CHAPTER 12 Meet Dalawang linggo ang lumipas mula nang mahuli ako ng mga guard. Simula noon, hindi ko na nakita pa si Jinx. Halos isang linggo yata akong naglagi at sumubok na balikan kahit ‘yong lugar kung saan ko tinayo ang duyan dati kaso puno ng bantay. Gustuhin ko mang maging positibo gaya ng natutuhan ko kay Jinx, hindi ko na magawa pa. He seems like my source of positivity and not being able to see him anymore also means dwelling in negativity again. Dalawang linggo ang pinalipas ko. Talagang hindi ko nakausap man lang si Jinx. Sinubukan kong hanapin ang pangalan niya sa social media pero wala akong nakita. Tingin ko rin naman, hindi na niya ginagawa ang mga gano’ng bagay. Pagtapos ng dalawang linggo, sinubukan ko ulit bumalik sa dati kong dinadaanan. Doo

