PALUWAS na ako ng Maynila nang hindi mawalay sa isipan ko ang kontrata na pinirmahan ko. Tuso ang Daddy at hindi siya ang tipong basta mo na lang malalansi.
Kapansin-pansin rin ang kakaibang galaw niya at pakikitungo sa akin ngayon. Hindi katulad noon na pinagpilitan sa akin ang maikasal sa anak ng kaibigan niya. Ang lalaking hindi ko pa nasilayan sa buong buhay ko.
Palabas na ako ng kwarto para samahan siya sa hapag-kainan. Ngunit nang pababa ako ng hagdanan ay may mga boses akong narinig. Nariyan na yata ang sinasabi niyang bisita na ipakilala sa akin.
Imbes na tumuloy ako sa dining table ay sa kusina ako dumeretso. Kakausapin ko lang si Manang Lita. Magpapaalam na rin ako sa kanya bago ko pa makalimutan.
"Manang Lita!"
"Clarisa, bakit ka pa naririto? Kanina ka pa nila hinintay sa hapag-kainan," gulat na wika nito.
"Papunta na rin ako roon Manang, magpapaalam lang ako sayo bago ko pa makalimutan," sagot ko.
"O'siya mag-ingat ka at dumalaw ka rito kahit paminsan-minsan lang."
"Opo, Manang sisikapin ko po lalo at hindi na ako pinipwersa ni Daddy sa ngayon!"
"Hala, samahan mo na sila at nakakahiya sa mga bisita ng Daddy mo!"
Marahan pa akong tinutulak ng matanda para saluhan sina Daddy at mga bisita nito. Ang gaan pa ng pakiramdam ko dahil matapos kong mag-agahan ay makikita ko na si Aira.
Sa pagpasok ko sa dining room, si Daddy agad ang bumungad sa akin. As usual nakaupo siya sa kanyang mala-hari na pwesto.
Ang apat naman na taong bisita ay nakapuwesto sa magkabilaan upuan. At sa right side ni Daddy ay isang bakanteng upuan na sa tiyak ko ay para sa akin iyon.
"Oh' here you are! Come sit beside me!" magiliw na pansin sa akin ni Daddy.
Tuloy-tuloy ako sa paglakad na hindi tiningnan ang kanyang mga bisita. Sa pag-upo ko ay kailangan kong batiin ang mga ito bilang galang.
"Good morning-"
Nanlaki ang mga mata ko nang isa-isa ko silang tiningnan. Ang kinagulat ko ay ang makita ang lalaking bumubuntot sa akin sa Maynila.
"Damn, why this jerk is here? Anong ginagawa niya sa pamamahay namin?" tanong ng isipan ko.
Malamang gumala ang mga ito, pero... pero kilala niya ang Daddy ko. Nagtataka na ako sa biglang pagsulpot ng lalaki na ito. Sinusundan kaya ako nito?
"Guys, especially you Simon, meet my only daughter Clarisa," pagpapakilala ni Daddy sa akin.
Ngiting aso ko naman silang binalingan. Gulat naman ang tatlo sa kanila na halos kaedad lamang sila.
"Yes, Tito, actually I already met her but I am not expect na siya pala ang anak mo," tugon nito kay Daddy.
Tumaas ang kilay ni Daddy sabay ng tumango na may ngiti sa labi. Para bang hindi na niya ito ikinagulat pa.
"Good. Hindi na ako mahirapang paglapitin kayong dalawa," ani Daddy.
"Boss, siya na ba ang sinasabi mo? Mukha namang pareho kayo ng hinahanap sa buhay," wika pa ng isa sa mga kasama niya.
"Shut up Aaron!" saway naman niya.
Nagunot ang noo ko sa pagtataka. Itong moron na yata ang anak ng kaibigan niya na pilit ilakasal sa akin. Yack, kadiri lang.
"Mawalang galang na sa inyo ngunit pagkatapos kong mag-almusal ay kailangan ko ng umalis," paunang paalam ko sa kanila.
I am not comfortable with them para makisama sa kanila. Lalo na itong Simon na parang sinapian ng masamang espiritu kong magsalita.
"Anak may huli akong pakiusap sayo ngayon bago ka man lang umalis," wila ni Daddy.
"Go ahead Dad!"
"Maaari mo ba silang samahan mamasyal sa ating farm? Kahit hanggang tangghali lang at malaya ka na makabalik ng Maynila," pakiusap ni Daddy.
Iniiwasan ko nga ang lalaking ito pero pilit na sinisiksik sa akin ang makasama ang moron na ito. Lihim akong napabuga ng hininga sa pagtutol ng loob ko na samahan sila.
"Dad, marami ka namang tauhan diya ah, bakit ako pa na may importanteng lakad?"
"Please Clarisa, huwag mo akong ipahiya sa kanila. Hindi basta lang mga ordinaryong bisita sila but they are especial that need to entertain well," He insisted.
"Okay fine, pero hindi ko sila masasamahan hanggang sa gusto nila. I think 2 hours is enough, right?"
Mapakla akong ngiti na binalingan si Simon. Bakas sa mukha nito ang sayang nadarama. Habang ako ay nag-aapoy sa inis dahil maaantala ang byahe ko pabalik ng Maynila.
"Thank you, Dear! You are more beautiful than this morning!" nakangiti niyang wika habang titig na titig sa akin.
Wala lang si Daddy ay binato ko na ito ng piniritong itlog sa mukha. Nakakainis lang at tila sinasadya nitong asarin ako. Hindi ko lang alam kung ano ang pakay niya sa akin. Magsuntukan na lang kaya kami para matapos na.
Matapos ang nakakainis na umagahan ko ay nagtungo kami sa farm na hindi naman kalayuan sa aming mansion. Kahit magmaktol pa ako ay wala na akong nagawa.
"Clarisa may nakapagsabi na ba sayo na maganda ka?" tanong ni Simon.
Dikit siya ng dikit sa akin habang ang tatlo niyang kasama ay natutuwa sa mga bulaklak sa farm.
"Oo, ikaw pa lang ang nag-iisang stupid guy ang pumuri sa akin," inis kong tugon.
"Aray... Ang sakit naman ng sinabi mo!"
"Paano ang tanga mo, tatanong-tanong ka pa e' ikaw lang naman ang may sabi niyan. Bakit mo ba ako sinusundan?" mataray kong tanong.
"Excuse me that, hindi ka namin sinundan dito. Narito na kami bago ka dumating," depensa naman niya.
"Ako pa ang lolokohin mo, kailan lang kita nakita sa hospital tapos ngayon sabihin mong nauna kayo!"
"That's true, kung ayaw mo maniwala ay pwede mong puntahan ang hotel na tinutuluyan namin," anito.
Nagsasayang lamang ako ng oras sa mga para ipagpilitan sa kanya. Panay na ang sulyap ko sa relos at binibilang ang oras na nilaan ko para sa kanila.
Marahas akong napabuga ng hininga dahil tila kay bagal ng oras. Hinatid ko pa sila sa dulo ng farm at pagkatapos ay lumipat kami sa strawberry plantation.
Habang naglalakad kami ay namimitas ako ng mga hinog na bunga ng strawberry at inipon lamang sa kamay habang naglalakad. Sinasang-ayunan ko naman si Simon sa mga sinasabi niya kahit labag sa loob ko. Wala akong ibang sinasagot kundi oo.
Napansin ko na lumagpas na sa strawberry plantation ang dalawa niyang kasama. Sinusundan nila ang mga paru-paru.
"Hey... Huwag kayong lumayo ng husto dahil delikado sa unahan baka may mga bangin diyan na hindi niyo makikita at mahulog kayo," paalala ko pa.
Nilapitan ko pa sila para pabalikin ngunit napatigil ang nagngangalang Aaron.
"Oh' Nic wait!"
Tiningnan ko lamang sila. Kahit ang liit ng bagay ay pinapansin. Para bang hindi nakakita ng mga nilalang sa bundok. Kung sa bagay ay laking siyudad ang mga ito.
"What is that?" tanong naman ng isa.
"See, there is a little cute eggs right there!"
Turo nito sa damuhan na tuwang-tuwa makakita ng itlog. Kung hindi ako nagkamali ay itlog iyong dinig ko at nakumpirma pa iyon nang makita kong kinuha ni Aaron ang isa sa mga itlog.
"Why so malambot ng kaunti?" pagtataka niyang tanong.
Doon ako kinabahan dahil walang manok o hayop na alaga ang mga tauhan sa plantation. Ang pagkakasabi ni Aaron ay medyo malambot ito.
Napatakip ako ng bibig nang mapagtanto na ang itlog ay hindi sa ibon o manok kundi-"
Napatigil sa paggana ng utak ko nang makita ko ang isang sawa na paparating. Lalo nanlaki ang mga mata ko.
"Sa-Sawa!"
Nauutal kong sabi na hindi ko magawang isigaw sa kanila. Hindi pa rin natinag ang dalawa at patuloy na pinaglalaruan ang mga itlog hanggang sa mahulog ang isa at bumagsag sa lupa.
Papalapit na rin sa kinaroroonan nila ang malaking sawa. Nagulat sila nang makita ang itlog na naglalaman ng ahas at hindi sisiw.
"Eewww... Malakas na sigaw ni Nic!"
"Snake?" takang tanong ni Aaron.
Hindi ko na matiis at mapanganib ang manatili sa lugar na iyon lalo pa at nabasag nila ang isa sa mga itlog ng ahas.
"May ahas, takbo!"
Naihagis ko sa kanila ang hawak na mga strawberry at kumaripas ng takbo. Humiwalay ako sa kanila dahil mas alam ko ang daan. Bahala na silang maghanap ng paraan total naman ay kasalanan nila iyon...