Chapter 23

1163 Words
HAPPY being with her all day long. Walang oras kaming sinayang na hindi makita ang mga nagagandahang lugar dito sa Baguio. Iyon ang pinangako ko sa kanila na adventure. Huling araw na namin ito at sa sariling plantation ng strawberry kami naroon. Lahat ng nakikita rito ay kaaya-aya sa mata tingnan lalo na sa mga pulang kulay na mga hinog na strawberries. Nakakatakam kainin na parang candy. "Wow, amazing!" mangha ng dalawa habang namimitas. Samo't-saring bagay ang pumapasok sa isipan ko. At ang lahat ng iyon ay ang tungkol sa relasyon namin ni Aira. Ni sa panaginip ay hindi ito inaasahang mangyari. May mga bagay man akong kinakatakot ngunit nanaig sa akin ang alab ng damdamin "Hey... Matutunaw naman yata ako sa titig mo!" untag niya sa akin. "Ah...ha, ang cute mo kasi e!" "Ako o ang mga strawberries?" "Of course ikaw syempre!" "Bolero ka rin minsan ano? Tingnan mo ang kaibigan ko ang layo na niya sa atin!" turo niya kay Bea na naroon sa may kalayuan kausap ang isa sa mga tauhan namin. Ngumiti lamang ako sa kanya sabay kindat. Sa mga oras na iyon ay tila nasa cloud 9 ako. Gusto ko siyang dambahan ng yakap at halik ngunit biglang napukaw ang emosyon kong iyon. May narinig akong binati ng isa sa mga caretaker ng plantation kaya naman napaangat ako ng tingin. "Magandang araw, Don Clavio!" Paulit-ulit ko iyon narinig na hindi naman nagkamali sa nakita. Bumilis ang t***k ng puso ko sa takot na makita niya. Hindi sapat ang abiso ko sa mga tauhan na nakikilala sa akin. Bigla kong hinablot ang suot ni Aira na sombrero at saka balabal nito. "Hey..." "May I borrow gor a while?" Gulat niya akong tiningnan. Agad ko iyon na sinuot at tinakip ang balabal niya. Mabuti na lang at may kalaparan ito. Tinabihan ko siya ng upo at nagkunwaring namimitas rin. "Anong laro iyan ha?" Ang akala niya ay nakikipaglaro ako sa kanya. Hindi pa panahon para malaman kung sino at ano ako sa totoong buhay. "Simple game at halik ang prize nito," mahina kong tugon. Parang kay daming mga kabayong nagtatakbuhan sa loob ng dibdib ko. Dinig na dinig ko kasi ang malakas nitong pagtibok. Hindi naman maawat ang pakikipag-usap ko sa sarili habang nagkukunwaring isang babae. Yes, pambabae kasi ang suot niyang sombrero na may mga palawit pa. Panay ang sulyap ko kay Daddy na nakatanaw sa malawak na plantation. Isa sa mga routine niya sa araw-araw ang sulyapan ang mga ito. Tinitiyak niyang nasa maayos ang lahat pati ang mga tauhan na nangangalaga rito. "Teka sino ba ang sinisilip mo riyan?" "Wala naman, may narinig lang akonga boses na pamilyar sa akin!" Kibit-balikat ko siyang tinugon at binalik sa mga strawberry ang paningin. Nawa'y hindi malaman ni Daddy na narito ako. Kahit na pumayag man siya sa hiling ko ngunit hindi pa ako handang iharap sa kanya Aira lalo na at hindi nagbago ang pananaw niya sa akin. He still wants me to marry a man. Pero binigyan niy ako ng pagkakataong maging malaya sa ngayon. Bahala na lang si Captain Clark na lutasin iyon. "Ang daya mo, lihim kang napapangiti riyan na hindi mo man lang sini-share sa akin," may pagtatampong wika ni Aira. "Ay sus... Ikaw lang naman ang nagpapangiti sa akin e! Bakit ko pa e-share sayo?" "Hay naku, ang galing mo talagang mambola. Nabibilog mo talaga ang ulo ko," aniya. Napapailing na lang ako sa kanya na pinagmasdan siyang inabala ang sarili sa pamimitas. Nang mapansin kong wala na si Daddy ay saka ko ibinalik sa kanya ang somrero at balabal. Pagkatapos ay naghanap ako ng hugis puso na strawberry at akmang isinubo sa kanya. "What's that?" "Of course strawberry!" nakangiti kong tugon. "No, I mean bakit mo isusubo iyan sa akin?" "Don't worry, malinis ito. This is the symbol of my heart. Once you eat this I will still be with you forever!" "Naku po, ang corny mo. Bakit may magic ba itong strawberry at nakakatiyak ka sa mga mangyayari sa hinaharap?" "Yes naman!" Walang kagatul-gatol kong tugon na sinamahan ng kindat. It's kinda magic itong pag-ibig ko that can turn the world into positive. Mangarap man lang tayo e 'di' yong sure na. Sapilitan kong sinubo sa kanya kahit nag-aatubili pa siyang kainin ito. It is part of my game while we were still free. "Ang tamis pala ng puso mo," aniya. Napatawa naman ako sa kanyang biro. Sa sandaling iyon ay nagulat kami nang bumalik si Bea sa aming kinaroroonan. Ang suot niyang puting damit ay puno na ng mapupulang mantsa. "Anong nangyari sayo? Saan ka nakikipagbuno at bakit ganyan ang itsura mo?" pagtataka kong tanong. Dahil sa abala naming pag-uusap ay nakalimutan namin si Bea. It seems our world stop that time na tila kami lang ang tao sa mundo. "Hu... Hu... Nadulas ako at nagulungan ko ang basket na naglalaman ng strawberry kaya ganito ang mukha ko ngayon," desmayadong sagot niya. "Naman kasi, kailan ka pa naging clumsy?" Napapailing na tanong ni Aira. Well, aksidente minsan ay hindi mo malalaman kung kailan darating. "Paano ito? Wala pa naman akong pamalit na damit!" Nagmamaktol si Bea dahil kakarating pa lang namin sa farm para agad na umuwi just because she got dirt on her shirt. "Hayaan mo na lang na ganyan total naman nasa farm tayo at wala sa mall," mungkahi ko pa. "Oo nga naman friend, pero kung ayaw mo talaga ay uuwi na lang tayo," ani Aira. "Uuwi na lang muna tayo then balik tayo bukas rito. Nanlalagkit kasi ako at hindi ko na matiis pa." "Okay!" Patangong sany-ayon ni Aira. Wala na akong nagawa kundi ang pagbigyan sila. Kapakanan ko rin naman ang alagaan sila habang ako ang may responsibilidad dahil ako ang nagdala sa kanila rito. NAKATANGGAP ng isang tawag si Clavio ng umagang iyon. Isang balita sa kanya na naroon si Clarisa na may kasamang dalawang babae. Nagmadali siyang nagtungo sa farm para tiyakin kung naroon nga ba ang anak. Nais rin niyang makita ang babaeng kinakabaliwan ng anak. Nang maituro ng isa sa mga tauhan niya ay nagkunwari rin itong hindi alam na naroon ang anak. Malaya niyang pinagmasdan ang mga ito ngunit napapangiti na lamang siya sa kalokohan ng anak. "Boss, ayon sa nakalap kong impormasyon ay iyan ang babaeng asawa ni Joem Villanueva," bulong ng isa sa mga impormante ni Clavio. "Let her enjoy of being stupid. She will fall into my trap one day at iyon ang hihintayin ko," kalmadong tugon ni Clavio. Tiniyak niyang mabigay ang hiling ng anak sa kasunduang siya ang masusunod kapag nabigo si Clarisa sa mga nais nitong mangyari sa buhay. "Subaybayan niyo sila. Gawin mo na rin ang ipinag-uutos ko na kausapin si Mr. Villanueva sa lalong madaling panahon!" mariing utos ni Clavio. Tumalima naman ang mga impormante nito na siyang nakabuntot palagi kay Clarisa. Hindi naman nakuhang malaman ng huli ang mga balak gawin ni Clavio dahil sa abala nito na mapasaya ang babaeng mahal.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD