naman tumalima si Farah para sundin ang utos ni Joem. Akmang tatalikod na sana si Clarisa para ipagpatuloy ang naiwang trabaho. Ngunit bigla siyang tinawag ni Joem. "Hey! Be ready aalis tayo after one hour," sabi nito kay Clarisa ngunit ang mga mata ay nakatuon sa binabasang newspaper. "Yes sir." Tumalikod na siya pagkasabi nito. Tinungo niya ang kusina para uminom ng tubig. Pakiramdam niya ay nanuyo ang kanyang lalamunan sa kaba. Naabutan niya si Farah na nagtitimpla ng kape. Nais niyang kumprontahin ito dahil sa kalokohan na ginawa. Sa dinami-dami ba naman na pwedeng idadahilan ay ang kanyang kasarian pa. "Oh! Bakit ganyan ka makatingin sa akin?" tanong ni Farah. "Ang pilya mo talaga! Bakit iyon pa ang dinahilan mo kay sir Joem?" pabulong na tanong ni Clarisa. "Naku sorry po ha! Iyon kasi ang pumasok sa isipan ko," sagot naman ni Farah na may ngiti sa labi. "Oh' siya ihatid mo na iyang kape ni dragon baka mabugahan ka ng apoy no'n," pataboy niyang sabi. Napapangiti na lamang si Clarisa na sinundan ng tingin si Farah. Malaki din ang pasasalamat niya dahil hindi sila napagalitan ni Joem. Mukha kasing dragon ang kanilang amo kapag tumingin. Para bang may galit sa mundo. Akmang babalik na sana siya sa kanyang trabaho nang makasalubong niya si Aira. Biglang lumakas ang t***k ng kanyang puso. Hindi niya mauunawaan kung bakit ganoon na lang ang nararamdaman. Nakasuot si Aira ng spaghetti strap blouse at maiksing fitted short. Hapit na hapit ito sa kanyang katawan. Nakaramdam naman ng kakaibang pagnanasa si Clarisa sa unang pagkakataon sa kanyang buhay. Ang kaba na nararamdaman ay naging takot. Takot na baka pag-ibig na ang kanyang nararamdaman sa asawa ng kanyang boss...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD