Prologue

2493 Words
PROLOGUE Stargaze… It used to be my sweet escape. Gazing upon millions of stars that are scattered around the dark sky used to give me some sort of peace amidst the chaos. Sa tuwing sumusulyap ako sa mga tala, parang nakikita ko ang sarili ko, na sa kabila ng lahat ng kadiliman, pinipilit pa ring magliwanag. But if there’s one thing that is constant in this world; it is change. Dumating sa puntong ang nag-iisang paborito kong gawin, kinaayawan ko na rin. Stargazing used to give me peace and hope. I never have thought that I would wake up, the only thing that gives me serenity will soon give me tragedies. Isang araw, namalayan ko na lang na hindi na maganda ang mga naiisip ko sa tuwing sumulyap sa mga ito. Gabi-gabi, palagi kong sinisilip ang mga tala at nagtatanong kung bakit. Bakit hindi patas ang buhay? Napangiti ako nang mapait. Alam kong hindi ngayon ang tamang oras para mag-drama pero hindi ko mapigilan lalo na’t hindi ko talaga gusto ang ginagawa namin ngayon. Iniangat ko ang tingin sa mga talang nakasulyap sa ‘kin ngayon mula rito sa magarbong balkonahe ng pamilyang Montriele. Sunod kong pinasadahan ng tingin ang nanginginang na singsing sa kwintas na suot ko na parang isang bituin sa ganda. I always envy the stars. Kapag sinabi kasing bituin, tingin na ng lahat ay suwerte. Sa tuwing ganoon, palagi akong napapa-sana all. Sana all suwerte. Hindi ko alam. Tala rin naman ang pangalan ko pero hindi ako gaya ng mga bituin. Sa totoo nga niyan, kabaliktaran pa ako ng mga ito. Even when I tried to do my best many times, I always end up with the worst possible outcome. Dahil doon, nagsimula na akong mainis sa bagay na dati ay pinakagusto ko sa lahat. “Tala! Ano pa’ng ginagawa mo r’yan?! Tutunganga ka na lang?” Ang naiirita ngunit mahinang singhal sa ‘kin ni Ate Maymay ang nagpagising sa ‘kin sa reyalidad. Kinabahan ako sa pagsita niya. Muling kumabog nang mabilis ang puso ko nang maalala kung ano nga ba ang ginagawa namin ngayon. Napasobra na naman pala ako sa pagda-drama! “S-Sorry, Ate,” paghingi ko ng paumanhin pero tinalikuran niya na lang ako. Sinundan ko na muna siya ng tingin. Mukhang handang-handa siya dahil sa bihis niya. Nakasuot siya ng purong itim na damit gaya lang din ng akin. Ang dala niyang backpack ay puno na ng laman. Kahit na nakasuot siya ng mask na na ang tanging kita lang ay ang kanyang mga mata gaya rin ng suot ko, nakilala ko siya dahil sa kanyang boses at mga mata. Napaiwas ako ng tingin nang makaramdam ulit ng mumunting galit. Kung kaya ko lang talagang magsalita, baka ginawa ko na. Kung may maiisip lang sana akong iba pang paraan… Napabuntonghininga ako. Sa huli, kumuha ako ng huling sulyap sa balkonahe kung saan may alaala ako ng nag-iisang lalaki sa puso ko, sa balkonahe kung saan nagsimula at natapos ang lahat. Jintius Xavier Montriele del Grico… A king-like guy who has ruled my heart, a guy with amber-colored eyes. My heart ached when I remembered him. Hindi niya deserve ‘to. Pero kahit gustuhin ko mang pigilan ang lahat, buhay ko ‘to. Pinanganak yata ako para maging ganito. Ang bigat-bigat sa puso. Ni hindi ko magawang humawak ng kahit anong bagay dahil sa nararamdaman ko! Gusto kong umiyak pero hindi ito ang tamang oras para doon. Sa huli, huminga na lang ulit ako nang malalim at inilibot ang tingin sa buong bahay ng mayamang pamilya rito sa lugar namin: ang mga Montriele. Sa pagkakaalam ko, may mas malaki pa silang bahay kaysa rito ro’n sa Manila. Ang kapal ko lang dahil pinangarap ko ring makapunta roon na siyang napaka-imposible nang mangyari ngayon. I think I won’t be able to do that… ever. I won’t be able to be with him. Hindi na yata maaatim ng konsiyensya ko. Itinuon ko ang pansin sa buong bahay. Madilim ang paligid at sobrang tahimik, hindi aakalain ninuman ang ginagawa namin dito. Kahit gano’n, tila nasanay na ang mata ko kaya nagawa pa ring mamataan ang mga mamahaling gamit sa paligid. Mas malakas ang loob naming gawin ito ngayon dahil sa nalaman kong impormasyon noong isang araw na wala ang halos lahat ng tauhan sa mansyon. Talagang sumakto ‘yon sa araw na pinagplanuhan ng grupo namin. Sa labas, nababalot din ng dilim ang langit. Ito naman ang mas lalong nagpaliwanag sa ang mga bituin at sa bilog na buwan. It’s the middle of the night, perfect for doing this. Yet, I can’t feel any happiness despite all the things my colleagues have got. Hindi ako kailanman magiging masaya ro’n. Hinayaan kong lumipas ang oras. Wala akong ginalaw na bagay kahit pa hindi na magkanda-ugaga ang mga kasamahan ko sa pagsiksik ng mga gamit sa dala-dala nilang backpack. Inisip ko na mapapawi noon ang konsiyensya ko kahit na alam kong hindi naman talaga. Mapapatawad pa ba ako ni Jinx kung sasabihin ko sa kanyang ganito naman ang ginawa ko? Nababaliw na ako. Sigurado naman kasi akong hindi pa rin, na sinusubukan ko lang talagang pagaanin ang konsiyensya ko. Kahit gaano yata kabait ang isang tao, hindi mapapatawad ang ginagawa naming ‘to sa pamilya niya. Buong oras, pinigilan ko ang sarili na kumilos. Sa sobrang dami kong gustong sabihin, walang ni-isa ang lumabas sa aking bibig. Wala akong ginawa kung ‘di pagmasdan lahat ng mga kasama ko. Kaya naman noong oras na para umuwi kami, inasahan ko na ang galit na matatanggap ko sa kanila. “Ba’t parang wala pang laman ‘yang backpack mo, Tala?!” asik ni Kuya Ronnie noong tuluyan na kaming nakalabas ng mansyon. Nakakatakot ang boses niya gaya ng nakasanayan. Parang siya na kasi ang tumatayong pangalawang mas nirerespeto sa ‘min. Naghurumentado ang puso ko nang tingnan ako ng lahat. Kahit ganoon, ang tanging nagawa ko lang ay mapayuko at mapailing. Hindi ko kayang gawin ang ginawa nila! Hindi na maaatim ng konsiyensya ko! “Ikaw na naman ba ang sisira ng mga plano ng pamilya?!” pagalit na singhal naman sa ‘kin ni Didang na siyang nagpabuhos ng mga luhang kanina ko pa pinipigilan. “Bumalik ka ro’n!” Tinulak niya ako patungong gate ng mansyon ng mga Montriele. Ramdam ko ang nag-uumapaw na galit ni Didang, ang aming tinuturing na ina, dahil sa ginawa niya sa ‘kin. Kamuntikan pa nga akong matumba sa sahig. Awa ang tingin na binigay sa ‘kin ng mga pinakamalapit sa ‘kin sa grupo. Bakas man sa mga mata nila na gusto nila akong tulungan, hindi nila ginawa. Naramdaman ko ang pagkirot ng puso ko. Kaso ay nawala rin doon ang pansin ko nang lumapit sa ‘kin si Kuya Ronnie para kaladkarin ako papasok ulit sa mansyon. Tangina! “Ayaw ko, Kuya!” naiiyak na pigil ko. Mabilis akong umiling para ipakitang ayaw ko talagang bumalik pa sa loob pero pinigilan ako ni Kuya gamit ang pagtama ng magaspang at makapal na kamay niya sa pisngi ko. Natikman ko ang sariling dugo nang pumutok ang labi dahil sa lakas ng sampal niya. Ang sakit… pero wala pa ring papantay sa sakit na nararamdaman ko sa puso ko. “Magtigil ka nga! Ano ba’ng nangyayari sa ‘yo?!” Nilingon niya ang paligid, takot na may makarinig sa ‘min. Hawak niya naman nang mahigpit ang bibig ko para pigilan akong gumawa ng ingay. Parang dinudurog ang puso ko. Ayaw ko. Gusto ko nang umalis pero… buhay ko ‘to. Kinaladkad ako ni Kuya Ronnie papasok sa loob ulit ng mansyon. Ayaw ko man, wala na ‘kong nagawa pa nang buksan niya ang zipper ng backpack ko. Patalikod niya ‘kong kinaladkad palapit sa isang mamahaling vase. This ain’t right. This will never be. Ngayon, alam na alam ko na ‘yon. Ngayon, mas naiintindihan ko na ang bagay na ‘yon, nang dahil kay Jinx. “Tumahimik ka! Ano ka? Pasarap?! Wala kang kukunin?!” si Kuya Ronnie habang maingat na inilalagay ang vase sa backpack na dala ko. Napapikit ako nang mariin. I was born this way: born with unfortunate life; born to be a thief. Nang idinilat ko ang mga mata, muli kong natanaw ang mga tala sa labas. Dahil doon, hindi ko na namang maiwasang mapatanong. Why do I have to live this kind of life? Why life is so unfair? Kaso, matapos ko ring mapatanong nang ganoon, muli kong naalala si Jinx at ang mga itinuro niya sa ‘kin. Dahil sa naisip, nagkaro’n ako ng lakas ng loob na pumiglas. “Putang—“ dinig kong mura ni Kuya Ronnie pero natabunan ‘yon ng malakas na tunog ng nabasag na vase. Nagawa ko… Sa kauna-unang pagkakataon, hindi ko sinunod kung ano nga bang dapat kong gawin base sa estado ko sa buhay. “Sino ‘yan?!” Nataranta kami ni Kuya Ronnie nang may makarinig sa ‘min. Mabilis kaming napalingon sa madilim na pasilyong pinanggalingan ng boses. Kumabog nang mabilis ang puso ko habang nanlalaki ang mga mata. Paktay na! May nakarinig sa ‘min! “Putang ina mo, Tala! Malas ka talagang hayop ka!” singhal sa ‘kin ni Kuya Ronnie bago niya ako iwan para iligtas ang sarili niya. Hindi na ‘ko umimik pa sa pang-iinsulto niya at dali-dali na ring naghanap ng pagtataguan. Kahit gano’n, ang mga linya niya ay tumatak sa ‘king isipan. Malas. Maraming tao na ang nagsabi sa ‘kin no’n na dumating sa puntong inukit ko na rin sa isipan ko, na isa nga ‘kong kamalasan sa mundong ‘to. Palagi, kamalasan ang dala ko sa lahat. Isa lang yata ang kamalasang nagustuhan ko sa buhay ko. ‘Yon ay nang nakita ko ang mga mata ni Jinx na nakasulyap sa ‘kin noon. Marami akong sinubukang pasukin na silid para pagtaguan pero walang ni isa roon ang nakabukas. Dahil na rin sa pagkataranta ko, kung ano na lang ang silid na p’wedeng mapagtaguan, doon ako pumasok. Napasandal ako sa pinto ng isang kuwarto matapos ko ‘yon isara nang maingat. Hinabol ko ang hininga ko nang ilang sandali. Mas lalo naman akong pinagpawisan dahil sa kaba. This is a great crime for we invaded the mansion of one of the richest families in our city. Paniguradong kapag naaktuhan kami sa ginagawa, sa kulungan ang abot namin. Deserve naman namin e. Sa lahat ng mga bagay na nakuha namin sa iba’t ibang tao, dapat lang na mabulok kami sa kulungan. Humugot ako ng malalim na hininga para pakalmahin ang sarili. Hinawakan ko ang bibig para maiwasang gumawa ng kahit anong ingay. Sobrang bilis ng pagtibok ng puso ko sa kaba. Tangina. Tama ba ‘yong ginawa ko?! Parang oo na hindi! Tama na pinigilan ko ang ginagawa naming mali pero hindi tama na dahil sa ginawa ko, mukhang madadamay ang mga taong malapit sa ‘kin! Mamaya ko na lang iisipin! Kailangan kong makaalis na rito! Kaagad kong sinubukang maghanap ng maaaring daan palabas ng mansyon pero iba ang nahanap ko. “Sino ka?” Literal akong natigilan nang marinig ang pamilyar na boses sa loob ng kuwarto. Roon, napalingon ako sa kama hindi kalayuan sa kinatatayuan ko. Nahulog ang panga ko nang makita ang pamilyar na lalaking nakatitig sa akin ngayon. Both of our eyes widened while looking at each other. Ikinatigil ‘yon ng mundo ko. Sa kuwarto niya ako napunta?! Imbis na labasan ang mahanap, isang lalaking mukhang hari ang nakita ng mga mata ko na nakaupo sa kama at diretso ang tingin sa ‘kin. Magulo ang kanyang buhok ngayon dahil sa mukhang kababangon lang niya sa higaan. Dahil sa maliwanag na buwan na matatanaw sa balkonahe ng kuwarto niya, nagawa kong makita ang buong mukha niya. Ang kakaibang mata niya ay pinaresan ng makapal na mga kilay. Dahil sa liwanag ng buwan, ang ilong niya’y nakaukit ng isang perpektong anggulo ng anino. Kahit medyo madilim, nagawa ko pa ring masilayan ang kanyang makapal na labi. Jinx… Bago ko pa masagot ang tanong niya. Kaagad na niyang naidako ang tingin sa pendant ng kuwintas na suot ko ngayon. Ang bato kasi talaga ng singsing na ginawa kong pendant ay nagliliwanag kahit sa dilim. Kaya naman kapansin-pansin ‘yon ngayon. “‘Yong buhok mo…” pamumuna niya na mas lalo kong ikinagulat. P-Paano? Maiintindihan ko pa kung naramdaman niya lang na may iba nang tao sa loob ng kuwarto niya e. Pero… ang mapansin niya ang buhaghag na kulot kong buhok ngayon? Parang isa lang ang ibig sabihin noon… “N-Nakikita mo ‘ko?” kinakabahang tanong ko sa lalaking nakatitig sa ‘kin. Dahil doon, mas lalong tumindi ang pagkalabog ng puso ko. “Nakikita kita…” aniya na tila ngayon lang pumasok sa kanyang isipan ang nangyari. Napaawang ang labi niya dahil do’n. Nakita niya ‘ko! Nakakakita na siya… Mapaglaro nga naman ang tadhana. Nakita niya ‘ko kung kailan ganito pa ang ginagawa ko. Pero masaya ako para sa kanya. Makikita na niya ulit ang ganda ng mundo. Hindi ko nga lang sigurado kung makikita niya pa ang nanggugulo sa kanyang si ‘Lucky’ dahil hindi ko na kakayanin pang magpakilala sa kanya. Bago pa man ako makapagdiwang sa saya, may marahas nang kumatok sa pinto ng kuwarto kung nasaan kami. “Sir? Sir Jinx?!” nag-aalalang tawag sa kanya ng kung sino. Nataranta ako dahil do’n. “S-Sige. Aalis na ‘ko! Bye!” nagmamadaling paalam ko sa lalaking bumihag ng puso ko. Kaagad akong nagtungo sa balkonahe ng kanyang kuwarto at walang takot na nagdesisyon na ro’n dumaan palabas. Mataas man ang pagbabagsakan, hindi ko na inalintana pa ‘yon. Sa labas, natanaw ko ang sumesenyas kong mga kasamahan. Tinanguan ko sila at nagsimula nang talunin ang balkonahe. “Wait! Ano’ng pangalan mo?!” rinig kong pahabol na tanong ni Jinx. Sabay akong nakaramdam ng pisikal at emosyonal na sakit dahil sa pagbagsak at dahil na rin sa tanong ni Jinx. My tears fell for the excruciating pain I’ve felt. Naramdaman ko ang mabilis na pagtulong sa ‘king makatayo ng mga kasamahan habang muli ko namang sinulyapan ang lalaki sa may bintana ng mansyon ng mga Montriele. I caught him staring at me with worry in his amber eyes. Up above him are the stars in the night sky. Ako ‘to, Jinx. Si Lucky… Ang sarap isagaw ‘yon sa lalaking nakadungaw sa ‘kin ngayon pero hindi p’wede. “Tumayo ka na! Malas ka talaga kahit kailan!” Naipikit ko ang mga mata at muling pumatak ang mga luha. They say I’m a bit of luckless luck. But just when I was about to believe that, I saw a guy, gazing at me, just like how the stars gaze at night. A guy who unexpectedly sees me as his luck, a guy named Jintius Xavier del Grico.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD