Chapter 30

2127 Words
"HINDI KA BA TALAGA TITINO HA?" Galit na bungad ni Daddy sa akin. Sa palagay ko'y nereport ng mga tauhan nito nang hindi ako mahanap. "Dad, I just wandered around the park!" Kagat ko ang ibabang labi dahil sa pagsisinungaling ko. "Oh, you're wandering around huh while I'm here thinking about you. Paano kung napahamak ka? Paano kung sa hospital kita ulit dadatnan?" Napahilamos siya ng mukha sa galit. Sa dinami-dami ng mga tauhan niya ay hindi pa rin ako mahuli-huli ng mga ito. "Don't worry Dad, narito lamang ako sa Baguio at wala sa Maynila. Naririto na ako sa harapan mo at maayos, walang galos. I'm still fine Dad, kaya itigil mo na kasi ang pagpapasunod sa akin ng mga iyan!" Itinuro ko pa ang mga tauhan niyang nakikinig lamang sa amin. Ngunit hinagilap ng mata ko ang tatlong malalaking ganza na laging magkakasama. Ang tataas kasi ng mga leeg at hindi bagay na tawaging itik. "Shut up Clarisa! Kapakanan mo lang ang iniisip ko. Kapag hindi ka pa tumino ay mapipilitan akong gawin ito sayo," pagbabanta niya. "Like what Dad?" wala sa loob kong tanong. "Clarisa, tama na iyan! Pumasok ka na sa iyong silid!" Inawat na ako ni Manang Lita nang marinig nito ang pagtaas ng boses ng aking ama. "Fine, Manang! Kahit ang pamamasyal ko walang laya!" Nagmamaktol ako na pumanhik sa itaas. Para kasing dati ko na gawaing ang salungatin si Daddy sa mga gusto niya. "Oh' matanong ko lang Dad, where is the three big goose's? Actually nakita ko sila kanina sa park at ang taas ng mga leeg parang ganito-" Itinaas ko ang dalawang kamay at ginagaya ang aksyon ng mga ganza kapag naglalakad. Naningkit naman ang mga mata ni Daddy habang tiningnan ako. Hindi ko na hinintay na mayroon siyang ibabato sa akin bago umalis. "Clarisa?!" Kumaripas na ako ng takbo papasok sa kwarto ko. Para akong bumalik sa pagkabata sa lakas mang-asar. Nahiga ako matapos makapag-ayos ng sarili. Balak ko na namang dalawin si Ayana sa bahay nila para mamasyal. Kinabukasan tahimik akong nakisabay sa agahan kay Daddy. Mabuti at hindi niya inimbitahan ang tatlong ganza na iyon. Natitiyak kong mabibingi ako sa ingay nila. Hindi ko lang talaga maintindihan kung ano ang binabalak ni Daddy sa kanila. "Saan ang lakad mo at nakabihis ka na naman?" "Mamamasyal lang Dad!" Sandali kong inilapag ang kutsara at tinidor nang maisipang magtimpla jg kape. "Hayaan mo ang mga tauhan ko na samahan ka. Huwag ka magmatigas at para lamang ito sa iyong kaligtasan," saad niya. Nakikinig lamang ako sa kanya na habang nakatitig sa hinahalong kape. As usual ay naisipan kong takasan muli ang mga ito. Para kasi akong bata sa ginagawa ni Daddy na tila takot mawala. "Hmm... Fine Dad, pero huwag lang sila masyadong lalapit sa akin," pakiusap ko naman. "Okay, pero gusto kang samahan ni Simon sa iyong pamamasyal. He wanted to know you more!" "Huh!" Napanganga ako. Iniisip ko pa lang ay naririndi na ako sa kadaldalan no'n. "Gosh Dad, baka kuyugin ako ng mga turista sa Burnham park dahil may mga mayayamang ganza akong kasama na naroon!" Napahilot pa ako sa sintido na umalma sa nais nito. "Stop it Clarisa! He is the son of Governor Monteverde and we need to respect him," nagtaas siya ng boses sa akin. "So?" Nagtaas lang ako ng kilay na hindi naman natatakot kahit anak pa ito ng Governor. "Talaga bang ipapahiya mo ako ulit sa kanila ha?" Natigilan ako sa paghigop ng kami sa narinig. Inaalala ko kung may nagawa na ba ako dati na napahiya siya. "What Dad?" "Forget it!" Kahit may mga weird na sinasabi ang Daddy ay tinapos ko na lang ang almusal para makaalis na ako. Dumaan ako sa strawberry farm para manguha at dadalhing pasalubong para kay Ayana. Katulad nga ng sinasabi ni Daddy ay pinasunod niya ang mga bantay ko. Pagdating ko roon ay isang babae ang nakita kong kausap ng mga tauhan sa farm. Agad akong lumapit roon parsa alamin kung ano ang problema. "Excuse me, may problema ba?" Napalingon sila sa gawi ko at nakita ko ang gulat na mukha ng babae. "Clark? Clark ikaw nga!" "Ma'am, hinahanap ka niyan dito kaya lang hindi naman namin pwedeng sabihin agad ang iyong kinaroroonan," wika ng isang tauhan sa farm. Tumango ako. Pilit kong inaalala kung nakikilala ko ba siya samantalang kilala niya ako. "May I know you Miss?" "Hindi mo ba ako nakikilala? Ako ito si Bea ang kaibigan ni Aira," aniya. Umiling ako. Kunot noo ko siyang tinitigan ngunit wala akong maalalang Bea at Aira na binanggit niya. "Hayaan mo akong makausap ka!" giit niya. Pinaunlakan ko siya sa pagkakataong marinig ang kanyang sasabihin. Dinala ko siya sa park na sana ay doon kami magkita ni Ayana. Ipagpaliban ko muna ang aming pagkikita lalo na at nararamdaman ko na may mahalaga siyang sasabihin. MINSAN may mga bagay na hindi inaasahan na dumadating. Ang mga pinaplano ay nagkakaroon ng aberya. Walang nakakaalam kung ano ang mangyayari sa hinaharap. Kaya naman mahirap umasa sa isang bagay na hindi pa natitiyak. Imbes na masimulan ang dapat na gawin ay pansamantala itong pinagpaliban nang isugod ako sa pagamutan ni Bea. Ayaw ko sanang pumayag dahil wala naman akong karamdaman. Pinagbigyan ko siya kahit nag-aalangan. Isinugod niya ako sa malapit na hospital para alamin ang naging kundisyon ko. Nag-alala si Bea dahil sa nakalimot ako sa tunay na nangyari sa akin. "Clark!" She smiled giving me courage. Nakahiga pa ako matapos suriin ng doctor. Tanging siya na lang ang natitirang tao para magsabi ng katotohanan. "Doctor, ano ba ang karamdaman niya?" tanong ni Bea. Matapos masuri lahat ay hindi napigilan ni Bea na alamin agad ang naging sanhi ng pagkawala ng alaala ko. May nais siyang ipagtapat sa akin ngunit minabuti niyang alamin muna ang kalagayan ko. "Miss, huwag ka ng masyadong mag-alala sa iyong kaibigan. Ayon sa aking pagsusuri ay wala naman akong nakikitang sanhi sa pagkawala ng kanyang alaala. Maaari pagod lamang ang kanyang utak dahil sa aksidente. Sa ngayon ang tanging magagawa mo sa kanya ay unti-unting ipaalala sa kanya. Makakatulong rin ang mga larawan at lugar na madalas ninyong pinupuntahan," saad ng doktor. Nakahinga naman ng maluwag si Bea. Kailangan ko lang pala ng may magpapaalala sa akin. "Thank you Doc!" "You're welcome!" Matapos ang aming pakikipag-usap sa doctor ay hinintay namin na mabigyan kami ng signal na maaari na kaming umalis. "Miss, mayroon akong ibibigay diyan sa kaibigan mo para sa mabilis na bumalik ang kanyang alaala. Ito ay isang friendly medicine kung saan narerelax ang kanyang utak," wika ng doktor. "Effective ba iyan Doc?" sabat ko na sa kanilang usapan. "Yes, ngunit makakatulog ka!" "Sige Doc, basta wala lang side effect," sang-ayon ko naman. "Are you sure?" nag-aalangang tanong ni Bea. "Kaya tayo naririto ay dahil sa gusto nating maalala ko ang nakaraan." Nababakas man ang pag-alala ni Bea ngunit iisa lang ang aming hangarin. "God help you!" bulong niya. Ramdam ko ang pagbaon ng karayom sa balat ko. May munting sakit man ay hindi iyon balakid sa nais kong maalala. Bakit ba kasi nawala iyong gayong maayos naman ang lahat. ILANG minuto ang nakalipas ay nakatulog si Clark matapos maturukan. Pansamantala siyang binantayan ni Bea habang hinihintay na magising siya. "Where am I?" tanong ni Clarisa nang magising sa ilang oras na pagkakatulog. Nang mapagtanto niyang wala siya kanilang bahay ang nakikita sa kisami. Kaagad siyang bumangon sa kama. Tila nagulat pa siya sa lugar na kanyang nakikita. "Bea nasaan ba ako? Bakit tayo naririto?" naghisterical niyang tanong. Agad namang pinigilan ni Bea ang kaibigan na huwag masyadong magalaw sa higaan. "Sshh... Calm down! Nasa hospital ka at huwag mag-alala dahil wala naman nangyari sayo. Pinatulog ka lang para bumalik na ang alaala mo," mahinahong wika ni Bea. "What? May nangyari ba sa akin?" "Naalala mo na ba ang lahat?" balik na tanong ni Bea. "Ano ba kasi ang pinagsasabi mo? Nasaan si Aira?" Doon na napatango si Bea nang nagtagumpay sila. Ngayon ay maaari na niya itong isalaysay. Ngunit hindi nararapat ang lugar para pag-usapan nila ang mahalagang bagay. "Ipapaliwanag ko sayo ang lahat, pagkalabas natin rito!" Nahirapan mang maabsorb sa utak ni Clarisa ang pagkaka-hospital niya ay sinang-ayunan niya si Bea. Agad naman silang lumabas ng hospital ng mga oras na iyon. "Bakit tayo nasa Baguio? Teka lang ang naalala ko-" Napatigil siya sa pagsasalita nang maalala ang huling naganap. Binugbog siya ng mga kalalakihan. "Relax lang Clark, alalahanin mo lahat at doon natin pag-usapan sa isang safe na lugar," saad ni Bea. Habang sa sasakyan ay naalala niya ang ama sa paghihigpit nito. Matitiyak niyang hinahanap na naman siya nito. Nakarating sila sa hotel tinutuluyan ni Bea. "Now, tell me Bea, nasaan si Aira?" Sa huling alaala niya ay hindi niya ito nakausap nang madukot sila. Ngunit nagsimula mag-apoy sa galit ang mga mata ni Clarisa nang maalala na si Joem lang pala ang may gawa sa kanila. "I'm sorry Clark, wala na siya!" Malungkot na tugon ni Bea. Pakiramdam niya ay sinakluban siya ng langit. "How? Si Joem ba ang pumatay sa kanya?" "No, no... I mean wala na siya rito sa bansa." "Tsk... Akala ko naman namatay siya!" Napahilamos ng mukha si Clark. Hindi alam kung ano ang nararamdaman sa kanyang nalaman. "Isinama siyang muli ni Joem sa Amerika at hindi naman ito tumutol. Mariin ko ng pinigilan siya noon ngunit sumama pa rin ito," ani Bea. "What? Hindi ba niya ako mahal at kailangan niyang iwan ako. Paano naman ang pinangako ko sa kanya na masayang buhay?" Naikuyom niya ang kamo sa emosyong hindi siya pinaglaban. Hindi pinanindigan ang kanilang pangako sa isa't isa. "Kaya nga kita hinanap dahil magdalawang linggo ka ng hindi umuwi sa condo na inupahan mo para sa amin. Dito ko naisipang hanapin ka sa pag-akalang nagpapahilom ka lang ng sugat sa puso mo." Hindi nakaimik si Clark at dinama ang sakit ng kabiguan. Ang minahal niyang babae ay tinalikuran siya sa kabila ng kanyang pagmamahal at tulong. "Salamat sa balitang iyan. Ngayong alam ko na ay naliwanagan na ako." "Sa makalawa ay aalis ako ng bansa para sundan siya roon. Hindi aki mapakali dahil alam naman natin ang ugali ni Joem," ani Bea. "Kahit pa man ganito ang ginawa niya sa akin ay nag-alala pa rin ako sa kanya. Ikaw na bahala sa kanya roon dahil hindi ko na saklaw kapag nasa malayo kayo." "Babalik ako ng Maynila ngayong gabi na maluwag sa damdamin. Ipaparating ko na lang ang lahat kay Aira na maayos ka lang at hindi na mag-alala pa!" "Wait, sasama ako sayo pabalik ng Maynila. Aayusin ko lang ang naiwan ko roon dahil balak ko ngayon na dito sa Baguio magpapalipas ng sama ng loob," giit ni Clarisa. "Okay, hintayin kita rito!" Agad na umuwi si Clarisa para kumuha ng iilang gamit sa pagluwas sa Maynila. Paalis na siya ng mansion nang maabutan ng ama. "Where are you going? Hindi ka ba talaga titigil sa ginagawa mo?" "Dad please, stop nagging me. You already know my decision is final at hindi na iyon magbabago," mariing tugon ni Clarisa. Nagulat naman si Clavio sa inasal ng anak. Ibang-iba nang makausap niya kaninag umaga. "I'm just asking you! Masama na ba ang tanungin ka kung saan pupunta?" Napabuntong-hininga si Clarisa at alam niyang gumagawa lang ng paraan ang kanyang ama upang pigilan ang kanyang lakad. Ngayon na bumalik ang kanyang alaalang nawala ay hindi na niya sinumbatan ang ama sa paggawa ng kwento upang mailihis ang totoong nangyari sa kanya. "It's not about that Dad, just avoiding what you will say if you know what I'm going to do," tugon ni Clarisa "So, bumalik na ba ang alaala mo? Ganyan na ganyan kasi ang ugali mo noon at suwayin ang mga gusto ko," iritadong wika ng kanyang ama. "I'm sorry Dad, noon pa man ay hindi ko sinang-ayunan ang gusto mo. Suportahan mo naman ako kahit kunti lang," pakiusap niya sa ama. Walang nagawa ang si Clavio kundi ang hayaan muna siya kahit labag man sa kalooban nito. Hindi niya lubos maisip kung saan hahantong ang kahibangan ng anak sa pakikipagrelasyon sa kapwa babae. "But-" Napatigil siya at hindi na magawang ituloy ang sasabihin. Wala rin namang patutunguhan kung maging mahigpit siya gayong malakas ang paninindigan ng anak "Excuse me Dad!" Tuloy-tuloy na si Clarisa sa paglabas sa kanilang bahay at hindi na nagpapapigil pa sa ama "Don't worry Dad, babalik ako after two days. Huwag mo na pasunurin ang mga alalay mo at uuwi ako sa araw na sinabi ko," dagdag pa ni Clarisa bago tuluyang umalis ng bahay. Napahugot na lamang ng malalim na hininga si Clavio na tinatanaw ang anak papalayo. Hindi niya alam kung kanino nagmana ang anak sa katigasan ng ulo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD