PROLOGUE

1563 Words
Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. Warning: This story contains mature scenes. Note: Please bear with the grammatical errors and typographical errors. PROLOGUE "Let's talk, Amelia!" He tried to reach for my arms. "Stop it! I don't want to talk to you right now Creus!" I shouted at him while my tears are streaming down my face. "The news is not true, I won't marry that woman—" "How about the picture?" "I had a meeting that day and then Kristine just suddenly showed up." "Talaga ba?! Pagkatapos kumalat ng picture niyong dalawa na nasa isang restaurant, ang bilis din kumalat ng balita na ikakasal na kayo! Ang masaklap pa, mula sa mama mo! Your mother just announced that you will m-marry Kristine—" "I swear, I won't marry her! You're the only one that I wanna mary Amelia. Please...calm down and stop crying. I'm sorry, I promise I will fix this." Sinubukan niyang hawakan ang kamay ko ngunit iwinaksi ko 'yon. "Mas lumalala lang ang sitwasyon, Creus. Alam na ng mga taong nakakakilala sainyo na ikakasal na kayong dalawa. Maraming nagsasabi na bagay kayo. Lalong-lalo na ang mga magulang mo. We both know Creus that they want Kristine for you, not me. Ayaw nila sa'kin. Ayaw sa'kin ng mama mo—" "I don't care about the other people, I don't care about what my parents think about you. And, my mom? She will like you soon. Please stop worrying about that, Amelia. I love you. Please..." Lumapit siya sa'kin at pinunasan ang luha na nasa aking mukha gamit ang kaniyang mga daliri. Nag-iwas ako ng tingin sakaniya at umatras ng konti. "I d-don't know what to do anym—" Natigil ako nang biglang mag-ring ang cellphone niya. Kinuha niya 'yon at tinignan. It's his mom. Sinagot niya 'yon at ini-loud speaker. "Mom?" "Where are you? Kristine is here. She was looking for you. She said you have a date tonight. Bakit wala ka pa?" Kumunot ang noo ni Creus. "No, we don't have a date tonight and I will never have a date with her—" "Creus Liam are you with Amelia again? I know you are and I know she's also listening. Now, listen Amelia. My son is getting married with Kristine. Please stop pestering my son. Itigil mo na 'yang kahibangan mo hija—" "Mom! Stop it! I don't want you to say those things to Amelia! She's my girlfriend and she's the only woman that I will marry, not Kristine. Stop it." Hindi na hinintay ni Creus na makasagot pa ang mama niya at ini-end na kaagad ang tawag. "I'm sorry." Ngumiti lang ako. "Sanay na ako, Creus." Dumaan ang sakit sa mga mata niya. "Sanay na ako sa mga masasakit na salita mula sa mama mo Creus. Tama naman siya. Hindi tayo bagay. Mayaman ka, mahirap ako. Ano nalang ang sasabihin ng mga tao kapag nalaman nila na may relasyon ka sa isang dukha na katulad ko? They will only judge us, especially me." Huminga ako ng malalim at niyakap ang sarili. "Gusto ko ng umuwi." "I'll drive you home—" "No! Magta-taxi nalang ako." Umiling ito. "I know that you're mad at me but even if how mad you are at me, I won't let you go home alone. Wether you like it or not, I will drive you home Amelia. Now, let's go. It's getting cold." Hinila na nito ang kamay ko kaya wala na akong nagawa pa kundi ang sumunod. Tahimik ako habang binubuksan niya ang pinto ng kaniyang kotse. Hanggang sa umandar na, tahimik pa rin ako. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana habang nararamdaman ko siyang patingin-tingin sa'kin. "Amelia... I don't want you to go home and sleep knowing that you're mad at me. Please, forgive me. I will do my best to settle this problem. Just trust me. I want you to trust me Amelia." Nagmamakaawa na ang boses nito. Hindi ako sumagot at nanatili parin na tahimik hanggang sa tumunog na naman ang cellphone nito na nasa dashboard. An unknown number. "It's an unknown number." Hindi niya ito sinagot. Tumunog na naman ulit kaya doon na ako nagsalita. "Sagutin mo, baka importante." Napatingin siya sa'kin at tumango. "Hello?" Malamig ang boses niya. "Creus? I've been trying to call you, thank God you finally answered! Where are you? I understand kung hindi ka makakapunta ngayon, your mother said we'll just have dinner tomorrow night in your mansion. We will talk about our plans for our wedding—" "There will be no wedding, Kristine. I won't marry you." Malamig parin ang tono ng boses nito. Ako naman ay napayuko nalang. They will talk about their plans for their wedding. Kawawa ka naman ____. Alam mo na ngang una pa lang, talo ka na sumugal ka pa talaga. "W-What? But, it's settled already Creus and you can't do anything about it. It's your parents' decisions—" Hindi na pinatapos si Kristine sa pagsasalita at agad niya 'yong ini-end. "Fck them!" Mura niya. Binalingan niya at ako huminga ng malalim. "Amelia—" "Ang sakit Creus." Muli namang tumulo ang aking mga luha. "Ang tanga ko! Dapat no'ng una palang hindi na ako pumasok sa relasyong 'to! Edi sana hindi ko nararamdaman 'tong sakit na 'to ngayon." Humikbi ako. "Masama bang mahalin ka Creus? Wala naman akong ginagawang masama ah. Alam ko naman na gusto lang ng mama mo na mapunta ka sa babaeng deserve ka. 'Yong mayaman katulad niyo. At, hindi ako 'yun—" "Stop saying that Amelia! I don't care about that thing! I will talk to my mother again and I will make her stop this time. I'm serious!" I wiped my tears. "Your mother doesn't like me. Mahirap ako, mayaman ka. I understand. She just wants the best for you. And, Kristine? She's the best. The perfect girl for you to marry. Naiintindihan ko naman eh. Ano bang laban ko? Ano nalang ang sasabihin ng mga tao kapag nalaman nila na mahirap ako?" "Why are you saying that? Why do you sound like you're letting me go?—" "Because, I am." Napaawang ang labi nito. "Amelia, you're just mad." Hinawakan nito ang kamay ko pero iniwaksi ko 'yun. "I'm getting tired to all of this. Tanggap ko na! Maybe, your mother is right. I'm not the right woman for you—" "No! You're just mad that's why you're saying that." "Creus, I'm serious. Maybe the best thing to do right now is to end this relationship. I'm getting tired of getting threats from your mom. I'm getting tired of fighting with Kristine whenever we see each other. Paulit-ulit lang na gagawin ng mama mo ang lahat para mapaghiwalay tayo! Hindi ka pa ba napapagod? Kasi ako, oo! Napapagod na ako sa ganitong sitwasyon. Hindi ako tinitigilan ng mama mo!" Parang hindi makapaniwala niya akong tinignan. "W-Why is it so easy for you to say these things?" Nasasaktan ako sa tono ng boses niya ngayon. "Do you t-think this is easy for me? No, it's not! But, this is the right thing to do. Your mother announced your wedding with Kristine. Alam na ng mga tao. S-Sino ako para humadlang?" "Love, please. Don't do this to me—" "Let's end this relationship, Creus. Sorry, but I'm b-breaking up with you!" Sigaw ko. "A-Amelia..." "Ihatid mo na ako sa'min, Creus. Please." Pinilit kong maging malamig ang boses ko. Napabuntong-hininga nalang siya. "I do not agree with your decision. I'm not breaking up with you, Amelia. I know it's hard for you and I'm sorry for hurting you. I know you're doing it for me and for us. That's why I'm giving you time. But, it doesn't mean that we'll end this. Please calm down first. I love you." Mas lalo lang kumirot ang puso ko. Nang makarating sa harap ng bahay, hindi ko na siya hinintay pang bumaba para pagbuksan ako. Agad akong lumabas at isinarado ang pinto ng kaniyang kotse. Hindi na siya umangal pa at napayuko nalang. Lumuluha akong tinatanaw siya mula sa bintana ng kotse. Naglakad na ako papasok ng bahay at dumiretso sa kwarto. Sumilip ako sa bintana at napagtantong paalis na siya. I'm sorry, love. I guess what I did is just right. Sorry, if I gave up. I love you, but I don't want your life to be miserable with me. I sighed. Bakit ba kapag nagmamahal tayo, may humahadlang? Hindi ba pwedeng maging masaya nalang tayo sa taong mahal natin na walang humahadlang at pumipigil? Creus, why is your mother so cruel? Why is she so cruel to me? Am I really not the right girl for him? Tama sila. Letting go of the person you love is the hardest thing to do. Kahit na gaano mo kagustong makasama siya habang-buhay, kapag alam mong tamang pakawalan siya mula sayo, kahit masakit papalayain mo. Napahagulgol ako. Hindi ko alam kung ilang oras na ako g umiiyak. Namalayan ko nalang na tumutunog na ang cellphone ko. Nang makitang si Alora, sinagot ko 'yon. "Hello—" "Amelia, nasa'n ka?!" "B-Bakit?" "What? Hindi mo ba alam? Si Creus, naaksidente!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD