CHAPTER 6 Pure Isa talaga ang ‘mabait’ sa mga papering hindi ko kailanman nagustuhan. Pakiramdam ko, hindi ko talaga deserve makatanggap ng ganoong salita. Tingnan mo naman ngayon. ‘Yong taong wala namang ginawa sa ‘kin na kahit na anong masama, ninakawan ko pa rin. Parang may pumiga ng puso ko dahil sa paraan kong mag-isip. Talagang inusig ako ng konsiyensya ko hanggang sa makauwi sa amin. Ang sama-sama ko. Ang kapal ng mukha kong paghinalaan si Jinx na may masamang balak pero ako nga itong ninakawan pa siya. Malamang, wala na akong mukhang ihaharap pa sa kanya bukas nang madaling araw. Pinuno ko ang isip ng mga panglalait sa sarili. Gusto ko kasing parusahan ang sarili ko at tingin ko, sobrang deserve ko ‘yon. Pag-uwi sa bahay, tulog pa ang lahat. Doon ay na

