Chapter 19

1145 Words
~Alexis~ Pagkaalis ni Capt. Corpuz ay agad naming nilapitan ang kapatid kong natutulog, awang-awang ako sa kan'ya. Napasabunot ako sa ulok ko dahil hindi ako makapaniwalang mangyayari 'to sa kan'ya. Ang ganda pa ng paalam nito sa 'kin kanina, ang akala ko naman ay kasunod ni siyang umuwi agad. 'Pero anong nangyari?' "Oh my Princess, what happened to you, Anak?" Hinaplos nito mommy ang mukha nito at bibig na putok at maga. Maski ako ay napailing dahil sa itsura ni Aliah. "Kailangan magbayad ng mga gumawa nito sa kapatid mo! Hindi ako papayag na makalabas sila ng kulungan!" galit na sabi ni mommy kaya hinagod naman ni daddy ang likod niya upang pakalmahin. "Pangako, mananagot ang mga may gawa nito kay Aliah," pangako naman ni dad. Kalmado lang si daddy pero alam ko ang ang tumatakbo sa utak nito ngayon, ayaw niya lang magpahalata kay mommy. "Son, ikaw na muna ang bahala rito. May aasikasuhin lang ako," bilin ni dad. "Sure, Dad. Take care," sabi ko naman bago pa ito makaalis ay humalik ito kay mommy at sa noo ni Aliah at hinaplos niya pa 'yon. 'Tang ina! Mahal na mahal namin ang kapatid ko tapos ganito nila pinagmalupitan!' Mapatay ko talaga sila!' Lumapit ako rito at hinawakan ang kamay niya. "Princess, I'm sorry pinabayaan ka ni Kuya. Nagtiwala akong kaya mo na ang mag-isa palagi. I'm so sorry, I'm sorry. Gumising ka na, please…" awang-awa ako. tanging 'yon lang sa ngayon ang nararamdaman ko parti galit. Alam kong malulungkot ang mga kaibigan namin kapag nalaman 'to! Lalong-lalo na si Jallessa at Stacey. Agad akong tumawag kay Dean Olivarez at ibinalita ang nangyari sa kapatid ko. "Hello, sino 'to?" sagot ni Dean sa tawag ko. "Hello Dean Olivarez, this is Matte Alexis Alcantara, Kuya po ako ni Aliah Fate Alcantara," pagpapakilala ko. "Okay, yes, I remember. So, what can I do Mr. Alcantara?" Bumuntong-hininga na muna ako bago magsalita. "Can you excuse Aliah to her class, Sir? Somethings bad happened about my Sister and she's here now at the Doctors Hospital, admitted," saad ko naman at narinig ko ang pag-singhap nito sa kabilang linya sa gulat. "What?! How is she? I feel sorry, what happened to her. Can I go there? I want to see, her," bakas ang pag-aalala ni Dean Olivarez kaya pumayag na rin ako. "Sure Sir, if you're not busy. You can come anytime," tugon ko naman. "Okay, right away. I will call you when I get there, bye," pagkasabi niya no'n ay naputol na ang tawag. Nagtext na rin ako sa mga kaibigan namin, kina Stacey at Jallessa. Paniguradong masasaktan sila sa sinapit ng kaibigan nila. Tangina kasi! Nakaka-gago! Nang tumawag si Dean ns nandito na siya sa ospital ay susunduin ko sana ito sa baba pero tumanggi ito, siya na lang daw ang pupunta kaya sinabi ko na lang kung anong floor at room number ni Aliah. Ilang saglit lang ay may kumatok sa pinto kaya nasi-siguro ito na nga 'yon! Binukan naman ni mommy ang pintuan. "Ah… Good evening, I'm Dean Oliverez Ma'am," pakilala nito kay mommy. "Ay, good evening din po Dean. Come in." Nilakihan ni mommy ang awang ng pinto. "Alexis called me a while ago, then I decided to come near, I was shocked when Alexis told me that something happened to Aliah." Tumingin naman ito agad sa kapatid ko at maging si Dean ay gulat at hindi makapaniwala. "Jesus! Who did this to her?" bulalas ni Dean. Si Mommy na ang naglahad ng lahat kay Dean at ako naman ay nasa tabi lang ng kapatid ko. "Ikinalulungkot ko ang nangyari kay Aliah, ako na ang bahala na ipaalam ito sa lahat at nasisiguro kong lahat ay malulungkot sa sinapit ng Campus Idol nila. I will pray for her fast recovery and I will inform all her instructors about this." Tumango naman si Mommy. "Thank you so much, Dean." Nakipag-kamay si mommy rito. "No worries, Mrs. Alcantara. Mabait na bata po ang mga Anak nin'yo. Knowing Aliah, she's wonderful. I am sure that she will pass through this, she's brave." Nakangiting sabi ni Dean Olivarez. Totoo 'yon! "For now, aalis na muna ako. I'll be back tomorrow, I hope na magising na siya," paalam ni Dean. "Salamat po sa pagbisita Dean Olivarez, matutuwa po si Aliah kaah nalaman na dalaw po kay," sabi ko naman. Lapit naman ito kay Aliah at kinausap ito habang tulog. "Ms. Alcantara, magpagaling ka, marami kaming nagmamahal at naghihintay sa 'yo. Kaya mo 'yan." Si Mommy naman ay muling umiiyak na ngayon. "Sssshhh… Tahan na, Mommy. Magiging okay rin si Princess." "Sana nga Anak, sana nga." Yinakap ko na lang si mom dahil hindi ko na alam pa ang sasabihin. Hindi na rin naman nagpahatid pang muli si Dean. Sunod-sunod naman ang mga notification sa cellphone ko, alam kong ang mga kaibigan na namin 'yon. At hindi nga,ako nagkakamali, sinabihan ko na lang sila na magkita na lang kami bukas sa school. Biglang bumukas ang pinto pumasok ang doctor ni Aliah. "Good evening," bati nito sa 'min. "Good evening too, Doc. Kumusta na ang Anak ko?" tanong naman ni mommy rito. "She's fine now, kailangan lang po nating pahilumin ang mga sugat at pasa niya. But about her mental health, I'm sure she got trauma about what happened to her. And I suggest na kapa magising at med'yo panatag na siya ay ipakunsulta niyo na rin po siya, hindi biro ang pinag-daan niyang takot at makaka-apekto 'yon sa kan'ya," naiintindihan ko ang sinabi ng doctor ni Aliah. "Okay Doc, thank you! So, taong ko lang po. Kailan po siya magigising?" Ako naman ang nangtanong rito. "Sa ngayon ay okay na siya, pero pagod ang katawan niya. Makikita na nanlaban rin siya sa mga gumawa niyan sa,kan'ya kaya naubos ang lakas niya. Mga 2-3 days siguro siyang makakatulog. But don't worry, ligtas naman siya." Lalo na naman akong naawa sa kalagayan ng kapati ko. "Gano'n po pala, salamat po." "Walang anuman, maiwan ko na muna po kayo at mag-iikot pa po ako sa ibang patients." Tumango naman si Mommy gano'n din ako. "Gumising ka na, Princess. Namimiss ka na ni Kuya," kausap ko siya, alam kong naririnig niya ako. "Mag-a-outing a nga tayo nina Mommy kasama ang mga kaibigan natin 'di ba? Kaya bilisan mo nang gumising diyan! Hinahanap ka na ng Baby Spica mo." Hindi ko na mapigilan ang mapaluha nang maalala kong excited na siya sa outing namin sana, pari ang saya niya no'ng binigay namin ang regalo naming Aso sa kan'ya na binigyan niya ng pangalan na Spica. Lahat ng pag-aari niya ay may pangalan at mahal na mahal niya, grabe siya kung magpahalaga sa mga 'yon. Kahit na sa lahat, kaya hindi nakapag-tatakang lahat ng nasa school ay humahanga at magustuhan siya. Maraming nagmamahal sa kapatid ko kaya alam kong, makakabangon rin siyang muli. Sa lalong madaling panahon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD