Chapter 24

1271 Words
PAGKATAPOS kong maligo ay minadali kong pinatuyo ang buhok gamit ang hair dryer. Bago pa man bumalik si Clark ay kailangan nakaayos na ako ng sarili. Pupunta kami sa isang abogado na nag-ayos ng nga papeles ko para sa pagbabayad ng utang kay Joem. Nakahanda na akong harapin si Joem kapag bimalik na ito Ang pagpapawalang bisa ng aming kasal ay kailangan magaganap lamang sa Amerika. Ang kalayaan ko ay hindi lamang para sa aming relasyon ni Clark kundi para na rin sa sarili. Ngunit nakatitig lamang ako sa malayo at ang isipan ay nasa bagay na aking nadiskubre sa pagkatao ni Clark. Interesado akong malaman ang tunay niyang pamilya. May nilihim siya sa akin na unti-unti ko namang nalalaman. Ang pagiging anak niya ng isang multi-billionaire ay nilihim niya sa akin lahat. Ang mga nakikita kong kakaiba ang siyang nagtutulak sa akin para usisain ang mga ito. Minsan kong nakita ang laman ng kayang wallet at doon ako nanghinala. Pabor man sa akin ngunit nagsinungaling siya sa akin. Kung sinabi niya sa akin ng maaga ay nauunawaan ko, ngunit iniisip ko rin ang kanyang malalim na dahilan. Minsan na niyang nabanggit ang pagdidikta ng ama at marahil ito ang naging dahilan niya upang itago ang tunay na pagkatao. But I need her explanation at nais marinig ang kanyang side bago pa man magalit. She'd been doing a lot in my life kahit ang ibigin siya ay nagawa niya. When I'm ready lumabas ako ng silid at tinungo ang sala para doon siya hintayin. Sa aking paglalakad ay nakasalubong ko si Bea na may dalang isang bugkos ng magagandang bulaklak. Marahil ay papalitan niya ang laman ng flower vase sa mesa. "Oh' bakit ngayon ka lang Aira? Kanina pa kita hinihintay, ang sabi kasi ni Clark ay huwag ka na gisingin," turan niya habang abala na sinasalansan ang bulaklak sa vase. "Ah gano’n ba? Nagpahinga muna ako ng mahaba para magkaroon ng lakas na harapin si Joem. Alam kong one of these days ay mahahanap kami." "You already have a hero, at magtiwala ka lang. I think Clark would not allow Joem to hurt you again!" "Paano mo nasisiguro ang lahat? Joem was powerful than her." Napatitig ako sa kanya na tila may alam sa pagkatao ng isa na matindi ang pagtiwala rito. "Wait, may bagay ba akong dapat malaman?" "Best naman nakakatakot ka! Bakit ba ganyan ka makatanong? Seryoso ba iyang tanong mo?" Napapa-iling na lang siya na nakatitig sa akin na hinarap ako. Hindi talaga ako titigil hanggat hindi mabuo ang hinala ko kay Clark. Alam ko rin kapag may tinatago itong dalawa sa akin. Sa simpleng driver lamang ay hindi ito sasapat na makakuha ng condo para sa amin. Bukod pa roon ay ang pagkakaroon niya ng walang humpay na supply sa dito sa bahay. Mga mamahaling gamit na ngayon ko lang napansin mula sa kanya. Masyado akong naging bulag sa mga nakalipas dahil na rin sa mga nangyari sa akin. "Wala lang, sa makalipas na buwan ay ngayon ko lang napapansin ang mga bagay na nagpataka sa akin. But if you don't know what I'm asking right know then, forget about it." "Kung ano man 'yan ang nasa isipan mo, ang mabuti pa ay sa taong mismo mo itanong para malinawan ka," aniya. Napatigil na lang ako nang dumating si Clark. Sa ngayon ay isantabi ko muna ang mga katanungan ito. Uunahin kong alamin ang mga pwedeng gawin para tuluyan nang makalaya kay Joem. Nararamdaman ko na na magkikita na kami lalo at isang buwan na ang makalipas. "Whoa!" Gulat siya nang makita ako. Tulog pa ako nang iwanan niya sa aming silid. "And daya mo, hindi mo man lang ako ginising." "Sorry sweetheart, hindi ko kayang gisingin ang isang anghel na mahimbing pa natutulog. Wala naman akong puso kung gawin ko iyon." Marahan siyang tumabi sa akin na walang kupas ang ngiti. Lahat ay natunaw kapag nakita ko siyang nakangiti sa araw-araw. Tila kay gaan ng pakiramdam niya na parang hindi inaalala ang nakakatakot naming sitwasyon kapag nagkita-kita kami ni Joem. "Did you eaten?" "No!" "Why?" "Hinintay kasi kitang bumalik at para may kasama akong kumain," tugon ko. Ang totoo ay natagalan ako sa kakaisip sa loob ng kwarto. Nakalimot ako nang dahil lang sa mga hinala. "Gosh naman, alam na alam mong ayaw kong hindi ka kumain ng agahan," giit nito sa akin. Pakiramdam ko ay namula ako kanyang sinabi. She always make me blush kahit sa konting sweet words lang. Lalo na sa kanyang pag-aalaga sa akin. Pilit ko kinakalma ang sarili para lang hindi siya yakapin ng mahigpit ngunit sadyang hinahanap-hanap ko iyon lalo na kapag kapakanan ko palagi ang kanyang iniisip. Paano ko pipigilan ang sariling nararamdaman? Katulad na lang sa akin na hindi ko sinasadyang maramdaman ang ganito. Even me I didn't expect to fall in love with the same s*x with that I never know her well. But I give myself a freedom to be happy. At isa 'yan sa mga binigay niya sa mga panahong duro ang pagkatao ko sa asawang walang awa. "Naku, Clark kakalabas lang niyan sa silid niyo kaya hindi pa kumakain," sabat naman ni Bea. "Never mind, sasabay na lang kami," sagot nito kay Bea. Masarap na nagsasalo ang dalawa na tila walang makakapaghiwalay sa kanilang pag-iibigan sa 'di sinasadyang pagkakaton. Nagawa naman ni Clark ang palalimin pa ang kanilang relasyon sa pamamagitan ng maayos na pag-aalaga at pagmamahal niya rito. Hindi niya naisip na may panangutan pa ito kay Joem kahit nalutas na ang kanyang suliranin. Galit naman na umuwi si Joem sa mansion ng umagang iyo at mas lalo siyang nagalit nang wala na ang asawa niya. Sa loob ng isang buwan ay hindi niya ito natawagan dahil sa sinira niya ang cellphone noong araw bago siya umalis. Nanginginig naman sa takot ang mga tauhan sa mansion lalo na at alam nila kung sino ang kasama ng asawa ng amo nila. "Ginang Marcela!" Dumagundong ang boses ni Joem sa loob ng masion na tawag ang mayordoma. Imbes na matandang babae ang haharap sa kanya ay sumama na rin si Ginoong Fernando para silang dalawa ang magpaliwanag sa nangyayari. "S-sir, Joem, huminahon ka lang!" nauutal na wika ni Ginang Marcela. "Explain to me now! What happened to my wife at bakit wala siya rito sa mansion?" "Sir, umalis po siya nang hindi namin alam noong dinala namin siya sa hospital," tugon ni Ginoong Fernando. Iyon ang napag-usapan nila ni Clark para hindi na danasin ni Aira ang muling pananakit nito. "Hospital? Bakit niyo siya dinala sa hospital?" "Wala siyang malay at duguan na dinala namin sa hospital noong araw na umalis ka. Sa sobrang pagkabugbog niya ay hindi nakayanan ng kanyang katawan kay hinimatay ito. Ngunit makalipas ang araw na gumaling na siya ay hindi na namin siya naabutan sa hospital," salaysay ni Ginoong Fernando. "What? Hindi ba siya binantayan ni Lisbi doon sa hospital?" "Nalingat kaming lahat dahil sa pag-akalang hindi niya iyon gagawin. Sa takot ni Clarisa ay nagresign na ito aa trabaho," sagot ng matanda. Marahas na napabuga ng hininga si Joem. Napahilamos siya sa mukha at tuliro na iniisip kung saan nagpunta ang asawa. "Okay, umalis kayo sa harapan ko...alis!" singhal niya rito sa dalawa. Nanlilisik ang mga mata niya sa galit na kinuha ang cellphone sa bulsa ng kanyang coat. Tatawagan na niya ngayon ang mga tauhan ng kaibigan upang ipahanap ang asawa. Hindi siya papayag na iwanan na lang siya ng ganoon na lamang. Kasal pa rin ito sa kanya at ito ang nakikita niyang dahilan upang kontrolin at hawakan sa leeg para mapasunod sa mga nais niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD