Chapter 27

1222 Words
BIGLA akong kinapos ng hininga nang maramdaman ang malakas na tubig ang sinaboy sa mukha ko. Mabilis kong iniilig ang ulo para matanggal ang tubig sa mukha nang sa ganoon ay maimulat ko ang mga mata. Hanggang sa ngayon ay ay hindi pa rin ako magalaw. Biglang namumbalik sa isipan ko ang nangyari sa akin noong nagtanggka akong tumakas. Matapos akong sinaksak ng electric shock weapon na gamit ng mga lalaki ay hindi ko na alam ang kasunod na nangyari. Nang malinaw ko ng pagmasdan ang paligid ay muling tumambad sa akin ang mga nakapalibot na mga lalaking naka-hooded jacket. Maybe someone trying to kill me at ang mga lalaking naririto ay mga assassins. Ngunit sa anong motibo? Sino ang nagpadukot sa amin ni Aira? Muli akong nag-alala kay Aira nang maisip itong muli. Hanggang ngayon ay wala akong alam sa kanyang kinaroroonan niya. Bumukas ang pinto at nagulat akong makita ang amo kong dragon. Doon ko napagtanto na marahil ay alam na nito ang relasyon namin ng kanyang asawa. "What a stupid dog tied on the chair," anito na nakasuksok sa bulsa ang mga kamay. Hindi ko alam kung ano ang isasagot rito. Alam ko ang pagkakamali ko ngunit ang lahat ng ito ay kanya ding kasalanan. Lumapit siya sa akin at isang malakas na suntok mula sa kanya ang tumama sa kanang pisngi ko. Tadyak ng tatlong beses. Muling pinagsusunto ako sa mukha. "Aaahhh..." I moaned hardly when I felt the pain down to my bone. Parang milyon-milyong bituin ang nakita ko nang tumama sa mukha ko ang kamao ni Joem. "Iyan ang nababagay sa mga ahas na katulad mo. I never imagined you to be a mistress... Wait, tama ba ang nararapat na salitang iyan para sayo? Sa dinami-dami ng babae ang asawa ko pa. Talaga bang naliliitan ka sa akin ha?" gigil niyang itinutok sa mukha ko ang isang batuta na mula sa mga kalalakihan. Nakatingin lamang ako sa batuta at kapag sakaling tumama ito sa mukha ko paniguradong basag ang buto sa mukha ko. "Oh' bakit natatakot ka ba dito? Kahoy lang naman ito at hindi baril!" "Sir, si Ma'am Aira nasaan siya?" tanong ko. Gayong siya pala ang nagpadukot sa amin ay natatakot akong sinaktan niya itong muli. "Ahm, my wife? You are asking my wife, well she's ready for our travel back to America tomorrow," mapakla na saad nito. "Hindi iyan totoo, mahal ako ni Aira at alam kong hindi niya kayang sumama sayo roon," kinakapos na hininga kong tugon. "So, sino ang nararapat? Ikaw na isang tomboy na driver ng pamilya namin? You are a f*cking sh*t para sulutin ang asawa ko. Alam mo bang namamatay ang mga taong kumakaliwa sa akin. Isa ka lang dumi sa paningin ko na gustong umiksena sa buhay namin ha!" Panay ang sundot niya ng batuta sa tagiliran ko at sa bawat paglapat niyon ay napapahugot ang ng hininga sa akalang lalakasan niya ito. "Matapang ka lang dahil sa ginapos mo ako. Pakawalan mo ako at magkipag-match ka sa akin. Patunayan mong lalaki ka dahil hindi nakakalalaki ang ginagawa mo kay Aira. Nanakit ka sa kanya kaya nahulog ang loob niya sa akin dahil pinadama kong mas lalaki akong magmahal kaysa sayo," paghahamon kong singhal sa kanya. Napahalakhak siya sa akin nang hamunin kong makipagsuntukan. Unfair for me to die na hindi man lang makasuntok sa demonyo na ito. "Well, pagbigyan kita sa huling sandali. Mabuhay ka man ay hinding-hindi mo na makikita si Aira. Kalagan niyo siya!" Inutusan niya ang mga lalaki na tanggalin ang mga tali sa kamay ay paa ko Ipapakita ko sa kanya na lalaban ako hanggang kamatayan man. Khit hinang-hina na ako ay kakayanin ko para kay Aira. "Papakawalan mo si Aira kapag natalo kita." "Let see kong kaya mo nga ako hangal ka!" Para akong nasa boxing ring at ang mga audience ko ay ang mga tauhan niya. Nang matanggal ang mga tali ko ay agad akong tumayo at imunat ng katawan. Dahil sa ilang oras akong nakatali sa upuan ay tila namanhid ang mga braso at binti ko. Pilit kong nilalabanan iyon dahil kailangan kong ipanalo ang aming suntukan. Ngunit bigla akong napa-isip kung nasaan si Aira. "Ang usapan natin ay papakawalan mo si Aira kapag natalo kita. Tuparin mo ang kasunduan natin," saad ko na pimuwesto na. "Patunayan mo muna at huwag kang daldal ng daldal diyan!" Kasabay niyon ay ang inihambang malakas na suntok sa akin. Mabuti na lang at nailagan ko ito. "Bossing... Bossing..." Naghihiyawan ang mga tauhan niyang pinapalakas ang loob nito. Panay ang iwas ko sa mga suntpk niya at gano’n din ako. Ngunit naging maagap ako at nakaganting makasuntok. Tinamaan ko siya sa panga ng sunod-sunod. "F*ck!" Impit niyang mura na hawak ang baba. Akala ko ay nakalamang na ako roon ngunit isang malakas na suntok din ang tumama sa panga ko. Pakiramdam ko nauga ang mundo ko sa lakas. Nasundan pa ng maraming suntok na siyang nagpabagsak sa akin. Naririnig ko mga kalalakihan na nagbibilang kagaya ng boxing kapag natumba ang isang manlalaro. "Ano bangon? Ipakita mo ang pinagmayabang mong p*********i!" Nagsisigaw siya na tinatadyakan ako kahit saan. Hindi ko na magawang bumangon dahil bugbog na ang katawan. Pilit kong kinaya ang lahat ngunit paulit-ulit akong bumabagsak sa sahig. Nanlalabo na rin ang paningin ko. Inalalayan ako ng mga lalaki patayo sa pag-akalang matigil na. Ngunit kaliwa't kanan na suntok ang natamo ko kay Joem. Ibinuhos niya ang galit dahil sa pagkakasala namin ng asawa niya. Halos mawalan na ako ng ulirat at hindi na magawang lumaban pa. Ramdam ko na rin ang dugo na umaagos mula sa bunganga ko. "Itapon niyo iyan sa basurahan. Huwag niyong hayaan na may makakita sa inyo!" dinig ko pang utos niya. Basta na lang nila akong inihagis sa sahig at hinila na parang hayop. Lalo akong nanghina at hinayaang tangayin ng pagkahilo para hindi maramdaman ang natamong sakit. SA CONDO naman na inuupahan ni Clarisa ay dumating si Aira. Gulat na gulat naman si Bea nang imuwi itong mag-isa na gabi. Hinanap nito si Clarisa ngunit walang maibigay na sagot ang kaibigan. "Hey, okay ka lang?" "Friend, aalis na ako dito at babalik ng America," ani ni Aira. "Ano... Anong kalokohan mo iyan friend? Akala ko ba nagkasundo na kayo ni Clark sa mga plano niyo sa buhay." "Nagbago ang isip ko friend. Sasama ako kay Joem pabalik ng America!" "Ano? Nahihibang ka na ba?" Hindi mapigilan ni Bea ang magtaas ng boses dahil sa biglaang pagbago ng desisyon ni Aira. Wala pa nga'ng dalawang buwan silang nagpasya na dumito tumira sa bansa ay babalik na naman uli sa doon. "No friend. Nararapat lang ang ganito at kung gusto mo sumunod ka na lang total naroon naman ang boyfriend mo," kalmadong tugon ni Aira. "Paano si Clark? Paano ang mga paghihirap at pangarap niya para sayo?" "Tama na friend, tanggapin na lang niya na hindi kami nakatadhana sa isa't isa." "Don't you love her?" Nagtataka na si Bea sa mga nangyayari alam niyang mahal nito si Clark kaysa asawa nitong demonyo ngunit mas pinili nito ang sumamang muli. "I love her, kaya ko nga ginagawa ito para sa kanya." Walang nagawa si Bea kahit mariin niya itong tinutulan. Muntik na siyang mamatay dahil sa pananakit ng asawa ngunit hindi niya alam ang naging tunay na dahilan nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD