CHAPTER 10 Blessings “Lumabas tayo bukas.” Nagningning ang mga mata ko dahil sa narinig mula kay Jinx. Kahit na hinihiling ko talaga na pumayag siya, nagulat pa rin ako. “T-Talaga?! Payag ka?!” hindi makapaniwalang paninigurado ko. Nginitian niya ako at tumango. Pakiramdam ko, nanalo ako sa lotto dahil sa sagot niya. “Yes!” Pumayag siya! Medyo OA ang reaksyon ko pero napangisi siya dahil do’n. Masaya akong pumayag siya. Gusto ko kasing maramdaman niya na malawak pa rin ‘yong mundo niya kahit na nawalan siya ng paningin. Naiintindihan ko ang pamilya niya kung bakit parang ayaw na siyang palabasin muna ngayon lalo pa sa sitwasyon niya. Nakatakas ba naman kasi ‘yong nagtangkang pumatay sa kanila. Hindi sigurado kung babalikan siya no’n. Pero ayon. A

