Chapter 21

1316 Words
"I WILL KILL YOU AARON!" Iyon ang huling sigaw ni Simon bago ako humiwalay sa kanila. Ni hindi na nga niya ako masundan dahil kanya-kanya kaming pulasan sa takot na makagat ng ahas. Tinawagan ko si Daddy sa bahay upang ipag-alam na iniwan ko na sila sa farm. May bahid pa ng gulat ang kanyang tinig ngunit kaagad ko namang pinutol ang aming usapan. Bahala na ang mga tauhan sa farm na mag-entertain sa mga iyon. Hindi na sila bata para samahan pa pauwi dahil malapit lamang ito sa mansion Nakakatuwa at malaking tulong rin sa akin ang paglutang ng ahas para mapaiksi ang oras ko sa kanila. Actually that moron wasting my time. I wanted it to spend more time with Aira gayong may dala akong ipagmalaki sa asawa niya. I really don't care kung magagalit man ang dragon na iyon basta ipaglaban ko lang sa karahasan nito. This is my chance as well to show how much I love her. Dumaan muna ako ng pasalubong para sa dalawa. One day ay dadalhin ko sila rito para ipasyal. I'm sure they will like the place. Attraction kasi ang Baguio sa mga turista at kahit sino ay gustong pumunta rito. Bukod sa malamig na lugar ay mabubusog ang mga mata mo sa magagandang tanawin na babalik-balikan mo. SAMANTALA balisa na pinasundo ni Clavio ang apat sa farm matapos makatanggap ng tawag mula kay Clarisa. Nais man niyang magalit dito ngunit mas sinakyan pa niya ang laro ng anak. Alam niyang magigipit ito balang araw at babalik uli sa kanya. Bagay na nakikita na niya ang pagkakataong iyon. Hinihintay lamang niya ang panahon kahit magtagal pa ito. Sa lawak at laki ng kanyang ari-arian ay kailangan niya ng apo na siyang magmamana ng mga ito. At si Clarisa lamang ang inaasahan niyang makapagbigay sa kanya. "Panira ka ng moment ko Aaron. Sa susunod ay hindi ko na kayo isasama. Nakawala tuloy siya sa akin!" sigaw ni Simon sa mga kaibigan. "Boss, sorry na. Hindi ko naman alam na may ahas doon eh!" pakamot-kamot ng ulo na tugon ni Aaron. "Mga lintik talaga kayo! Nasa bundok tayo pero ang ignorante niyo sa bukid. Hanggang dito ba naman ay mamalasin ako sa inyo." Imbes na manahimik si Nic dahil nagagalit na ang kaibigan ay natawa pa ito nang isa-isa nitong tiningnan ang mga kasama. Gutay-gutay ang kanilang mga suot na pang-ibaba dahil sa pagpadulas nila sa mabatong at paibabang bahagi ng farm. Kasabay nito ay ang mga dahon ng damo na sumiksik sa kung saang parte ng kanilang katawan. "What are you laughing?" inis na tanong ni Simon. "Ahm, ang cute natin. Look para tayong mga kakaibang nilalang na nagmula sa ilalim ng lupa," natatawang sagot ni Nic. They looked each other at nagtawanan ang mga kasama ni Simon. Dahil sa kalokohan ng mga kasama niya ay pati siya nawala sa sarili ng mga oras na iyon. "Punyemas talaga kayo!" Nagpupuyos ng galit si Simon nang maabutan ng mga tauhan ni Clavio mula sa mansion. Dahil sa pagnanasang makalayo sa ahas ng mga oras na iyon ay hindi nila alam pareho kung saan sumuot si Clasisa at bigla na lang nawala na parang bula. "Now, babalik na tayo ng Maynila!" maktol na saad ni Simon. "Boss, hindi pa nga tayo nag-eenjoy dito sa Baguio e!" anas ni Nic. "Then, stay here!" "Ikaw kasi Aaron pahamak ka!" paninisi pa ni Nic sabay mahina niya itong itinulak. "Tang*na mo Nic, ikaw nga itong naglalaro doon sa itlog ng ahas e!" singhal naman ni Aaron. "Shut up! Manahimik kayo kung ayaw niyo ang itlog niyo ang babasagin ko!" Iritado na sumama si Simon sa mga tauhan ni Clavio at mga kasama nito na bumalik sa mansion upang magpaalam para sundan si Clarisa sa Maynila. May mga nakaatas kay Simon na tungkulin kaya ganoon na lang ang kanyang pagnanasang makalapit kay Clarisa. TAHIMIK NA nananghalian ang dalawa sa condo na inukupahan ni Clarisa. Matapos ang masakit na karanasan ni Aira ay sa wakas nagkaroon siya ng kaunting katahimikan. But all of this is temporary. Natitiyak niyang pagbalik ni Joem ay hahanapin siya nito. She plan to divorce thier marriage in US kasi mas mabilis ang proseso roon kaysa dito sa bansa. Iyon ay kung matagumpayang malutas ni Clarisa ang kanyang suliranin. "Kailan nga pala ang balik ni Clark?" tanong ni Bea habang naghuhugas ng pinagkainan. "Suppose today, pero sabi niya mag-extend siya ng isang araw kapag hindi niya nakumbinsi ang taong kakausapin." "Sana, magawa ka niyang palayain kay Joem. Sobrang nakakaawa ka friend diyan sa asawa mo!" Natahimik na lamang si Aira gayong alam niya na mamatay siya sa kamay ni Joem. Maituturing hero sa kanya si Clark ngunit may takot siya sa maaaring gawin ni Joem. After a minute of thinking, Aira gasp to hear a soft knock on the door. "Just stay here at titingan ko lang kung sino ang tao sa labas," ani Bea. Panay ang silip ni Bea sa peephole sa pinto ngunit hindi niya makita ang tao sa labas. Para bang may daliring nakatakip rito kaya binuksan na lamang niya para tingnan. "Ma'am, flowers delivery," turan nito sa kanya ng isang tao na may isang bugkus na bulaklak na nakatakip sa mukha. Bumaba pa ang kanyang tingin sa bitbit ng lalaki na maliit na basket. Naglalaman ito ng mga preskong red strawberries. Napalunok siya sa pagkatakam rito sa prutas. "Para kanino po iyan?" takang tanong niya rito dahil wala naman siyang maisip sa taong nagpadala nito sa kanila. "For you and Aira!" Doon lamang niya napansin ang kahawig na himig nito kay Clark. Nakumpirma naman niya nang makita ang suot na sapatos ng lalaki. "My goodness Clark!" Mahina niyang hinampas sa braso si Clark nang mapagtantong binibiro lamang siya nito. Lalo pa niyang niluwagan ang pinto at hinayaang makapasok sa loob si Clark na maraming bitbit. "Sino 'yan friend?" tanong naman ni Aira na walang alam na dumating na si Clark. "Ang hero mo narito na," tugon ni Bea sabay sara ng pintuan. Inilapag ni Clark ang kanyang backpack at dalang prutas sa sofa at tinungo ang kusina kung saan naroon si Aira. "Hi, kumusta ka na?" Napayakap na tanong ni Aira nang makitang papalapit si Clark sa kanya. "Ako dapat ang magtanong niyan sayo. But wait, I have something for you!" Inabot niya kay Aira ang mga pulang roses na binili pa niya sa Baguio. Mura at sariwa ang mga bulaklak roon at naengganyo siyang bilhan si Aira. "Thanks for your kindness!" Lalo pa niyang niyakap si Clark at binuhos ang pasasalamat sa kanyang hero. "Ahm, can I eat some?" Napatigil ang dalawa nang magtanong si Bea. Hawak niya ang basket na naglalaman ng mga strawberries na pasalubong ni Clark sa kanila. "Yeah sure!" Patangong tugon ni Clark sa kanya. "Wow, thanks!" "Halika samahan mo si Bea na kainin iyon. Sinadya kong bilhan kayo dahil fresh pa ang mga iyon," aya niya kay Aira. "Thank you, Clark!" There's no words to explain Aira's feeling right now. Nakikita niya ang pagmamahal ni Clark sa kanya na wala sa asawa nito. Clark, been doing good so far to her at kahit sa simpleng bagay lang ay binibigyan siya ng halaga. Halaga na hindi niya inakalang may magbibigay pa sa kanya niyon. "Sa makalawa, ay nais ko kayong ipasyal," wika ni Clark. "Where?" excited na tanong ni Bea. Sa siyudad ay hindi na excited para sa kanila dahil alam nila na mas maganda mag-adventure sa mga probinsiya. "Sa Baguio," tugon ni Clark. "Wow, that's awesome. Pangarap ko ang makarating diyan lalo na sa mga farm ng strawberry gaya nito." "Yes, you will enjoy there!" "Okay lang ba sayo?" baling na tanong ni Clark sa tamimik na si Aira. "Yeah, I'm so speechless happy. You showed me the wonderful world!" Aira gives the sweetest smile, assuring that how happy she is. The smile that Clark always wanted to see in her.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD