CHAPTER 11 Fell apart “Can you take a look at this?” tanong ni Jinx sa ‘kin at iniabot ang isang canvas board. Sobrang espesyal para sa ‘kin, at tingin ko ay kahit kay Jinx, ang kahapon. Medyo nakakaba man dahil bigla na lang sumasakit ang ulo niya, hindi ko pinagsisisihang dinala ko siya sa iba namang lugar kahapon. Ngayon, balik kami sa dating gawi. Nandito ulit kami sa likod ng mansyon nila, nag-a-almusal sa madaling araw. Hindi ko na muna siya tinanong kung gusto niya ulit pumunta ro’n ngayon. Siguro, mamaya na lang. Itinuon ko ang pansin sa parihabang canvas board na iniabot niya sa ‘kin. Doon ay nanlaki ang mga mata ko sa ganda ng nakita. “G-Gawa mo?!” namamanghang tanong ko. Nginitian lang ako ni Jinx. “Yeah. Ano’ng masasabi mo?” Wow! Sana all!

