Nanghina ako dahil sa pagsuntok ng isang lalaki sa sikmura ko. Sa ngayon ay para akong lantang gulay, ang tanging naririnig ko ay ang mga tawanan nila at pag-uusap.
"Mga pare hindi ba tayo sasabit dito? Mukhang mayaman nga 'to!
Hingian na lang kaya natin ng pera ang mga magulang niya," dinig kong sabi ng isa.
"Manahimik ka nga d'yan! Kanina pa ako hayok na hayok dito.
Umiiral na naman 'yang kaduwagan mo!" singhal naman no'ng isa.
Nagtawanan naman sila.
Naramdaman kong hinawakan no'ng lalaki ang hita ko at hinimas-himas. "Wow! Grabe ang lambot at ang kinis mo! Jackpot talaga ako nito!"
Napaiyak na lamang ako. Dahil hindi ako maka panlaban.
"God! Save me from danger...help me pleaseee.'
Maging ang isa ay hinawakan nadin ako sa kabilang hita ko.
"Wag po! Maawa po kayo!
'Wag niyo pong gawin sa 'kin 'yan!" muli akong nagmakaawa sa kanila. Pinipilit kong magpumiglas..
"Tang ina ka! Kanina ang tapang mo 'di ba?
Sinipa po ako kaligayahan ko.
Pero 'wag kang mag-alala magandang binibini dahil mabait pa rin ako sa 'yo, paliligayahin pa rin naman kita," mala-demoniyo niyang sinabi 'yon.
Hahalikan sana ako nito pero iniwas ko ang mukha ko, ngunit ang pisngi at leeg ko ay hindi nakaligtas..
"Aahhhh! 'Wag...bitiwan niyo ko! Tulonngggg!" Sigaw ko nang med'yo bumabalik na ang lakas ko.
'"Wag kang maingay!
Baka gusto mong patayin kita!" banta niya sa 'kin. Kaya napatigil ako at habang humihikbi.
Pagkatapos nito hindi ko na alam ang mangyayari. Kung bubuhayin man nila ako ay gugustuhin ko na ang mamatay.
Hawak ng dalawa ang magkabilaang braso ko kaya wala na akong ligtas. Naramdaman kong pinisil niya ang kanang dibdib ko. Kahit may bra ako ay pakiramdam ko ay na baboy na niya ako ng tuluyan.
''No! Pleaseeee…. Stop! No! No! No!"
Pailing-iling ko pa.
"Aahh… ang sarap naman no'n! Ang sarap lamasin mga p're.. Nakakatakam!" sabi ng manyakis na 'to.
"Gago! Kami naman d'yan nang-iingit ka pa, eh," reklamo ng isa nilang kasama na nakahawak sa isang braso ko.
'Gusto ko na pong mamatay!'
"Sandali nga! Hindi pa nga ako tapos dito, eh!"
Maya-maya lang ay may narinig akong wang-wang ng mga police… hindi nagtagal ay may pumito.
"Priiiiittttt…"
"Walang kikilos ng masama! Kun 'di pasasabugin kong mga bungo niyong lima!" sabi ng police na dumating.
Agad naman natigilan ang limang manyakis. Ahad akong kumilos at umalis sa pagkakahawak nila sa 'kin.
Nakataas ang mga kamay ng mga demoniyo.
"Captain Corpuz, kunin mo ang bata!" sabi niya habang hindi inaalis ang mga mata sa limang mga lalaki. May nagsidatingan pang mga kasamahan nilang police. At nakatutok na rin ang mga baril nilang hawak sa mga lalaki.
Lumapit naman sa 'kin si Capt. Corpuz. "Halika ka dito ma'am, anong ginawa nila sa 'yo?" Hindi ako sumagot agad akong yumakap sa babaeng police.
Sobrang takot na takot ako at nanginginig pa ang buo kung katawan. Yumakap rin siya sa'kin.
"'Wag kang mag-alala, ligtas ka na! Halika ka na at dadalhin ka namin sa ospital," Inakay na ako nito. Hindi ko alintana na marami na pala ang mga tao na nakatanaw sa amin, ngunit hindi ko na sila napansin.
Ang akala ko ay katapusan ko na talaga, mabuti na lang ay dininig ang dasal ko. At kung sino man ang alam na nandito ay lubos akong nagpapasalamat sa kan'ya.
Pinasakay nila ako sa sasakyan nila. "Sarhento Diaz, kayo na muna ang bahala dito.
Kailangan ko siyang dalhin sa ospital at mapasuri," aniya sa kamahan.
"Sige Capt. Corpuz, kami na ang bahala dito. Mag-iingat kayo." Nagtanguan naman sila baho kami umalis.
Nang makaalis kami ay walang tigil ako sa kaiiyak.
Yakap-yakap ko ang aking sarili, diring-diri ako sa katawan ko!
Pakiramdam ko hanggang ngayon ay nahawak pa rin sila sa katawan ko.
Nang makarating kami sa ospital ay ahad niya akong inakay at tumawag ng mag-a-assist.
"Nurse! Kailangan ko ng tulong," tawag nito.
"Yes ma'am, ano pong nangyari sa kan'ya?" tanong agad no'ng nurse. Lumapit ito sa 'min.
"Ah.. Na resque namin siya!
Buti na lang st umanot kami kung hindi ay baka na-rape na siya," saad naman ni Capt. Corpuz.
"Ah...ma'am, puwede ko po bang malaman ang full name mo?
Pati ang contacts niyo upang matawagan at maipaalam po natin sa family mo ang nangyari."
"A-aliyah F-faith A-alcantara po!" Nauutal ako at nanginginig pa rin.
"Ma'am Aliyah, kailangan ko ang contact ng taong puwede po nating maipaalam sa kanila ang nangyari sa 'yo," aniya.
Buti na lang at tanda ko ang number ni kuya Alexis kaya siya ang pinatawagan ko. Agkatapos no'n ay ginamot na nila ako at sinuri.
~Matt Alexis~
Kakauwi ko lang sa bahay, sakto naman nandito na sina Mommy at Daddy. Mukhang masaya na naman ang hapunan namin niyo dahil kumpleto kaming pamilya.
"Hi guys..ang aga niyo yata ngayon mom, dad?" tanong ko.
"Hello anak, oo para makapag-bonding man lang tayo ng med'yo matagal.
Wala namang gaanong ginagawa ngayon sa office kaya umuwi kami ng maaga.
Where's our Princess?" tanong naman agad ni Mommy.
"Ah..pauwi na rin po 'yon, eh. Maya-maya nan–" biglang naputol ang sasabihin ko nang biglang magring ang cellphone ko.
Dinukot ko ito sa bulsa, hindi naka register ang number pero agad ko itong sinagot.
''Yes, hello?"
"Hello? Ito po ba ang pamilya ni Aliyah Faith Alcantara?" tanong nito sa kabilang linya.
"Yes I'm here kuya, why?" tanong.
"Nandito po kami sa ospital ngayon," sabi nitong kausap ko sa kabilang linya.
"What?! Why?" agad akong nabigla sa sinabi niya.
"Na resque po namin siya sa limang kalalakihan, mabuti ay nakaabot kami. Kung hindi ay baka minolestiya na itong kapatid mo," saad pa niyo.
"What? Where's it? How's my sister?" sunod-sunod kong tanong.
"Nandito po kami sa Doctors hospital sa taguig.
Sumunod na lang po kayo agad upang dito na lang po natin pag-usapan," aniya.
"Okay.. We're leaving to go there with our parents.
Please take care of my sister," pakiusap ko rito.
"Yes sir. Hintayin ko na lang po kayo dito." Agad ko nang pinutol ang tawag at binalingan sina mom at dad.
"Mommy, Daddy.
We need to go to the hospital, Aliyah was in there.
Something's happened, let's go," agad ko na silang niyaya.
"What?! Anong nangyari?
Kumusta ang kapatid mo?" nag-aalalang tanong ni Mommy.
"She's fine now! The police said it, but we have to make sure." Sumakay na kaming lahat sa kotse.
"Son, saang hospital?" tanong naman ni Daddy.
"Ahmmn.. Doctors hospital sa taguig, dad," tugon ko.
"Okay!" Agad na pinatakbo ni dad ang kotse.
Nang marating kami ay agad akong nagtanong sa information. "Excuse me, may I know the room of Aliyah Faith Alcantara?"
"Wait sir, hahanapin ko lang po sa record."
Ilang sandali lang, ay sinabi na nito ang room ng kapatid ko kaya agad na namin itong pinuntahan. Nadatnan namin itong natutulog.
Kaikuyom ko ang aking kamao nang makita ko ay labi nitong putok, at may mga pasa rin siya sa braso. Sinaktan talaga nila ang kapatid ko!
Sinisuguro kong magbabayad ang may gawa nito.
May nagbabantay sa kan'yang babaeng police, marahil ito ang tumawag sa 'kin kanina. Pero si dad na ang kumausap sa kan'ya.
"Magandang gabi, kami ang pamilya ni Aliyah..
Ako ang Daddy niya, kasama ko ang asawa at kuya niya," pansin ni dad sa kan'ya.
"Magandang gabi rin sir, ako si Capt. Alexa Corpuz, ako po ang may hawak sa kaso na nangyari sa anak niyo." Nakipagkamay ito kay dad at nag-usap na sila.
Gusto kong makapatay ng tao ngayon sa nalaman ko!
Awang-awa ako sa kapatid ko!
Paano nila nagagawa ang ganito!
Pinapangako ko mabubulok sila sa kulungan.
"Nasa kulungan na po ang limang lalaking nahuli namin.
Puwede na po kayong pumunta upang magsampa ng reklamo."
"Maraming salamat, Capt. Corpuz," pasasalamat ni dad.
"Wala pong anuman, trabaho po namin 'yon!
Alis po muna ako, may aasikasuhin lang po tungkol sa ihahain niyong kaso. Maiiwan po ina ang ibang kasama ko dito," paalam nito bago umalis.
"Okay, salamat ulit." Tumango naman itong muli kay dad bago lumabas.