Chapter 29

1413 Words
PALAKAD-LAKAD ako sa Burnham park at hindi ko alam kung saan hahanapin ang sarili. Kahit pinaliwanag na sa akin ng doktor ang kundisyon ko ay hindi pa rin ako komportable. May nagtutulak sa akin na alalahanin ang nakaraan ngunit wala. Ayon sa doktor ay hindi naman magtatagal ang kundisyon ko dahil wala siyang nakikitang damaged sa utak ko. Gustuhin ko mang bumalik sa trabaho ngunit hindi muna ako pinayagan ni Daddy. Natatakot siyang maaksidente akong muli katulad ng sinabi nito sa akin. Anito na 'di umamo kaya ako nawalan ng alaala dahil sa pagbangga ng kotse na minamaniho ko. "Haysss... Nakakainip naman na buhay to!" Nagmamaktol akong naglalakad sa kahabaan ng park habang masaya ang mga dayong turista. Sana isa ako sa mga taong nagbabakasyon dito dahil nababakas sa kanila ang saya sa mukha. Nasa magandang lugar ako ngunit daig ko pa ang sinakluban ng langit. Ilang araw na rin akong pabalik-balik rito para hanapin ang kasagutan. Minsan tinatakasan ko na lang ang mga tauhan ni Daddy dahil ayaw kong may nakasunod sa akin. Sa pag-iikot ko sa park ay napansin ko ang isang babae na umiiyak. Kumunot ang noo ko dahil sa pag-aakalang nagsasaya ang lahat sa pamamasyal dito. Katulad ko rin ay may isang tao palang malungkot din. Sandali ko siyang pinagmasdan at kinikilatis ang mukha. Maganda at balingkinitan ang katawan. May mahabang buhok at mala-anghel na mukha. Bagay na may naalala akong kahawig sa character nito ngunit hindi ko alam kong sino. Naisipan kong lapitan siya para magmagandang loob lalo na at mag-isa rin ito. "Hi, will I excuse me, Miss! Maaari ba kitang samahan sa iyong pag-iisa?" Marahan niyang pinunasan ang mga mata. Nag-angat siya ng tingin sa akin sabay mahinang tumango. Doon ko nasilayan ang maamo niyang mukha ngunit bakas sa kanyang mga mata ang lungkot. "Yeah, sure!" Umusod siya ng kaunti para pagbigyan ako ng espasyo sa bench na kanyang inuupuan. "Ahm, hindi ba ako nakakaabala sayo?" Bahagya naman siyang ngumiti na tila binibigyan ako ng assurance. "No, it's okay for me. I'm also alone here so, you can join me!" aniya. I smiled at her para mas gumaan pa ang pakiramdam niyang may kasama. "If you don't mind, I want to ask you. Nakita kasi kitang umiiyak kaya naglakas loob akong lapitan ka. Taga-rito ako and you can share it with me kung gusto mo. I am ready to listen," mahinahon kong wika. Nauunawaan ko ang pakiramdam niya. She's lucky than me kasi alam niya ang problemang iniiyakan. "Ahm..." Nag-aalangan siyang magkwento sa akin kaya naman mas pinagaan ko pa ang loob niya. Willing naman akong maghintay na mag-open siya sa akin. "Oh" sorry, I am Clarisa Solano, Clark for short!" I extended my arms para makipagkilala sa kanya. Maagap naman niyang tinanggap iyon. "Ayana... Ayana Santillan!" Nakita ko ang inosente niyang mukha sa likod ng malungkot na mga mata. Lumalakbay naman ang isipan ko sa isang tao na magpahanggang ngayon ay hindi ko maalala. "Wait, anak ka ba ni Don Clavio Solano, ang mayamang tao dito sa Baguio?" Mariin niya akong sinuri na tila ba nakikilala niya. Ngunit bibihira lamang akong nakikipaghalubilo sa mga tao noon. "Yes!" Marahan akong tumango sa kanya na sinabayan ko ng ngiti. I easily drop my trust to her kasi nakikita ko na mapagkatiwalaan siya. Since na binago ko ang sarili noon ay hindi na ako nagpapakita pa sa mga kakilala o mga tauhan ni Daddy maliban na lang sa mga matagal ng tauhan sa mansion. "Wow, nice to meet you. Actually, gusto nga kitang maging kaibigan noon kasi nakikita kong hindi ka masyadong pala-kaibigan. Nag-aalangan naman akong lapitan ka at baka ayaw mo sa mga katulad kong mahirap lang," kwento pa niya. Hindi ko inaasahan na mayroon pa lang tao na gusto akong maging kaibigan noon. "So, I will grant it now. Magkaibigan na tayo ngayon right?" "Uhm... Yes!" Para kaming mga teenager na kinilig sa isa't isa. Nahanap namin ang sarili na magkatulad ng damdamin. Panandalian ring naiwakli ang mga suliranin ng aming sarili sa mga oras na iyon. "Kapag, okay na ako sayo ay yayain kita sa aming tahanan. Ipapasyal kita sa aking mundo," natatwang wika ko. Hindi ko alam kung ano ang nag-udyok sa akin para maging bibo ng araw na ito. Para bang nabuhay ako sa isang bangungot na hindi ko nga alam kung ano ang suliranin ko sa nakaraan. "Aba'y ikinagalak ko ang iyong pag-imbita sa akin. Hindi naman kasi ako taga-rito kaya ikinatuwa ko iyan," masayang tugon niya. "Nagbabakasyon ka lang dito?" "Oo, may tiyahin ako rito na madalas ko ring dinadalaw. Sa tuwing nalulungkot kasi ako ito ang lugar na pinipili kong puntahan. Dito rin kita unang nakita noon kaya ko nakikilala na anak ka ni Don Clavio," saad niya. "Oh I see. Hindi ka ba naiilang sa pagkatao ko? Maraming taon na ang lumipas at iba ang character ko noong teenage life ko." "No, mas okay ka nga kaysa mga lalaki na walang alam kundi pagsamantalahan ang mga babae. Para sa akin ay totoo kang tao," aniya na tila may pinanghuhugutang emosyon. I roughly understand na niloko siya ng kasintahan na siyang dahilan ng kanyang pag-iiyak. "Salamat sa pagtitiwala mo. Maybe we met for just a reason." Sa pagsisimula ng aming magandang usapan ay napansin ko ang tatlong kalalakihan na pamilyar sa akin. Kasunod naman nito ang iilan sa mga tauhan ni Daddy kaya hindi na ako nag-aksaya ng panahon upang magtago. "Come, maghanap tayo ng lugar na wala masyadong tao!" Marahan ko siyang hinila at nagtaktakbo. Kinubli ko ang sarili sa kanya at sa mga taong turista para iwasan ang mga iyon. Hindi naman siya tumanggi ngunit, alam kong nagtataka siya. Ipapaliwanag ko rin mamaya sa kanya ang dahilan ko. "Saan ba tayo pupunta?" tanong niya. "Hindi ko alam pero kailangan natin ng lugar na tahimik at...basta." Walang katiyakan ang pagdadalhan ko sa kanya just to skip my Dad's bodyguards. Feeling ko kasi walang kalayaan kapag nariyan sa paligid ang mga ito. "Doon na lang tayo sa burol, mas nakakarelax doon at makikita natin ang kabuuan ng lugar na ito," aniya. "Sure, basta relaxing lang at walang istorbo. Marami kasing bubuyog na umaaligid sa atin, I mean sa akin!" "Bubuyog?" Napatigil kami sa pagtatakbo nang makalayo na. Hingal man ngunit masaya na may kasama sa kalokohan. "Kasi...kasi mga tauhan ng Daddy ko ang bubuyog na sinasabi ko. Madalas kasi silang nakasunod sa akin lalo na ngayon may dumagdag pa." "Ah, gano’n ba? So, nakalayo na tayo at naroon nga pala ang burol na sinasabi ko!" "Tara akyatin na natin para doon na lang tayo magkwentuhan!" Inakyat namin ang may katirikan na burol. Hindi ko pa nga narating ang lugar na ito na kung tutuusin ay taga-rito ako mismo. Naupo kami sa damuhan at tinatanaw ang buong Baguio kung saan malaya naming napagmasdan ito. Kahit tirik ang araw ay hindi namin iyon naramdaman dahil sa malamig na klima at hangin. "Sandali, paano mo nalaman ang lugar na ito?" pagtataka kong tanong. Wala naman kasing ibang tanawin rito kundi ang pagmasdan ang kabuuan ng siyudad. "Nasa paanan ng burol na ito ang bahay ng tiyahin ko kaya madalas akong naririto. Hindi ko lang alam kung ano ang nag-udyok sa akin para doon sa Burnham park ako nagpalipas ng oras," aniya. "Kaya naman pala at madali lang sayo ang daan patungo dito dahil diyan lang pala sa ibaba ang bahay niyo." "Oo, siguro nga sinadya iyon ng tadhana para makilala ka!" "Maybe!" "Clark, nagmahal ka na ba?" seryosong tanong niya. Hindi agad ako nakaimik dahil kailan lang ay hindi ko pa ganap na maalala ang nakalipas na sandali sa buhay ko. Sa ngayon ay wala akong matatandaan na may inibig kaya kibit-balikat ko siyang hinarap. "I don't know!" "What? Anong ibig sabihin niyan?" kunot noo niyang tanong. "Nakalimot kasi ako ng alaala ngunit hindi naman amnesia. Ang sabi kasi ng Daddy ko ay naaksidente ako nito lang kaya nawala ang munti kong alaala. Ayon naman sa doktor ay wala namang deperensiya sa utak ko kaya babalik lang raw ito ng kusa," paliwanag ko. "Sorry to hear that. May kaunti akong alam tungkol diyan para maalala mo ang nawalang alaala," wika pa niya. "Really!" Natuwa akong marinig iyon para naman mabuo na ang sarili ko. Para kasing nabubuhay ako sa dilim at hinahanap ang liwanag. Pagkakaton ko na ito na mabalikan ang nagdaang alaala na kailan ko pa inaasam na bumalik. Ramdam ko kasi na mayroon akong dapat maalala at iyon ang hinahanap ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD