“KUMPADRE WALA PA BANG BALITA?”
Inip na tanong ng kaibigang si Governador David Montero. Matagal na nitong inaasam ang maikasakal ang anak sa nag-iisang anak ng mayamang negosyanting kaibigan na taga Bagiuo. Ngunit apat na taon na itong naglayas at wala pa rin balita sa naudlot na kasalan.
“Don’t worry my friend, binibigyan ko lang siya ng pagkakataong makapag-isip. Malupit ang lipunan sa napinili niyang pagkatao. Babalik rin siya sa akin na hindi kailangang pilitin,” kalmadong wika ni Mr. Solano.
“I just worried, baka kasi hindi na matuloy ang pagsanib ng ating lahi.”
Ngumiti lamang itong si Mr. Solano na itinaas ang kopita para makipag-toss sa kaibigan. Kampante siyang maipakasal ang naglayas na anak. Mula pagkabata ay magkaibigan na itong dalawa at napagkasunduan nilang ipakasal ang mga anak. Nagkataon naman na match ang mga anak ngunit nagkaroon ng kaunting problema na siyang dahilan upang maudlot ang kasunduan.
Ang kanilang pag-emerge ng angkan ay nagpapatibay ng kanilang emperyo sa lalawigan. Halos sakop ng pamilyang Solano at Montero ang naturang lalawigan kung saan malaking plantasyon ng iba’t ibang produkto ang naroon. Nagmula sa kanilang lalawigan ang supply na kinukuha ng buong Maynila. Mapabulaklak, prutas o gulay man ay ito ang kanilang pinagmamalaki.
“Pinapangako ko kumpadre magkakaroon tayo ng malaking pagdiriwang sa lugar na ating nasasakupan. Itatanghal natin ito bilang isang biggest event na mangyayari sa ating angkan. Ihanda mo na si Simon at ako na ang bahala sa anak ko. I already track her down at may plano na akong gagawin. As soon as possible ay maikasal na natin sila,” ani Mr. Solano.
“Good to hear that kumpadre. We might do something tricks para paglapitin natin silang dalawa,” nakangiting wika ni Governador Montero.
“Cheers for that kumpadre!”
Itinaas pa ni Mr. Solano ang kopita sa pangalawang pagkakataon upang salubungin ang tagumpay ng kanilang mga plano. It’s been a while na nagkasama ang dalawang ito sa isang paanyaya ng isa ring kaibigan. Abala si Governador Montero para sa pangangampanya sa darating na halalan. At nagkakasama sila sa isang lunch sa isang sikat na restaurant.
“Sir I saw her!” Bulong ng isa sa mga bodyguard ni Mr. Solano. Isang kilalang personalidad si Mr. Solano at kaakibat dito ang kanyang kapakanan at kaligtasan. Marami siyang tauhan na nagbabantay sa kanya lalo na sa mga lakad na mahalaga.
“What a coincidence? May kasama ba siya?” nakangiting tanong ng matanda.
“Yes sir, isang maganda at seksing babae ang kasama niya at bukod pa doon ay may isa pang babae ang naghihintay sa kanila,” tugon naman nito sa amo.
Pasimpleng nagpaalam si Mr. Solano sa mga kaibigan at kinausap sa isang tabi ang kanyang bodyguard. Kasalukuyang nasa pribadong silid sila kung saan makikita nila ang mga customer na kumakain.
“Saan sila banda?” atat na tanong ng matanda habang hinahagilap ng mata ang suwail na anak.
“Tumbukin mo ng iyong paningin ang sulok na iyon sir!” turo pa ng bodyguard niya.
Agad naman niyang nakita ang anak na masayang kausap ang dalawang babae. Naninibago lamang siya sa anyo nito dahil sa makalipas na apat na taon ay tumindi na yata ang pagkakahibang ng anak. Carbon copy nga ito sa kanya kung naging lalaki lang ngunit alanganin ang pagkatao nito. Batid niyang noon pa man ay may pusong lalaki nga ito ngunit mas tumindi ito nang mapagpasyahan niyang ipakasal sa anak ng kaibigan.
Nakatayo siya sa isang tinted na glass wall habang pinagmasdan ang anak na matagal na nawalay sa kanya. He admit na nag-alala siya rito ngunit binigyan niya ng laya kahit pa man sinuway nito ang kanyang kagustuhan.
“Keep an eye on her at alamin niyo kung sino ang mga babaeng kasama niya!” mariing utos nito sa tauhan.
“Right away sir!”
Bumalik ang matanda sa kanyang inuupuan at agad naman tumalima ang tauhan nito upang ipaabot sa iba pang kasamahan para mangalap ng impormasyon na nais malaman ni Mr. Solano,
“Is there any problem kumpadre?” tanong ng Governador Montero.
“No kumpadre, nakakita lang ako ng isang kilalang tao na nasa loob nitong restaurant,” nakangiting tugon niya sa kaibigan.
“Ah, gano’n ba? Akala ko may problema at ang mga tauhan ko na ang bahala sa mga gano’n. Hayaan mo at pagkatapos ng eleksiyon ay magkakaroon na tayo ng malaking pagdiriwang doon sa Baguio. Isama natin lahat ng mga kaibigan na naririto sa ngayon,” masayang wika ng Governador.
“Sure kumpadre, gawin nating espesyal ang araw na iyon. Siya nga pala kumpadre kailan nga pala uuwi si Simon dito sa Pinas?”
“Mabuti at natanong mo iyan, sa susunod na buwan ang kanyang uwi rito. Sabik na rin makita ang anak mo kumpadre at na excite raw umano siya sa larawan ng iyong anak,” masayang tugon ng Governador.
“Lalo siyang ma-challenge kumpadre kapag nagkita na sila. Kailangan niya ring magpalakas dahil may pagkamaskulado ang anak ko,” natatawang tugon niya.
Hindi basta-basta ang kanyang anak lalo pa yatang naging mukhang lalaki ito. Sa tantya niya at daig pa ang kapanahunan niya noon na makisig at matanggkad na lalaki.
“Iyan ang aabangan nating kumpadre. Kilala mo naman si Simon kapag ginusto ang isang bagay ay hindi niya ito titigilan hanggang mapasakanya ang bagay.”
“Aba’y para ikaw lang naman kumpadre. Naalala ko noong umaakyat tayo ng ligaw, hindi pa nga nakapagsalita ang babae nahawakan mo na kaagad ang bandera!”
Humagalpak sa tawa ang Governador nang maalala ang kanilang kalokohan noong mga kabataan nila but then, years past ay tumino rin ang mga ito nang magkaroon na ng pamilya.
“Huwag mo nga ako masyadong ebuking kumpadre at noon lang naman iyon. Ikaw nga ay bilib ako sayo dahil nalingat lang ang ina ng babae ay kinain mo na agad ang prutas ni Eva,” pabulong naman na ganting pabiro ng Governador.
Masayang binalikan ng dalawa ang alaala nila noong kabataan na puno ng kalokohan. Nag-ugat lamang ito sa pagbabaliktanaw nila sa mga katangian ng kani-kanilang anak. Hindi naman sila magkatulad ng tinatahak sa buhay ay hindi nawala sa kanila ang pagiging malapit na kaibigan. Bukod pa doon ay parang magkapatid na silang dalawa dahil naging patas sila sa buhay. Hindi lang namana ng mga anak nila ang mga bagay na mas pinapahalagahan nila sa ngayon.
HALOS magmukha na akong suman sa attire ko. Nakatago ang katawan sa makapal na jacket at hindi ko na rin tinanggal ang makapal na salamin. Alam kong may posibilidad na may makakita sa akin sa lugar na ito. Wala na akong magagawa kundi sundan itong amo ko. Mahigpit pa namang binilin sa akin ng amo kong dragon.
“Oh, she’s there at the corner,” masayang usal ni Ma’am Aira.
Sinabayan ko siyang maglakad patungo sa mesa ng kanyang kaibigan. Nang makita kaming paprating ay agad naman nagkawayan ang dalawa. Parang ang tagal na hindi nagkita at sabik sa isa’t-isa. Ako sa kabilang banda ay hindi mapakali dahil sa lugar kung saan pag-aari ng kaibigan ang ama ko.
“Oh’ dear I miss you!” Mahigpit na yakap ang iginawad ng babae kay Ma’am Aira.
“I miss you too, Bea my friend. Salamat at sumunod ka para man lang may iba akong kausap dito. Alam mo naman si Joem at madalas na wala.”
“Of course, kung saan ka ay doon din ako. Teka nga at sino naman itong gwapo na kasama mo?”
Doon lamang ako napansin nang kumalas ito sa pagkakayakap kay Ma’am Aira. Hindi nakakapagtaka na magkaibigan itong dalawa dahil pareho silang maganda.
“Ahm, she’s Clarissa our driver,” nag-aalangan na sagot niya sa kaibigan.
“Ah, I see!”
Ngumiti silang dalawa sa akin at binigay ko rin ang matamis ko na ngiti sa kanila. I hope na kagaya siya ni Ma’am Aira na may respeto sa kahit kanino.
“Let us sit!” aniya na turo ang bakanteng upuan.
Nag-aalangan akong umupo sa kanilang mesa at baka mayroon silang pag-uusapan. Naisipan ko na rin na uupo sa kabilang mesa habang hinihintay silang matapos sa pakikipagkwentuhan.
“Ma’am, doon na lang ako sa kabilang mesa,” paalam ko dito.
“You can join us, come and sit!” Sabay na alok nilang dalawa.
“Huh!” Naiwang nakanganga ang bibig ko. Hindi ako makapaniwalang inalok niya ako para samahan sila sa kanilang pag-uusap. But my amazement turned into smile. It’s good thing na sa kanila mismo nanggaling iyon ngunit kailangan kong lagyan ng limitasyon ang sarili lalo na at amo ko pa rin siya.
“No thanks Ma’am!”
“Don’t refuse us, we insisted. At lalong huwag kang mahiya sa amin. Kami ni Bea ay pantay-pantay ang pagtingin sa kapwa tao,” ani Ma’am Aira.
“P-Pero kasi Ma’am-“
“No buts, samahan mo kami at isipin mo na lang na hindi kami na-iiba sayo!”
“Thanks!” tanging sagot ko.
Lumapad ang ngiti ko na umupo sa kanilang harapan. Bihira ang may ganitong tao lalo na sa mga mayayaman. Iyon kasi ang madalas iniisip ng ibang tao sa pagkikilala sa mga may nakakaangat sa buhay.
“I already had an order for us. What about you?” tanong ni Bea sa akin sabay kaway sa waiter.
Sa ganitong lugar ay wala akong ibang pagpipilian. Binuklat ko na lang ang kanilang menu book at pumili ng ma-oorder.
I was eating quietly na tanging kutsara at tinidor lang ang maingay sa akin. Patuloy ang pag-uusap ng dalawa sa kanilang mga plano sa pagbalik bansa.
“How about you Clar?”
Napatigil ako sa pagkain nang balingan ni Bea. Hindi ko alam kung ano ang tinatanong niya sa akin.
“Sorry, ano nga uli ang tanong mo ma’am?”
“I mean, how’s your life as a simple citizen and as a driver too?”
Nakakagulat naman ang tanong nito sa akin. Hindi ko naman maaaring sabihin ang totoong buhay ko dahil sekreto iyon na hindi ko pwedeng ipagsabi.
“Okay lang naman ma’am. Ayos na sa akin ang maging malaya sa mga bagay na gusto ko. Isa nga lang akong driver ngunit masaya na ako sa trabahong ito at marangal naman na kumikita,” tugon ko.
“Do you have any girlfriend?”
Napahimas ako sa batok nang lumalim ang mga tanong nito tungkol sa buhay ko. Dahil sa ama ko noon ay hindi ko nakita ang taong nagugustuhan ko kung kaya’t wala akong karanasan sa pag-ibig.
“W-Wala pa ma’am, but I saw someone stole my attention but sadly she’s already taken,” mapakla kong ngiti na sagot dito.
Hindi ko maiwasan ang sulyapan si Ma’am Aira na napatigil sa pagnguya ng kanyang pasta. Kinabahan ako roon dahil ayaw ko naman ipahalata na siya iyong sinasabi ko pero wala naman akong binanggit na pangalan.
“Ouch…” That’s totally hurt kasi hindi mo naman sinasadya na magmahal ngunit sa maling tao pa. But anyways ay makakita ka pa ng iba or anong malay mo that girl destined for you.”
“Bea is right Clar, ang buhay ng tao ay parang gulong. Hindi natin alam kung ano ang hinaharap. Kahit anong layo niyo pa sa mundong ibabaw kung kayo ang tinadhana ay hindi iyon mababali,” dagdag naman ni Ma’am Aira.
Para akong nabuhayan ng pag-asa. Gusto kong isigaw na siya iyon ngunit hintayin ko ang pagkakataong iyon. Hindi bali kung may asawa na siya pero ang pagmamahal ko naman sa kanya ay wagas.
“Wow, salamat at pinalakas niyo ang pag-asa ko na baling araw ay maging kami na.”
“Yeah, but don’t make a way na hahantong na sa isang makasalanan na bagay. Hayaan mo na ang tadhana ang siyang gumawa ng pagkakataon para saa inyo,” ani Ma’am Aira.
“Yes Ma’am I will. Pero ikaw Ma’am Bea taken ka na ba o single pa?” deretsahan kong tanong.
Since na parang kaibigan naman ang tingin nila sa akin ay wala na akong ibang alinlangan na magtanong sa kanila. Maybe this is our start to be a a friend forever.
“I had a boyfriend and he will come here soon.”
“Okay!”
Napatango na nga lang ako sa kanya ngunit may biglang nahagip ang mga mata ko. Napaangat ako ng tingin sa may taas na bahagi ng restaurant. Hindi ko makita ang dalawang lalaking nakatayo sa likod ng tinted na glass wall.
Bigla akong binundol ng kaba lalo na at kilala ko ang may-ari ng hotel na ito. Ngunit hindi naman ako nakakasiguro kung makilala pa ba nila ako sa anyo kong ito. I’ve been changing a lot than the ordinary Clarissa.
“Who are you looking at above?” tanong ni Bea.
“Nothing, I just saw a person standing behind the tinted glass wall,” mahina kong sagot.
“Don’t mind them, maybe they’re sight seeing only,” ani Ma’am Aira.
Tama naman siya, hindi ko naman sure kung sa amin nga nakatingin ang mga iyon kaya bumalik na ako sa pakikipag-usap sa kanila. Lumalim pa ang aming usapan nang may lumapit sa amin.
“Excuse me Ma’am’s, I am the manager here, our management conduct a survey. And we want to know your feedback about our restaurant!” aniya na inilapag ang maliit na papel sa aming harapan.
“Yeah, sure. This is our first time here so we might write a short observation,” ani Ma’am Aira.
“No problem ma’am, we hope you enjoy dining with us,” tugon ng babaeng manager.
Magalang na kinausap ng manager ang dalawa at paminsan-minsan ay siumusulyap sa akin. Nakahawak lamang ako sa papel na ibinigay at at hindi ko alam kung sasagutan ko ba. Nakalakip kasi ang address at contact number sa survey paper na binigay niya.
“Sir, kahit simple lang basta nauugnay lang sa restaurant na ito,” aniya na nakangiti sa akin.
“Okay!”
Patango-tango ako sa babae ngunit naisip ko na maglagay ng ibang pangalan ibang numero dahil madali akong ma-trace ng sinuman. Matapos kong masulatan ang papel ay agad kong inabot sa manager. Ngunit may nahagit ang paningin ko sa ‘di kalayuan lamang. Hinagilap ng aking paningin upang kumpirmahin kung tama ba ang nakita kong tao.
“F*ck!” Mahina kong usal at biglang tumayo sa kinauupuan. Bigla kasi akong binondol ng kaba na baka naririto rin siya.
“Ma’am Aira, pupunta lang ako ng banyo,” paalam ko dito.
“Okay, go ahead.”
Hindi ko alam kung tama ban a magbabanyo ako o lalabas ng restaurant. Akma akong tatalikod sa kanya ngunit ramdam kong hindi ako ligtas sa lugar na ito kaya muli akong humarap sa kanila.
“Ma’am, doon ko na rin kayo hihintayin sa kotse, bigla kasing sumama ang pakiramdam ko,” pagdadahilan ko pa.
“Huh! Kaya mo ba mag-isa?” nag-aalalang tanong ni Ma’am Aira.
“Yes Ma’am, don’t worry.”
“Okay, mauna ka na sa sasakyan at susunod na rin kami ni Bea,” tugon niya.
“Thank you!”
I need to do this bago pa man ako tuluyang makita ng mga tauhan niya. Pumunta ako ng banyo para baguhin ang style ng pananamit saka lalabas na ng restaurant na ito. I take the lift going down this hotel restaurant. Mabuti na lang at nasa tabi ng banyo ang lift nito at hindi ko na kailangang magpakita pa sa ibang tao.
I looked around kung wala bang nakasunod sa akin bago buksan ang sasakyan. I must be more careful next time kasi hindi pa ako handa na makaharap siya. It’s been 4 years na simuway ko ang kagustuhan niya.
Ang toxic lang na iisipin dahil hindi niya tanggap ang pagkatao ko. Kasalanan ko bang maging ganito ako? Isang babae ngunit pusong lalaki. Ayaw kong mag-asawa ng lalaki kahit hindi pa tanggap sa lipunan ang pag-iisang dibdib ng mga kauri ko.
“Hay… bweset naman talaga oh, kalian pa kaya ako maging malaya?”
Napaigtad ako ng may kumatok sa salamin ng sasakyan. Nang makita kong si Ma’am Aira ay agad ko siyang pinagbuksan.
“Are you okay now?”
“Y-Yes Ma’am!”
“You look not okay. May masama ka bang nararamdaman? Magsabi ka lang at dadalhin kita sa hospital,” aniya na may pagmamalasakit.
“Okay lang ako Ma’am, medyo sumakit lang ang puso ko!”
“What? Sorry I didn’t heard!”
Napailing siya na deretso ang tingin sa akin. Kahit nasa likuran ko siya ay nakita ko sa rear mirror na nakatitig siya sa akin. Napangiti ako ng hindi niya narinig ang sinabi ko.
“Wala Ma’am, kako deretso na tayo sa bahay dahil okay naman ako at baka tumawag ang asawa mo at wala ka pa sa bahay.”
“Yeah you’re right!”
Kating-kati naman ako na umalis sa lugar na iyon, kaya nakahinga ako ng maluwag nang makalayo na kami. Hindi tuloy ako nakapagpasalamat sa kaibigan niya.
“Ma’am pasabi nga pala sa kay Ma’am Bea na salamat sa inyong treat.”
“Yeah sure!”
“Thanks!”
“ You know, I’m curious about you. As of my observation this past few days parang may tinatago ka. Sorry to ask that but when I notice you inside the restaurant doon ako lalong nagka-interest na malaman. Is there something problem about you?”
“Wala naman Ma’am, mayroon lang akong iniiwasan since napunta ako sa pamilya niyo. Actually tumakas ako sa amin kasi gusto ng father ko na maipakasal ako sa anak ng kanyang kaibigan,” pag-amin ko pa.
“Oh really?” gulat na sambit niya.
“Yes Ma’am. Umalis ako sa amin para sundin ang tinitibok ng puso ko.”
“Sad to hear that. Mahirap talaga kapag mayroong dumidikta sayo lalo na kung kalayaan mo na ang nakasalalay,” aniya na may pinaghuhugutan.
“Totoo ‘yan Ma’am, mas masaya kasi ako bilang ganito dahil ito ang gusto kong mangyari.”
“I feel you. Iyong bagay sana na mas masaya ka pero mas iniisip nila ang pasayahin ang sarili,” aniya.
Pilit kong ina-absorb sa utak ang mga katagang binitawan niya. Ang lalim ng kanyang pinaghuhugutan at dama ko iyon. Hindi pa ba siya masaya sa buhay niya ngayon? I dare not to ask her, baka kasi lumagpas na ako sa limitasyon ko.
“By the way Ma’am, ano nga pala ang mga hilig mo?” tanong ko.
Iniba ko na ang usapan para naman hindi siya malungkot. Dama ko kasi ang tinatago niyang hirap ngunit hindi pa oanahon para alamin iyon. Hihintayin ko siyang mag-open sa akin.
“Ahm, sa bahay naman mahilig akong magluto at sa career ko naman bilang isang modelo ay magpapahinga muna ako sa ngayon. Pagtutuunan ko na lang muna ang pagiging plain housewife. I can do singing also at home para paghahanda para sa future career na sisimulan ko dito,” aniya.
Hanga ako sa magandang boses niya noong narinig ko siya. Iyon kasi ang unang bagay na hinangaan ko sa kanya.
“Na-inlove nga ako sa boses mo Ma’am noong narinig kita na kumanta. I’m sure na marami kang tagahanga kapag pinurso mo ang singing career na iyan. Isa na ako do’n.”
“Talaga? Salamat naman at mayroon na akong tagahanga kahit hindi pa ako kumanta sa intablado!”
Napangiti siya sa sinabi ko. I was happy too na makita siyang nakangiti. Sana nga lang siya ang palagi kong kasama at hindi ang asawa niya. Sa mga oras na iyon ay hindi ko namalayan na nakarating na kami sa subdivision. Parang ang iksi ng oras at gustuhin ko pa sana siyang makakausap.
“Finally, were here!” Masaya siyang bumaba ng sasakyan at nagtuloy-tuloy sa loob ng bahay. I shook my head looking at her. Napahawak sa dibdib at hindi na yata normal ang t***k nito. Madalas na kasing bigla-bigla na lang bumibilis ang t***k ng puso ko.
“Ahm… Ahm… beware the dog barks!”
Halos mapatalon ako nang may biglang bumulong sa tainga ko. Paglingon ko ay nakangising mukha ni Leonard ang bumungad sa akin.
“Putang*na mo talaga Leonaerd, patayin mo naman yata ako sa gulat eh!”
“Aba’y ang lutong naman iyon. Ang ingay mo talaga kapag nagugulat ka para kang plastic selopin na kumakalaskas,” panunudyo nito sa akin.
“Oo, para nga akong plastic selopin at ipapasok kita sa plastic saka papuputukin,” iritadong tugon ko.
Lalo lang siyang humagalpak sa tawa. Humalukipkip akong nakataas ang kilay na pinagmasdan siya na tumatawa. Bweset talaga ito at panira ng moment ko.
“Napapansin ko lang masyado yatang nag-eenjoy ka na kasama ang isang magandang babae. May laman na ba diyan?”
Lalo ako nangangalit at itinuro nito ang dibdib ko. Hindi naman kami nag-aaway ngunit madalas asar-talo ako sa lakas ng tama nitong mang-asar sa akin.
“Punyeta ka, ang bastos mo!” Singhal ko dito nang mapansin ang mapanudyong tingin sa dibdib ko. Syempre babae pa rin ang tingin niya sa akin kahit nga ganito na ang anyo ko.
“Hala, binigyan niya agad ng malisya. Ang itinuturo ko ay ang puso mo hindi iyang nasa isip mo. Alam mo ikaw masyado kang iritado in love ka lang yata eh. Mabuti pa uminom ka ng tinimplang juice ni Farah para lumamig iyang utak mo!”
Marahan niya akong tinutulak papasok doon sa kusina. Dinilatan ko siya ng mata kahit alam kong wala siyang ibang gawin sa akin kundi ang biruin araw-araw.
Tinungo ko ang kusina at doon dumaan sa likuran. Naabutan ko si Farah na naglalabas ng mga gulay na lulutuin. Napatingin naman ako sa pambisig na relo para tingnan ang oras. Maaga pa para maghanda ng hapunan.
“Hi Farah, ang busy natin ah!”
“Hello Kuya, kumusta ang trabaho sa labas?”
“Okay lang, ang aga mo naman yatang maghahanda ng hapunan.”
“Pinapahanda ito ni Ma’am Aira para sa kayang gagawing pizza,” sagot niya
“Ah, gano’n ba? Siya nga pala makikiinom lang ako ng malamig, nauuhaw kasi ako!”
“Uhm, sinabi sayo ni Kuya Leonard ano?”
“Oo, bago sinabi sa akin ay binato ako ng matinding biro. Dumadalas na yata ang pagbibiro sa akin,” kwento ko pa.
“Alam mo Kuya ibalik mo sa kanya ang biro. May ituturo ako sayo mamaya para makaganti ka sa kanya,” aniya na kumindat pa sa akin.
“Salamat naman kung gano’n, ang lakas ko naman sayo. Hayaan mo at gagamtimpalaan kita!”
Marahan ko siyang kinurot sa pisngi. Natutuwa ako sa kanya at may isang tulad niya na makulit ngunit mapagmahal na kaibigan at kinakipatid.
“Syempre ikaw pa pero huwag candy ang prize ko ha kasi hindi na ako bata,” aniya.
Madalas candy ang pampalubag-loob ko sa kanya sa tuwing may pakiusap ako. Ngayon ay level-up na rin ang mga gusto niyang gantimpala.
“Aba oo naman basta epektibo lang ang gagawin nating paghihiganti.”
“Anong paghihiganti ang narinig ko?” tanong na nagpagulat sa aming dalawa.
Hindi naming napansin si Ma’am Aira na papasok na pala ng kusina. Imbes na magulat ako ay tila dumikit ang mga mata ko sa kanyang ayos.
Pinulupot niya ang mahabang buhok at saka kiniklip ito paitaas. Suot ang pambahay na damit ngunit maiksi ang short nito. I can’t stop my eyes tempting to see her long flawless legs. Napalunok ako ng sariling laway.
“Wala iyon Ma’am, may mga laro kami ng mga kasama naming dito sa bahay kaya kailangan naming gumanti para manalo,” agad na sagot ni Farah.
To the rescue na naman siya sa akin kapag may mga bagay akong alanganing sagutin. Minsan lutang ako lalo na ngayon na madalas kong nakikita itong maganda kong amo.
“Maganda ang mayroon kayong pagkakaisa rito. Nakakatuwa ang gano’n para masaya tayong lahat,” aniya na sinuot ang apron.
“Awa ng Diyos Ma’am at na-maintain naman naming ang peace dito sa mansion. Para na kaming iisang pamilya rito,” ani Farah.
Sinag-ayunan ko pa iyon dahi; iyon naman ang totoo. Matagal na kaming magkakasamang lahat at hindi naming naisip ang maglamangan sa isa’t isa.
“Okay good. Could you please help me to make pizza.”
“Sure Ma’am!” Sabay pa kami ni Farah na sumagot sa kanya. Hindi rin naman ako tatanggi lalo na kung ganito na mas makikilala ko pa siya ng husto.
Kanina lamang ay nabanggit na niya sa akin na mahilig siyang magluto at marahil ay isa ito sa kanyang mga paboritong meryenda ng asawa.
“Para ba it okay sir Joem Ma’am?” tanong ni Farah.
Nakikinig lamang ako habang patuloy sa pagbabalat ng mga sangkap na kanyang gagamitin. Sa ganitong paraan ay mas mauunawaan ko ang kanyang sitwasyon sa buhay.
“Yes, ito ang paborito niyang pagkain. Madalas ko siyang nilulutuan nito noong nasa Amerika pa kami,” sagot niya.
“Ayiee… ang sweet mo naman Ma’am, sana ganyan rin ako kapag nag-asawa na!” Mahinang tili ni Farah.
Napapangiti lamang ako. Ang sarap siguro na sa pag-uwi mo ay may nakahanda ng pagkain at nag-e-effort pa ang mahal mo para gampanan ang pagiging mabuting partner.
“Sa pag-aasawa kasi kailangan ibigay mo ang best para sa taong mahal mo. Not just because you have an obligation to him, it’s because you love the family you build.”
Legit ang sayang naramdaman ko dahil sa mga nakaka-in love na salita. Sana all lng talaga may isang Aira sa buhay ko.