CHAPTER 17 Stars Madilim pa lang, napabangon na agad ako sa higaan ko. Matapos lang na matanggap ako sa trabaho, ginugol ko ang araw kahapon para aralin ang kung anuman ang dapat kong aralin bilang personal caretaker ni Jinx. Hindi naman naging mahirap sa ‘kin na matandaan ang halos lahat dahil gusto ko rin naman talagang magampanan nang maayos ‘yong trabaho ko. Ngayon naman ang pinaka-unang araw ko talaga sa trabaho. “Maagang nagigising si Sir. Kaya maghintay ka ro’n sa labas ng pinto niya.” Muli kong naalala ang isa sa mga bilin ni Manang sa ‘kin kahapon. Kaya naman ngayon ay sinigurado ko talaga na maaga ako magigising. Hindi naman ‘yon naging problema sa ‘kin dahil maaga naman talaga ako nagigising. Naalala ko tuloy noon na nagkikita rin kami ni Jinx nang

