NANG MAKALABAS si Aira sa hospital ay pinalabas naming lumayas ito. Ayaw naman sana pumayag ng mag-asawang matanda sa mansion ngunit naawa sila sa sitwasyon ni Aira.
Isang condo unit ang kinuha ko para pansamantalang titirhan nila ni Aira at ang kaibigang si Bea. Nagpaalam rin ako ng dalawang araw para bigyan ng kalutasan ang problema ni Aira.
Kinakabahan man ako sa gagawin kong ito ngunit wala na akong ibang malalapitan pa. Pag-ibig lang pala ang magdadala sa akin pauwi matapos ang apat na taon.
Mahaba ang oras ng byahe ko marating lamang ang aming tahanan. Inaamin ko na sabik akong malanghap muli ang malamig na hangin at ang bango ng mga strawberry kapag hinog na ang mga ito.
Nanlaki ang mga mata ng dalawang guwardiya nang makita akong bumaba sa taxi sa tapat nila mismo. Nanibago ang mga mata ko sa paligid. Para bang bago sa paningin ko ang lahat na naririto.
"Magandang araw Ma'am Clarisa!" sabay na bati ng dalawa.
Hindi ko man gusto ang kanilang tawag sa akin ngunit nakasanayan na nila iyon. Tinanguan ko na lamang sila.
"Open the gate!" utos ko.
"Yes, Ma'am!"
Agad namang sumunod ang dalawang guwardiya sa pinag-uutos ko.
"Wait, nariyan ba ang Daddy?" baling tanong ko.
"Yes Ma'am, hindi pa po umaalis ng bahay ang Daddy mo," tugon nito.
Tuloy-tuloy ako sa pagpasok ngunit maraming mata ang nakatingin sa akin habang naglalakad patungong main door.
Nagkalat ang mga bodyguards ni Daddy sa labas. Hindi ko nga maisip noon kung paano ako nakatakas sa mga guards niya. Lihim na lang akong napangiti na maalala ang araw na iyon.
Binuksan nila ang amin door kasabay ng kani-kanilang bati sa akin. Walang imik ko silang tinanguan nagpatuloy sa loob ng bahay.
Kaagad ako nakita ng isa sa kasambahay. Nagulat pa ito sa biglaan kong pagsulpot sa mansion.
"Clarisa, ikaw ba iyan?" may pananabik na tanong ni Manang Lita.
Ang matandang kasambahay namin na siyang kinalakihan ko na rin.
"Opo, Manang Lita, kamusta po kayo rito?"
"Diyos ko na bata ka, sobrang nag-alala ako sayo. Hindi ka man lang dumalaw rito!"
Sabik niya akong hinaplos-haplos sa braso. Siya na rin kasi ang naging nanay-nanayan ko noon.
"Ayos lang po ako Manang, alam mo naman na nag-iiwas ako kay Daddy."
"Kahit na, ang tagal mong nawala at hindi ka rin tumatawag rito kahit man lang sa akin," may pagtatampo niyang wika.
"Sorry po Manang, nagpapalamig lamang ako. Pero nandito na ako at salamat sa pag-alala mo sa akin!"
Niyakap ko siya para ibsan ang kanyang pananabik sa akin. Hindi man kami magkadugo ngunit napamahal na siya sa amin.
"What a good wind brought you here?"
Umalingawngaw na boses ang nagpatigil sa amin. I know he was watching us. Inangat ko ang tingin sa itaas ng hagdan kung saan naroon ang Daddy ko na nakatayo. Tama ako ng hinala ngunit hindi ko alam kung gaano katagal na siya roon.
"Dad, I'm back!"
Humalakhak siyang bumaba sa hagdan. Alam kong malaking hamon sa akin ang muli siyang harapin. Ito lamang ang tanging paraan para mapalaya ko si Aira sa mga kamay ni Joem.
"Manang ipaghanda mo na kami ng makakain!" utos nito sa matanda.
"Masusunod Don Clavio!"
Nagtataka ako sa kalmadong pakikitungo sa akin ni Daddy. Ni hindi man lang siya nagalit o kaya'y ipilit sa akin muli ang pagpapakasal sa anak ng kanyang kaibigan.
"Come, join me on may meal. Matagal-tagal din tayo hindi nagkasama sa hapag-kainan," anito.
Pinagmasdan ko lamang siya na patungo sa dining table. Sa kanyang mga galaw ay parang nagbago na siya. Marahan naman akong sumunod pero may kaunti akong kaba na nararamdaman.
"Dad, you're not angry with me?" kagat labi kong tanong.
Huminto siya at nilingon akong may ngiti sa labi. Hindi ako makapaniwala sa napapansin mula sa kanya. Tanggap na kaya niya ang pagkatao ko?
"I think we need to forget about the past. Let's start for our new page of life. Samahan mo ako sa ngayon at isa pa mayroon akong sasabihin sayo mamaya pagkatapos nating kumain," anito.
"Me too Dad, mayroon din akong sasabihin sayo."
"Okay, I'm looking forward na magkasundo tayo sa mga bagay-bagay ngayon. Perfect timing din ang iyong pag-uwi dahil may supresa ako sayo."
Nakakaba man pero kailangan ko ang tulong niya. Siya lang ang tanging malalapitan ko sa panahong ito.
Matapos naming kumain ay sa balcony kami nag-usap. Kaharap namin ang malawak na plantation ng mga bulaklak at strawberry.
"Dad, narito ako dahil sa isang bagay," paunang bungad ko.
Napatitig siya sa akin ngunit kalaunan ay ngumiti siya. Para bang inaasahan na niya ang pagdating ng araw na ito.
"Anong maitutulong ko sayo?"
Nahirapan akong simulan ang lahat pero iniisip ko ang kapakanan ni Aira.
"Dad, kailangan ko ng malaking halaga para pambayad sa isang kaibigan. Nagkaroon siya ng malaking utang sa isang tao at ginigipit siya ng taong pinagkakautangan niya."
"Ang swerte naman ng isang kaibigan na iyan at pinagkatiwalaan mo ng husto. Paano ka niya mababayaran sa malaking halaga na ipapautang mo?" paninigurado niya.
Nasa malayo ang tingin ko matapos maniguro ng Daddy sa malaking pera na ilalabas niya. Every drop of their penny is important kaya naman kailangan kong makumbinsi si Daddy.
"Ako ma ang bahala sa kanya maningil Dad. Basta mapalaya ko lang siya."
"Alam ko lahat ng mga ginagawa mo Clarisa. Nawa'y tama ka sa naging desisyon mo. Huwag kang mag-alala ay ibibigay ko ang gusto mo ngunit sa isang kasunduan," saad niya.
Hindi na ako nagulat sa mga sinabi niya pero hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa kanyang isipan.
"A-anong kasunduan iyan Dad?"
"Wait here!"
Tumayo siya at tinungo ang kanyang silid. Kinabahan ako sa kasunduan at tiyak na mabibitag talaga ako ni Daddy. Pero ang laman ng isipan ko ay si Aira. I will do everything for her.
Pagbalik ni Daddy ay bitbit niya ang papel. Nangunot ang noo ko na iniisip ang nilalaman nito.
"Read it!"
Nang maiabot niya sa akin ay binasa ko iyon. Bawat letra ay inunawa ko ng maayos. Habang binabasa ko ang nakasulat ay halos mawalan ako ng lakas. Nakapanghina ngunit kailangan kong sumugal.
"Malinaw ang nakasulat riyan. I will give you everything you wish but you need to follow the guidelines. Unang-una sa lahat ay ang kapalit ng mga nanaisin mo," seryoso niyang turan.
Hindi ako makaimik sa sandaling iyon at kapag pinimahan ko ito ay kalayaan ko naman ang magiging kapalit.
"Let me think first Dad, kailangan kong pag-isipan ng mabuti ang desisyon kong ito," tugon ko.
"Yeah sure, karapatan mo 'yan. For fairly decision ay hindi ko iyon ipagkain sayo. But be think wisely dahil hindi mo maaaring baliwalain ang kasunduang ito once you sign it!"
Napabuntong-hininga akong nagtungo sa silid ko. Mabigat para sa akin ang timbangin ang nararapat. Pag-ibig ko nga ba o ang kalayaan ko sa pagiging ako?