Makalipas ang dalawang araw ay hindi pa rin nagigising si Aliah, nalaman na rin nang lahat sa MSU ang nangyari at ang kalagayan nito. Nalungkot ang lahat kaya halos hindi mo makikitaan ng kasiyahan ngayon sa bawat sulok ng campus. Pinagdarasal nila ang paggaling ni Aliah at makita nila itong muli kung ano ito ka masayahin. Wala man ganang pumasok sina Jallessa at Stacey ay pinilit na lamang nila dahil alam nilang hindi iyon magugustuhan ni Aliah. Ayaw na ayaw nitong lumiliban sa klase dahil ang gusto nito ay maging maganda ang pag-aaral nila upang makamit ang mga pangarap. Subalit hindi nila maiwasang malungkot, pagkatapos ng klase ay naglalaan talaga silang magkakaibigan ng oras para lang bisitahin si Aliah sa ospital. Tulad ngayon, patungo na sina Jallessa at Stacey sa kuwarto ni Ali

