NAPAMULAT ako ng dahan-dahan sa nararamdamang sakit sa batok. Ngunit nang gumalaw ako para himasin ito ay napakislot akong bigla. Hindi ko maigalaw ang mga kamay at makita ko na lang ang sarili na nakagapos sa isang silid.
"Where am I?" tanong ko sa kawalan.
Wala akong ibang nakita sa lumang silid kundi ang tanging liwanag na lumisot sa siwang ng kahoy na dingding. At ang sarili na nakagapos sa isang kahoy na upuan.
I tried to take off those ties on my hand, but I couldn't remove it. Masyadong magigpit ang pagkakatali sa akin ng lubid.
Wala akong narinig mula sa labas nitong silid. Napakatahimik ng lugar at hindi ko alam kung nasaan ako.
Bigla akong kinabahan nang maalala si Aira. We were together nang palibutan kami ng mga 'di kilalang tao. Sino ang mga iyon at ano ang pakay sa amin?
"Hey... There's anyone else out there? Please, help me!"
Nagtawag na ako ng tao sa labas baka sakaling may makatulong sa akin. Kailangan kong malaman kung ano ang nangyari kay Aira.
"Heck, baka...baka pinagsamantalahan na siya!"
Pinilit ko pa rin ang kumawala sa pagkakatali kahit alam kong masakit sa balat ang lubid. Umaasa na lumuwag pan lang ito ng kaunti para makalaya sa pagkakagapos.
But then, again and again ay bigo ako sa pakiramdam na sinasaktan ko lang ang sarili sa pagpupumiglas.
Napatigil na lang ako nang bumukas ang pinto at ilaw sa silid na iyon. Muli ay mga 'di kilalang kalalakihan ang bumungad sa akin.
They're wearing a black jacket with covering their head of a hood. Mukha silang mga ninja and also like assassins. My God, they're going to kill me.
Bumilis ang pintig ng puso ko sa naiisip. Wala akong laban sa dami nila. Sa tantya ko mahigit sampu katao ang nasa harapan ko. Ang mas inaalala ko ay si Aira kaysa panganib.
"Pakawalan niyo ako!"
Umiling ang iba sa kanila at ang iba naman ay walang ingay na pinagtawanan ako.
"Hoy, anong ginawa niyo sa babaeng kasama ko?"
"Ahm, hindi alam kay boss. Baka dinala niya iyon sa langit!" kibit-balikat nitong tugon sa akin.
"Sino ang boss niyo at ano ang pakay sa akin?"
"Hintayin mo lang siya at huwag mong madaliin ang buhay mo."
"Iharap niyo siya sa akin ngayon at kami ang mag-uusap. Sabihin niyo sa kanya na huwag saktan si Aira!"
Pa sigaw na wika ko sa kanila habang muling sinara ang pinto. Sa galit ko ay nilakasan ko pa ang pagpupumiglas kahit at hindi ininda ang sakit na idudulot nito.
Pinipilit kong tumayo kahit nakatali ang mga binti ko sa paa ng upuan. But I failed, I tried so many times ngunit sa huli ay bumagsak lamang ako sa sahig na nakatali pa rin sa upuan.
"Putang*na ang sakit ng likod ko!" hiyaw ko.
Sa bigat ng katawan ko ay hindian lang natinag ang upuan sa pagkadagan ko sa pagbagsak.
"Paano kaya ako makakalaya dito?"
Naisip ko ang cellphone ko para tawagan si Daddy. Walang ibang makakatulong sa akin kundi siya lang.
"Sh*t!" Impit akong napamura dahil hindi ko magawang kunin iyon sa bulsa ng pantalon ko. Nakatali ang dalawa kong kamay gano’n na rin ang paa. So, wala talaga akong magawa.
I let out my deep sighed of frustration. Kahit anong gawin ko ay hirap kumawala.
"Hoy, naiihi ako, tulungan niyo akong magbanyo kahit sandali lang!" tawag ko sa mga kalalakihan.
Ito na lang ang tanging naisip kong paraan. Kakayanin ko siguro ang pakikipagsuntukan sa mga ito. Kailangan ko lang din ang maging alerto sa bawat nakikitang bagay na makakatulong sa akin.
"Hoy, ano ba naiihi, ako palabasin niyo muna ako para magbanyo!" muli kong tawag nang wala man lang sa mga ito ang lumapit.
Hindi ko tinigilan ang pagsigaw para lapitan ako. Kapag natanggal na ang tali sa kamay ko ay doon na ako makipagbugbugan sa kanila.
Bumukas ang pinto at tatlong lalaki ang lumapit sa akin. Isa ay nagpa-iwan sa pintuan at ang dalawa ang nagtulong-tulong sa akin na maipatayong muli ang upuan na pinagtalian sa akin.
"Pwede bang huwag kang malikot diyan," anito.
"Naiihi ako e!"
"Nagpapalusot ka lang. Umihi ka diyan sa pantalon mo!"
"Ano? Tarantado ka ba at gusto mo akong maihi sa pantalon? Ikaw kaya ang igapos ko at sabihing iihi ka sa pantalon mo, ano kaya ang nararamdaman mo," asik ko rito.
Kung totoo man akong naiihi ay hindi ko pa ring magawa ang umihi aa pantalon. Maliban na lang siguro sa ibang dahilan.
"Tumigil ka na kung ayaw mong busalan kita diyan!" singhal nito sa akin.
"Pagbigyan mo na tol baka umihi pa iyan sa upuan. Baka matagalan pa na pumunta rito si bossing at tayo pa mamaya ang malagot," mungkahi naman ng kasama nito.
"Sige na nga!"
Tila nagdiwang ang isipan ko nang sumang-ayon ang isa sa kanila. Pagkakataon ko na ito para tumakas. Saka ko na lang hahanapin si Aira kapag nakahingi na ako ng tulong kay Daddy.
"Paa lang ang kalagan niyo at baka magkaproblema tayo diyan," paalala naman ng isa pang lalaki.
Sa tingin ko ay walang nakakataas sa kanilang grupo na dumukot sa amin ni Aira. Iisa lang ang taong pinuno nila at iyon ay ang boss na tinatawag ng mga ito.
Naglakad kami sa likurang bahagi ng lumang bahay na ito. Wala akong ibang nakitang bagay maliban sa pira-pirasong mga putol na kahoy.
Nakarating kami sa banyo ngunit hindi humiwalay sa akin ang tatlong lalaki. Napatigil ako at inginuso ang kamay na nakatali.
"Tanggalin niyo muna ang tali ko at hindi ako makakaihi."
Nagtinginan pa silang dalawa bago ako binalingan muli. Para pang nagdadalawang isip ang mga ito.
"Paano ako makakaihi nito kapag hindi ko kayang buksan ang zipper ko," niinip kong wika.
"Oo nga naman ano!" sang-ayon naman nila.
Pinapasok muna ako sa banyo saka tinanggal ang tali. Ngunit hindi lumabas ang isang lalaki.
"Labas ka muna roon!" utos ko.
"Ang dami mong request umihi ka na riyan. Parehas lang naman tayong may ganyan e," tugon nito.
"Loko-loko hindi pa official ang p*********i ko kaya labas!" pataboy ko rito.
Napatitig siya sa akin at saka ngumiti na umiling.
"Hayss... Oo nga pala ano naloko ako ng anyo!" natatawa itong lumabas.
Babae pa rin naman ako kahit baliktarin ang mundo at hindi nagbago ang posisyon ng pag-iihi ko.
"Sige na nga at bilisan mo riyan ha!" dagdag pa nito bago tuluyang lumabas.
Agad kong nilock ang pinto at tumingala para suriin ang bintana ng banyo. Napabuntong-hininga na lang ako dahil maliit ito masyado. Hindi magkasya ang katawan ko roon kapag doon ako lulusot.
Wala talaga akong ibang gawin kundi ang makipagbugbugan sa mga ito. Kinapa ko ang cellphone sa bulsa ng pantalon para magpadala ng mensahi kay Daddy.
"Tok... Tok..."
Muntik ko ng mabitawan ang cellphone sa lakas ng katok nila.
"Hindi ka pa ba tapos diyan?" tanong ng lalaki.
"Hindi pa, parang natatae kasi ako e!" pagdadahilan kong tugon.
Kailangan ko pang pahabain ang oras para makapadala man lang ng mensahi kay Daddy.
Pagkatapos ay pinatay ko ang cellphone at ibinalik sa bulsa. Mabuti na lang at hindi nila ito napansin. Sapat na iyon para malaman ni Daddy na nasa panganib ako.
Lumabas na ako ng pinto at inihanda ang sarili. Bago pa man ako matalian sa kamay ay nagpaulan na ako ng suntok doon sa lalaki na siyang may hawak sa akin.
Sa biglaan kong mga suntok ay natumba ito at nagmadali akong lumayo sa kanya.
"Mga tol tumatakas ang tomboy!"
Dinig ko ang impit na sigaw ng isa sa mga lalaki. Nagtatakbo na ako sa masikip na lumang bahay at hindi ko alam kung saan lulusot dahil sa may kalakihan ang bahay.
Ngunit sa pagmamadali kong pagtakas ay biglang lumutang sa harapan ko ang apat pa ng mga lalaki. Kinuyom ko ang mga kamao at isa-isa silang pinagsusuntok.
May mga natatamaan ako ngunit may kung anong bagay ang lumapat sa tagiliran ko at bigla akong nangisay. Parang malakas na boltahe ng kuryente ang nagpanginig sa buo kong katawan.
Umiikot ang paningin ko sa malakas na pwersang umuuga sa akin. Unti-unting nandilim ang paningin ko at nilamon ng kadiliman ang paligid.