Çhapter 20

1072 Words
Falling For A Star Chapter 20 ~Jallesa~ Nang malaman ko ang balita sa nang nangyari kay Aliah ay nagmadali na akong sumugod kung saan siya ngayong ospital. Nagmessage na lamang ako kay Stacey na magkita na lang kami roon pati ang iba pa naming mga kaibigan. Mabuti na lang at agad naman akong pinayagan ng parents ko at nag-aalala rin sila kay Aliah. "Ano ba kasing nangyari, bakit ka napahamak?" bulong na sambit ko habang lulan na ng sasakyan. Hindi ako mapakali na parang gusto ko nang sabihin sa driver na mas bilisan pa ang takbo. "Thank you, po. Kuya, tatawag na lang po ako kapag magpapasundo na po ako. Hindi ko pa kasi alam kung hanggang anong oras po kami rito," bilin ko sa driver namin. "Gano'n ba? Sigurado po kayo? Puwede ko naman po kayong hintayin." Umiling ako agad. "Okay lang po, sabihan ko na lang po si mommy ulit. Sige na po," pag-uulit ko pa. ''Sige, basta tawagan mo lang ako agad." Kumaway na ako sa driver namin bago pumasok sa loob ng ospital. Sinabi ko kay Stacey na hindi ko na siya hihintayin pa kaya nagpatuloy na ako. Nang mahanap ko na sa wakas ang room ni Aliah ay hindi ko mapigilang maluha habnag nakatitig sa pintuan kung nasaan niya. Kumatok ang nang dalawang beses na kaagad naman itong bumukas at bumungad sa akin si Kuya Alixes. "Jah, ikaw pala...tuloy..." Dahan-dahan akong pumasok at gano'n na lang ang pag-uunahan magbasakan ng mga luha ko dahil sa kita kong sinapit niya. Lumapit na ako agad at hinawakan ang kamay niya. "Best... Anong ginawa nila sa iyo?" "Muntik na siyang ma-rape, kaya siya nagkaganiyan ay sinubukan umano nitong manlaban sa mga lalaki," umiiyak na tugon ni tita kaya hindi ako makapanilawa! "Po?! Paanong muntikan? Mga l-lalaki?" "Hindi rin namin alam, Jah! Basta naroon daw siya sa liblib na lugar nang ma-resque. Mabuti na lang at may tumulong at nakakita kan'ya," tugon naman ni Kuya Alexis. "Eh, 'di ba–" Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Stacey na mukhang tumakbo pa papunta rito. "Aliah..." Sabay kaming tatlo napalingon sa kan'ya. "Sorry, hindi ko na po nagawa pang kumatok." Humihingal na sani pa ni Stacey. Tulad kanina ay gulat na gulat din siya nang makita ang kaibigan namin. "K-kmusta na po siya?" "Ang sabi nang doctor ay ligtas na siya pero dahil sa pagod nang kan'yamg katawan ay mga ilang araw pa bago siya gumising. Kawawa naman ang anak ko, bakit niya sinapit iyan?" Nilapitan ko si tita at hinagod ang likod upang pakalmahin. Sa ngayon ay nagngi-ngit-ngit ako sa galit kay Gavin dahil siya lang naman ang pupuntahan ni Aliah. Bakit niya hinayaan ang kaibigan ko? 'Humanda ka kapag nakita kiya!' Ilang saglit lang ay nagsidatingan na rin ang iba pa naming mga kaibigan. Lungkot ang naramdaman nila nang makita si Aliah at gusto pa umano nila gumanti sa mga gumawa nito sa kan'ya. Sobrang bait ng kaibigan ko para mangyari sa kan'ya 'to! "Mga tarant*do! Walang mga kunsensiya ang mga hay*p!" gigil na sambit pa ni Mark. "Best... Sorry, hindi ka namin masaklolohan ha? Hayaan mo mananagot iyong bad guys na iyon! Hindi sila makakalabas ng kulungan!" ani pa ni Stacey. 'Kasalan mo talaga 'to Gavin!' "Ahm... Stacey, samahan mo muna ako sa labas. Bili tayo nang makakin," aya ko sa kan'ya ngunit ang totoo ay gusto ko lamang ilabas itong gigil at galit ko kay Gavin! "Samahan na namin kayo, Jah," prisinta pa ni Mark na agad ko namang tianggihan. "'Wag na! Malapit lang naman ang bilihan, kaya na namin ni Stacey. Bantayan niyo na lang si Aliah," tugon ko sabay hila na kay Stacey palabas ng kuwarto ni Aliah. "Jah. Nakakalungkot ang nangyari sa bestfriend natin. Sana maka-recover siya agad, 'no?" "Sana nga, Stacey! Kasalanan talaga :to ni Gavin eh! Humanda talaga ang lalaking iyon kapag nakita ko." Naguguluhang bumaling sa akin si Stacey kaya doon ko na na-ikuwento ang lahat ng nalalaman ko. "OMG! Gano'n pala iyon? Pero, wait! Himdi pa natin alam ang nangyari talaga kaya 'wag ka magpadalos-dalos. Alam mo na matalik na magkaibigan sila ni Kuya Alexis. Kausapin mo muna siya, okay?" "Hindi ko siya kakausapin, baka bangasan ko na siya agad!" nanggagalaiti talaga ako sa lalaking iyon. "Okay, in-hale...exhale ka muna, Jah! Hindi dapat init ng ulo ang pairalin mo. Isipin mo si Aliah, alam mong hindi niya gusto ang mag-away-away tayong magkakaibigan. Alamin muna natin both sides, okay," pangungumbinsi pa ni Stacey sscskin at mas lalong na init ang ulo ko dahil parang kinakampihan niya pa si Gavin! "Ewan ko sa iyo, Stacey! Mali yata ako nang kinausap!" Iniwan ko na siya sa inis ko. "Jah! Wait...'wag ka nang magalit. Hindi ako kampi kay Gavin kung iyan ang iniisip mo! Ang sa akin lang ay alamin muna natin kung bakit humantong sa gano'n si Aliah." Bumuntong-hininga na lamang ako. Ang totoo ay nagagalit rin ako sa sarili ko dahil hindi ko na lang siya sinamahan para kausapin si Gavin. Hindi siguro mangyayari sa kan'ya iyon! "Bilisan mo, gutom na 'ko." Mabilis lang kaming nakapamili ni Stacey at bumalik na agad. Naabutan naming nag-uusap ang mga kaibigan namin tungkol kay Gavin. "Hindi pa nagmi-message si Gavin, ah? Anu na kaya nangyari dun?" ani Tj. "Tiyak na magugulat talaga iyon sa nangyari kay Aliah. Eh, 'di ba hinahanap pa siya ni Aliah bago siya umalis?" Natigilan ang lahat sa sinabi ni Mark kaya tumikhim na lamang ako. "Guys, nagugutom na ba kayo? Kain na muna tayo!" "Uy! Sakto talaga dating ninyong dalawa, hindi pa ako nakakain sa bahay nang magmessage kayo eh," sagot naman ni Jacob at tinulungan na kaming ayusin ang mga pinamili namin ni Stacey. "Pero kung naabutan ni Stacey si Gavin malamang nag-usap sila? Palagay niyo?" "Tj, kumain ka na nga lang diyan! Dami mong alam. Saka mo na tanungin ni Gavin kapag nakabalik na nang Pinas!" Saway naman ni Mark. Tahimik lang si Kuya Alixes, anu kaya ang iniisip niya? Biglang tumunog ang cellphone ni Kuya Alexis at hinintay naming sagutin niga iyon. "Yes, hello? Gano'n po ba? Okay, mas mabuti kung gano'n! Susunod po ako diyan!" "Anu iyon, 'tol?" tanong ni Mark kay Kuya Alexis. "Magsasalita daw ang isa mga lalaki na nahuli. Maiwan ko na muna kayo, susunod ako kay Dad. Kayo na muna ang bahala rito?" "Sure, sige punta ka na. Isapak mo na rin kami ha?" Tumango na lamang si Kuya Alexis bago lumabas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD