bc

Zianna Empress [SINFUL MAIDEN: Series 4]

book_age18+
57
FOLLOW
1K
READ
sex
kidnap
second chance
independent
billionairess
heir/heiress
bxg
city
lies
gorgeous
like
intro-logo
Blurb

SINFUL MAIDEN SERIES 4

R-18 Mature Content | Some scenes are not suitable for the young readers. All characters, incidents, organizations, and background are all FICTITIOUS.

****

Zianna Empress is a successful businesswoman at the young age of 26. She manages her own company the Z Empress... the country’s famous shoe brand. Because of her dedication to work and being responsible, her father did not hesitate to bequeath to her the Empress Empire, the country's most influential Empire of all time which angered his eldest brother, Yilmaz. Because of that, a bad plan was formed. Yilmaz hired a kidnapper to kidnap her sister to take her away from the city so he could get the CEO position of the company. The kidnapper was Rich Del Mundo. The handsome young man that will do everything for the good of his mother even it's against his will. He kidnapped Zianna and took her to a distant island where he pretended to be the one who helped her. What happens if they spend almost a month together under one roof? Mapapatawad niya kaya ang binata kapag nalaman niya na ito pala talaga ang kumidnap sa kaniya at hindi ang tumulong sa kaniya since the beginning?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 01
CHAPTER 01 “I really don't like those recent designs na natatanggap ko. What happened? Bakit parang paulit-ulit na lang ang mga designs?”Kalmadong tanong ni Zianna sa kaniyang mga empleyado na kaharap niya. Nasa isang mahalagang meeting kasi siya ng mga oras na ‘yun para malaman kung bakit halos pare-pareho na lang ang mga natatanggap niyang designes ng mga sapatos na kailangan nang ma-finalized with in that week para sa Summer Collections ng Z Empress. Siya nga pala si Zianna Empress, ang CEO ng Z Empress... isa sa pinakasikat at kilalang shoe manufacturer o brand ng bansa. Kilalang personalidad siya dahil hindi lang naman basta-basta ang presyo ng mga sapatos niya, sa katunayan nga ay umaabot pa sa ibang bansa ang pagkakakilanlan niya. At sino rin ba kasi ang hindi makakakilala sa kaniya lalo na kung galing talaga siya sa isang mayaman at maimpluwensya na pamilya. Siya kasi ang nag iisang anak na babae ni Don Herbert Empress, ang CEO ng Empress Empire, matagal na panahon na ang pagiging maimpluwensiya at pagiging sikat ng pamilya Empress kaya naman malabong walang makakilala sa kanila. Pero kahit na sadyang mayaman ang pamilya ni Zianna ay gumawa siya nang paraan para magkaroon siya ng sariling pangalan sa loob ng business industry at hindi naman siya nabigo sa bagay na 'yun dahil wala pa halos dalawang taon ay talagang naging sikat na ang kaniyang kompanya. Mahal na mahal din siya ng kaniyang mga emplyedo dahil sadyang mabait siya. Sa edad na bente sais ay napabilang na siya sa youngest successful business women in the country. Nang aktong sasagot na ang kaniyang isang empleyado na pinaka-head ng project team ay sakto naman na dahan-dahang pumasok ang secretary ni Zianna na si Mia kaya awtomatikong napatigil ang meeting. May hawak itong cellphone kaya naman halata na agad na ang tawag na ‘yun ay para kay Zianna. “Miss Z, may mahalaga po kayong tawag galing kay Don Herbert,”wika agad ng kaniyang sekretarya nang makalapit na ito sa pwesto niya. Hindi naman maiwasan ni Zianna na lihim siyang mapakunot ng noo dahil hindi niya inaasahan na makakatanggap siya nang tawag mula sa kaniyang ama na halos ilang buwan niya na rin na hindi nakakausap. Masyado naman kasi talaga siyang abala sa kaniyang kompanya at idagdag pa ang halos isang buwan na pabalik-balik siya sa iba’t-ibang bansa. Simula rin kasi talaga nang mamatay ang kaniyang ina na halos apat na taon na ang nakakalipas ay lumayo na ang loob niya sa kaniyang ama dahil Mama’s girl siya. Pero kahit na nagtataka ay agad na siyang tumayo mula sa kaniyang pagkakaupo at mabilis na tinanggap ang cellphone na inaabot ni Mia sa kaniya. Hinarap niya rin ang kaniyang mga empleyado at nagpaalam muna siya sa mga ito para sagutin ang tawag. Pagkatapos noon ay dumiretso na siya sa loob ng kaniyang private room na nandoon lang din sa loob ng opisina niya. Ang private room na ‘yun ay parang mini bedroom lang na pinasadya niya dahil kadalasan ay doon na rin siya natutulog kapag masyado siyang maraming ginagawa sa trabaho. Pagkapasok niya sa loob ay sinarado niya ang pinto saka niya tuluyan nang inilagay ang cellphone sa kaniyang tenga at nagsalita. “Hello Dad.”Pa unang wika niya sa kabilang linya. [I expect you to come here at home exactly 8 o’clock PM for dinner.] Walang emosyon ng matandang Empress at dahil doon kaya hindi maiwasan ni Zianna na mapakunot na naman ng noo. Kung ilang buwan niya kasi na hindi nakakausap ang kaniyang ama ay gano'n din ang buwan na hindi niya nakikita ang ama sa personal. Ilang buwan na siyang hindi nakakauwi sa mansyon na pinagtitirahan ng matanda kasama ang kaniyang panganay na kapatid na si Yilmaz, kaya nagtataka talaga siya kung para saan ang dinner na tinutukoy ng ama. “Ahm. I’m in the middle of a meeting right now Dad so—“ Pinutol muna ni Zianna ang kaniyang sasabihin dahil mabilis niyang binatuhan nang tingin ang kaniyang wrist watch upang makita ang oras at saktong 7:30 na nang gabi. “I think I can’t make it on 8 o’clock, baka ma-late ako nang konti but I’ll be there.”Pag dudugsong na saad niya pa sa kabilang linya. Kailangan niya na kasi talaga na tapusin din ang meeting para maabutan nila ang mangyayaring summer collection ng kompanya. [Alam mo naman na ayoko sa mga late Zianna, so I’m expecting you to be here at 8 and that’s final.] At ang sumunod na lang na narinig niya sa kabilang linya ay ang pagka-disconnect ng tawag. Napabuntong hininga na lang nang malalim si Zianna habang dahan-dahan niya nang ibinababa ang hawak niyang cellphone. Mukhang wala na siyang magagawa pa sa bagay na ‘yun kaya naman lumabas na siya sa private room niya upang i-dismiss na ang meeting. “I have an emergency right now so let’s just continue this on zoom meeting exactly 10 PM later,”wika ni Zianna habang sinusuot niya na ang coat niya na nakapatong sa mismong likod ng upuan niya. Mabilis naman na nagtayuan ang kaniyang mga empleyado at nag-bow sa kaniya. “Yes Miss Z.”Chorused na sabi ng kaniyang mga empleyado pero hindi niya na nagawa pang batuhan 'yun nang pansin dahil nag madali na siyang lumabas ng opisina niya kasabay ang kaniyang sekretarya na dala-dala ang ibang mga gamit niya. “I’m going to my Dad’s house so you can go home now Mia,”wika ni Zianna. “Okay po Miss Z, ingat po kayo.”At 'yun na lang ang huling sinabi ng kaniyang sekretarya bago siya mapagbuksan ng kaniyang driver ng pinto ng kotse sa may likod at tuluyan na siyang pumasok doon. “Manong, doon tayo sa bahay ni Dad ngayon.”Walang emosyon na wika niya sa kaniyang driver bago niya isinandal ang kaniyang ulo sa may head ng upuan at pumikit. Medyo pagod na rin kasi talaga siya sa maghapon na pagtatrabaho at ang akala niya talaga ay maaga siyang makakauwi after the meeting pero it turns out na may biglaan pala siyang dinner na pupuntahan. Wala kasi talaga siyang alam kung para saan ang dinner na tinutukoy ng kaniyang ama, lalo na at alam niyang hindi naman 'yun basta-basta dinner lang. Kung ano man 'yun, malalaman din niya 'yun once na makarating na siya sa mansyon.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
73.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.6K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
158.7K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
94.7K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.5K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook