CHAPTER ONE

1828 Words
CHAPTER ONE Pagkatapos sabihin sa'kin ni Alora kung saan dinala si Creus, walang pagdadalawang-isip kong pinuntahan agad ang ospital. Wala na akong pakialam kung pinagtitinginan ako ng mga tao dahil walang katapusan ang pag-iyak ko. Pagkarating ko, agad akong nagtungo sa Emergency Room. Hindi pa man ako tuluyang nakakalapit ay tumayo ang pamilya ni Creus nang makita ako. Lumapit sa'kin ang mama ni Creus at wala nang nakapigil pa sakaniyang sampalin ako. "This is all your fault!!" Galit na sigaw nito. Akmang susugurin niya pa ako nang pinigilan na siya ng kaniyang asawa at anak. "Criselda, calm down!" Saway ng papa ni Creus. "What are you doing here?! Do you know why my son is inside that room?! It's because of you! This is all your fault!" Patuloy nitong sigaw. Hindi na ako pumalag at sumagot pa. Tama naman. Kasalanan ko 'to. Kasalanan ko lahat. "S-Sorry..." 'Yon nalang ang tanging naisatinig ko. "Sorry?! Simula talaga no'ng dumating ka sa buhay ng anak ko, malas na ang dating mo! Hindi ko alam kung anong nakita ng anak ko sayo." Tinignan ako nito mula ulo hanggang paa. "Hindi ka bagay sa anak ko Amelia. Mahirap ka. Wala kang pinag-aralan. You don't even have a degree. Malayong-malayo sa anak ko. Ano ba ang gusto mo? Pera? Pera ba ang kailangan mo para tuluyan ka ng lumayo sa buhay ng anak ko? Sa buhay namin?! Name your price and I will give it you." Umiling ako. "Hindi po pera ang habol ko sa anak ninyo. Wala po akong pakialam sa pera, kayamanan at ari-arian niyo. Mahal ko po si Creus." Tumawa ito ng mapakla. "Pagmamahal? 'Yan lang ba ang maipagmamalaki mo? Pagmamahal?! Bibigyan mo lang ng pasanin ang anak ko. Let go of me!" Sigaw niya sa kaniyang mag-ama. Idinuro niya ako gamit ang kaniyang daliri. "I want you to stay away from my son, Amelia. Hindi ka nakakabuti para sakaniya. Alam mo kung sino ang nakakabuti sakaniya? Si Kristine." Nilingon nito si Kristine na tahimik lang sa gilid. "Hindi ka nararapat sa anak ko. Hindi kita gusto. Hindi ka ba nakukonsensya, Amelia? Nag-aagaw buhay ang anak ko ngayon dahil sayo. Stay away from Creus. Alam mo ba kung ba't hindi ka nababagay sa anak ko? Kasi putik ka lang na magbibigay dumi sa pamilya namin!" Parang tuluyang dinurog ang puso ko. Ang sakit. Pakiramdam ko tuloy ang liit-liit ko. Nanliliit ako. Anong klaseng buhay ba 'to?! "From now on, I don't want to see you coming here. I do not allow you to visit my son, Amelia. I don't want to see you with him anymore. Stay away and get lost! Or, else...gusto mong gawin ko ang sinabi ko sayo?" Ngumisi ito. "Don't try me, Amelia. I can do whatever I want." May pagbabanta sa tono ng boses nito. Inaamin ko, hindi ko mapigilang hindi matakot. Knowing her, talagang kaya niyang gawin ang gusto niya dahil may pera siya, mayaman at makapangyarihan. "Mom, stop it." Saway ni Sean, kapatid ni Creus. "I won't stop Sean hanggang sa matauhan itong babaeng 'to at lumayo sa kapatid mo." "Mom, it's for Creus to decide. Creus loves her—" "I don't care!" She shouted. "Hija, Amelia. Maybe it's better if you leave for now." Mahinanong turan ng papa ni Creus. Wala akong nagawa kundi ang tumango. "P-Pasensya na po..." Pinahid ko ang aking luha at tumalikod sakanila. Nagsimula akong maglakad papalayo. Nang makalabas ako ng ospital, may sumigaw sa pangalan ko. "Amelia!" Napalingon ako kay Sean. "Sorry about my mom." Nagkibit-balikat ito. "I don't know why she's being like that—" "Okay lang Sean. Naiintindihan ko naman." Usal ko. Huminga siya ng malalim at namulsa. "I'm not saying this because I want to make you feel guilty but I think you should really know this." Hindi ako sumagot at naghintay sa idudugtong niya. "Creus was drunk before the accident. Alam kong nag-away kayo. Nagpapakalasing lang naman 'yon kapag nag-aaway kayo eh. May mga bulaklak sa loob ng sasakyan niya. I guess it's for you. Sa tingin ko papunta siya sa bahay niyo pero naaksidente siya. I know he'll live. 'Yon pa. Tibay non eh." Alam kong pinapagaan lang nito ang mga nararamdaman namin. "P-Pasensya na talaga. Hindi ko naman alam na magpapakalasing siya ngayon. Ang totoo n'yan, nakipaghiwalay na ako sakaniya pero ayaw niya. Hindi ko na kasi alam ano pang gagawin ko. Siguro, tama lang naman ang ginawa ko na bitawan siya. Pero, hindi ko naman alam na hahantung pala dito 'yong naging desisyon ko." Napahikbi ako. Bigla akong niyakap ni Sean. "Thank you Amelia. I know you did it for my brother. I know you love him. Thank you for loving him, Amelia. Thank you for being brave and I'm so sorry if my family hurt you, especially my mom. I hope you'll forgive us." Tumango ako. "Salamat din, Sean." Naghiwalay kaming dalawa. "I'll text you. Babalitaan kita kapag okay at gising na siya para makapunta ka dito." Kumunot ang noo ko. "Hindi ako papayagan ng mama mo—" "Ako bahala. Mas mabuting ikaw ang unang makita ni Creus pagkagising niya. He'll feel better, I'm sure." Ngumiti nalang ako. "Maraming salamat Sean ha. Salamat talaga." Pasasalamat ko sakaniya at tumango lang ito. "Do you want me to drive you home?" Agad akong umiling. "Hindi na, kailangan ka nila do'n ngayon. Thank you Sean." Tinalikuran ko na ito at pumara ng taxi pauwi. Nang makahiga ako sa kama, hindi ko pa rin maiwasang hindi kabahan at mag-alala sa kalagayan ni Creus. Please, Creus. Maging matatag ka. Lumaban ka. Hindi ko alam kung nakakailang buntong-hininga na ako ngayon araw. Sa lahat ng nangyari, ngayon lang ako nakaramdam ng pagod. Nakaka-drain. Namamaga ang mga mata ko sa kakaiyak. Durog na durog naman ang puso ko sa sobrang sakit. Pumikit ako. Hindi ko namalayang sa pagpikit kong 'yon, tuluyan na akong nakatulog. Kinabuksan, nagising ako sa mga katok mula sa labas ng pinto ng kwarto ko. "Amelia?" Rinig kog tawag ni ate. Bumangon ako at nagtungo sa pinto para buksan 'yon. "Ate..." "I heard what happened. Are you okay?" Tanong nito at niyakap ako. Umiling naman ako bilang sagot. "I broke up with him last night. Naglasing siya at naaksidente. Kasalanan ko ate." "No...hindi mo kasalanan Amelia. Huwag mong sisihin ang sarili mo." Hinagod nito ang aking likod. "Anong plano mo?" Tanong niya. "Pupuntahan ko si Creus kahit na ayaw ng mama niyang makita ako do'n. Tatanggapin ko ulit ang masasakit na salita mula sakaniya, makita ko lang si Creus." Hindi ko na hihintayin ang text o tawag mula kay Sean. "Okay, pero kumain ka muna. Tignan mo oh, namamaga mga mata mo. Maligo ka, mag-ayos." Naghiwalay kaming dalawa mula sa yakap. "Thank you ate." Tumango ito at itinuro ang labas. "Hintayin kita sa baba." Sinarado nito ang pinto at bumaba na. Ako naman ay naligo at nag-ayos. Habang nagsusuklay, napatitig ako sa sarili kong repleksyon mula sa salamin. Kaya mo 'to Amelia. Sakto naman na nag vibrate ang cellphone ko, senyales na may nag text. Sean: He's awake. Napangiti ako sa nabasang mensahe. Thank God! Mabilis akong nag-ayos at nag-almusal pagkatapos. "Mag-ingat ka, okay?" Bilin ni ate na tinanguan ko lang. Pagkarating ko sa ospital, tinext ko si Sean kung nasaan ang room ni Creus. Sumagot naman ito kaagad kaya nagtungo na ako doon. Pagkarating ko, tanging si Sean lamang ang tao sa hallway. "Amelia..." "Gising na siya?" Malungkot itong tumango na nagpakunot ng noo ko. "Parents mo?" "Papunta na sila dito, so you still have time but Amelia—" Hindi ko na siya pinatapos at pumasok na sa kwarto. I don't have much time. Kailangan kong bilisan dahil papunta na ang mga magulang ni Creus. Pagkapasok ko nadatnan ko si Creus na parang nakatulala. "C-Creus!" Tawag ko at agad siyang niyakap. "Buti naman at gising ka na!" Napaluha ako at tumingin sa mukha niya. Hindi ko alam kung bakit puno ng pagtataka ang mukha nito. "I'm sorry... Pasensya na. Kasalanan ko kung bakit ka naaksidente, hindi na sana ako nagdesisyon ng ga—" "Who are you?" I stilled. Ano? "H-Ha?" "This is what I'm trying to say Amelia. Creus has a post-traumatic amnesia. It means, he can't remember what happened before the accident." Umawang ang labi ko sa sinabi ni Sean. "N-Nagbibiro ka lang diba?" Hindi makapaniwala kong tanong ngunit malungkot lang na umiling si Sean. Muli akong bumaling kay Creus. "H-Hindi mo'ko naalala?" Tanong ko. "No. Who are you? Why are you hugging me? I don't know you, woman." Itinulak nito ang mga braso kong nakayakap sa kaniya. "You're making me uncomfortable." Kumirot ang puso ko sa narinig. H-He can't remember me! "C-Creus ako 'to, girlfriend mo'ko! Si Amelia—" Biglang bumukas ang pinto at pumasok ang mga magulang ni Creus. "What is she doing here, Sean?!" Tanong ng mama ni Creus. "Mom—" "What are you doing here, woman?! I already told you to stay away! Bakit ba ang tigas ng ulo mo? Look at my son! He can't remember anything about his self because of you!" Sigaw nito. "Criselda, Creus can hear you. Please calm down." Napatingin naman ang mama ni Creus sakaniya at agad na lumapit para yakapin ito. "Anak, I'm your mother. I'm sorry kung nangyari lahat ng 'to sayo." Si Creus naman ay nakatingin sa'kin na nakakunot ang noo. It's like he's trying to remember who I am but he can't. Sunod na pumasok si Kristine kaya napatingin si Creus sakaniya. "Amelia, I think you should go out from here...." Mahinang boses na turan ni Sean. Hinila ako ni Sean. Nakayuko nalang akong sumunod ngunit hindi pa man kami tuluyang nakakalabas, muli akong nasaktan sa narinig mula sa mama ni Creus. "She's Kristine, she's your fiance. You'll get married soon." Napaiyak ako sa narinig. Wala na, talo na. "Amelia, I'm sorry—" "Kasalanan ko talaga lahat 'to Sean. Dahil sa'kin nawalan ng memorya si Creus." Napaiwas nalang ng tingin si Sean. "Kuha ko na. Hindi talaga ako 'yong babaeng para sakaniya. Hindi kami ang para sa isa't-isa." Pinahid ko ang aking mga luha. Iniabot ko sakaniya ang puting papel na naglalaman ng sulat ko para kay Creus. "Kapag nakaalala na siya, pakibigay ito sakaniya." Nagtataka man ay kinuha 'yon ni Sean. "Tell him I love him, Sean. Pero, kung kailangan kong lumayo sakaniya para hindi na maging miserable pa ang buhay niya, handa kong gawin 'yon. Kasi hindi ako nakakabuti para sakaniya. Sakit at gulo lang ang hatid ko sa pamilya niyo. Tell him I'm sorry." "Amelia..." "Magpapakalayo na ako Sean. Pakisabi din sa mama mo na suko na ako. Pasensya na sa lahat ng gulo na dinulot ko sainyo. Kung makaalala man si Creus, sabihin mo huwag niya na akong hanapin pa. Magpakasaya siya. Si Kristine ang nararapat sakaniya, hindi ako. Salamat." Hindi ko na hinintay pa ang magiging sagot ni Sean at tumakbo na papalayo. I'm sorry, Creus. I really have to let you go. I love you.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD