NANG matapos makipag-usap ni a Clarisa at Aira sa abogado ay pinasyal niya ang kasintahan sa isang outdoor place kung saan malaya silang makapag-usap tungkol sa kanilang relasyon.
Balak ni Clarisa na ipakilala sa ama ang kasintahan pagkatapos mapalaya si Aira sa mga kamay ni Joem. Nais na rin niyang ipagtapat ang tunay na pagkatao ngayon bago pa man siya mahuli.
"Okay lang ba sayo ang lugar na ito para pag-usapan natin ang gusto mong malaman?"
Wala namang maimungkahing lugar si Aira para doon pag-usapan ang mga katanungan na gustong malaman.
"This is perfect place for us!"
Mas komportable si Aira sa isang park dahil malaya niyang mapagmasdan ang mga tao sa paligid habang nag-uusap. Mas maaliwalas rin ang ganoong lugar lalo pa at sensitibo ang kanilang pag-uusapan.
"Are you sure? Ano ba kasi ang itatanong mo at parang seryoso ka?"
"Yeah! Deretsahang sagot ang gusto kong marinig mula sayo Clark, nawa'y sagutin mo ako ng tama."
"Fine, ano ba kasi iyon? Pinapakaba mo ako niyan e!"
Napasandal si Clarisa sa isang puno at niyakap Aira ngunit tumanggi ito. Nagtataka na lalo si Clarisa gayong wala naman silang hindi napagkasunduang bagay.
"Unang tanong, ikaw ba ang nagmemensahe sa akin noon bago pa ako mabugbog ni Joem noong huli?"
"A-ah... I'm Sorry if I lied to you. Hindi ko gustong ilihim ito sayo ngunit wala namang dapat ikagalit sa bagay na ito, hindi ba?"
"You're wrong! Malaki ang naging epekto sa akin kaya dapat lang na magalit ako. Paano mo nga pala nalaman ang numero ko?"
"Nakuha ko noong nasa restaurant tayo na hiningi ng isang manager ang feedback natin para sa kanilang restaurant," mahinang sagot ni Clarisa.
"Ah, gono'n ba? Alam mo bang ikaw ang dahilan kung bakit nabugbog ako ni Joem noong araw na iyon dahil sa pagseselos nito. Iniisip niyang may iba akong lalaki."
"What the-"
Napatayo si Clarisa sa gulat at hindi niya sinasadyang mangyari ito kay Aira. Ngunit nanatiling kalmado si Aira matapos niyang mabasa ang mensahi sa kanya ni Clarisa noon.
Hindi niya sinasadyang makita ang mga message sa cellphone ni Clarisa noong minsan niyang hiniram.
"Sorry, I didn't meant it! All I want is to make you smile kasi alam ko malungkot ka noong mga panahong iyon!"
Napaluhod si Clarisa na humihingi ng kapatawaran ni Aira. Hanggang ngayon kasi ay hindi niya alam na siya pala ang dahilan ng pagkabugbog. Feeling guilty siya dahil sa matinding natamo nito sa asawa.
"Wala ka ba talagang balak na ipagtapat sa akin ito?" kalmado pa ring tanong ni Aira.
Handa siyang unawain ang lahat ngunit may isang bagay pa ang nilihim sa kanya. She deserves a better explanation para maunawaan ang lahat.
"No, Please Aira listen to me, hindi ko alam na iyon pala ang naging dahilan kaya naman iwinaglit ko iyon sa isipan. Wala akong intensyon na sirain ang inyong relasyon ngunit hindi ko iyon sinasadya."
"Hindi ako mahirap na kausap Clark kasi alam ko na may mga dahilan ka rin. Tumayo ka riyan sa pagkakaluhod mo at hindi ako Santo na sambahin mo. Pag-uusapan naman natin ang tunay mong pagkatao!"
Biglang napatayo si Clarisa at bumalik sa bench na kinauupuan. Sa bagay na ito ay hindi na niya maipagkaila na sinadyang ilihim sa kasintahan.
May takot sa puso niya gayong nakikita niya ang galit sa mga mata ni Aira. Bagay na ni minsan ay hindi pa niya nakikita. All her lies have a consequences at ito na iyon.
"Ano ang alam mo tungkol sa akin?" malumanay niyang tanong.
Napatitig si Aira sa kanyang mga mata na tila binabasa ang damdamin.
"Who are you?"
"I'm Clarisa Solano, you already know that!"
"Yes, but what I mean is kung sino ka talaga not just your name only!"
Marahas na napabuga ng hininga si Clarisa nang mapagtanto niyang may alam na ito sa tinatago niyang sekreto sa tunay na pagkatao.
"Minsan ko nng nabanggit sayo noon na umalis ako sa poder ng ama ko dahil ipinagkasundo akong ipakasal sa isang lalaki. And you know that I wanted a girl like you not a masculine man. Kung hindi ko man ito pinagtapat sayo ay dahil hinihintay ko munang mapalaya ka sa asawa mo," saad pa ni Clarisa.
"So totoo ang nalaman ko?"
"Yes, pero unawain mo sana kung bakit ko iyon ginawa."
"Alam mo naman mauunawaan ko ang bagay na iyon ngunit ginamit mo lang ang sariling interest para lang matugunan ang pagmamahal na nararamdaman mo!"
"No, Aira! Mahal kita at kaya kong maghintay kahit matagal mapasaya ka lang. You know how much I love you. Kaya ko ginagawa lahat ng ito para sayo. Alam kong mali ang paglihim ko sayo ngunit kapakanan mo ang iniisip ko. May kulang pa ba sa mga pinapakita ko para pagdudahan mo ang pagmamahal ko sayo?"
Napatahimik si Aira dahil since day na makilala niya si Clarisa ay wala itong ginawa kundi ang maging masaya siya. Tao lamang siya at hindi rin perpektong tao.
"Kaya pala ang lakas ng loob mo na salungatin ang asawa ko, pero salamat sa lahat. Kung ano man ang mangyayari sa hinaharap, huwag na nating ipilit pa," ani Aira na ikinamlumo ni Clarisa.
Natatakot si Clarisa sa himig ni Aira na tila sumusuko ito sa kanilang nasimulang pagmamahalan. Hindi man lang sumagi sa kanyang isipan na may mga ganitong senario na magaganap.
"Please Aira, huwag kang magsalita ng ganyan. Mahal kita at hindi ko kayang mawala ka sa piling ko. I did everything para lang mapaligaya ka at hindi mo iyon mapagkaila."
Halos magmakaawa si Clarisa, batid niyang mahal nila ang isa't isa lalo nang makasama niya sa loob ng isang buwan sa iisang bubong lamang.
"Kaya ko pang umunawa Clark, pero sana sa susunod ay maging honest ka. Sa ngayon ay handa akong patawarin ka dahil ang intensyon mo lang naman ay maging masaya ako and of course gano’n ka rin!"
Doon nakahinga ng maluwag si Clarisa. Sapat na sa kanya ang hindi tuluyang nagalit si Aira sa kanya ngunit hindi pa iyon sapat para ipagwalang bahala ang lahat.
"Thank you, and I promise na hindi na mauulit pa. I assure you my loyalty and honesty. Gusto kong magsama pa tayo ng matagal kaya handa akong lumuhod at pagsilbihan ka!"
Nakangiti niyang inabot ang kamay ni Aira. At ang kaliwang braso naman ay nakapulupot sa baywang ng kasintahan.
Sa ilang sandali ay nagkaayos ang dalawa. Nanatili sila sa lugar na iyon para damhin ang kapayapaan sa pag-iisip.
Nang lumipas ang mga oras ay nagpasya silang umuwi. Napagkasunduan nilang ipaglaban ang nararamdaman kahit pa man hindi naaayon sa lipunan.
Habang pabalik na sila ng sasakyan ay biglang may mga kalalakihan sumulpot sa kanilang likuran. Pinalibutan sila ng mga ito at biglang tinutukan ng baril si Clarisa.
"A-Anong kailangan niyo?" tanong ni Clarisa sa mga kalalakihan.
"Sumama kayo sa amin kung ayaw niyong masaktan."
"Sandali sino ba kayo at bakit kailangan naming sumama?" pigil hiningang tanong ni Aira.
"Huwag na kayong maraming satsat at mahinahon na lang na sumama sa amin," ani ng lalaki.
Biglang nagpumiglas si Clarisa para sana makawala sila sa mga di kilalang kalalakihan. Ngunit mahigpit siyang hinawakan ng mga ito at sa hindi niya inaasahan ay pinalo siya sa batok at sa kasamaang palad ay nawalan siya ng malay.
"Clark!"
Malakas na sigaw ni Aira nang makitang lupaypay na buhat ng mga lalaki na ipinasok sa van. Natatakot siya sa mga ito at kusang loob na sumama.