CHAPTER 16 Hired "Lucky." Parang may kung ano’ng mahika ang simpleng pagtawag sa ‘kin ni Jinx sa una kong pangalan na nagpabuo ng araw ko. Tila ba sobrang tagal mula nang huli niya akong tawagin nang ganoon. Hindi ko yata maloloko ang sarili ko. Miss ko na siya. Naramdaman ko ang tila ba pagkatunaw ng puso ko. Sa tono rin kasi ng boses niya, animo’y tuwang-tuwa siya na nandito ako. Gaya lang noong pinakauna naming pagkikita, hindi kailanman nagbago ‘yong pagpaparamdam niyang espesyal ako. Wala naman kasing ganito kasaya sa presiyensya ko. Siyempre, ayaw kong bilangin si Badong. Pakboi lang ‘yon e. Napabalik ako sa wisyo nang marinig kong tumikhim ang katabi kong si Ate Budang. Nawala tuloy sandali ‘yong ngiti ko. Mabuti na lang din at kahit na may pagka-c

