bc

Carrying the Ruthless Billionaire's Son

book_age18+
12
FOLLOW
1K
READ
billionaire
BE
forced
pregnant
arrogant
boss
heir/heiress
tragedy
bxg
mystery
harem
poor to rich
musclebear
like
intro-logo
Blurb

Dala ng kahirapan at kagustuhan na matulungan ang kaniyang mga magulang ay pinili ni Jasmine na kumapit sa patalim at pasokin ang trabahong noon pa man ay pilit na niyang iniiwasan. Kapalit ng ilang milyon ay pumayag siyang magpabuntis sa isang estranghero. Estranghero na nag bigay sa kaniya ng magandang bahay at marangyang buhay habang pinagbubuntis niya ang anak nito. Akala ni Jasmine ay magpapatuloy ang maganda niyang buhay ngunit tila nagising siya sa isang magandang panaginip ng mailabas na niya ang anak nito. Ang dati'y maganda niyang buhay ay muling bumaligtad at mas naging marahas sa kamay ng walang awang bilyonaryo.

chap-preview
Free preview
PROLOGUE : How did she found him?
Ako si Jasmine at dala ng kahirapan ay napilitan akong ibenta ang aking sarili sa isang estranghero na hindi ko naman kilala. Kapalit ng ilan'g milyon ay pumayag akong magpabuntis dito at dalhin ang anak niya sa loob ng siyam na buwan. Nagawa ko ang bagay na ito hindi dahil sabik na sabik akong magkapera. Ginawa ko ito dahil gusto kong mabigyan ng magandang buhay ang buong pamilya ko. Ang sakit kasi dahil sa sobrang hina ko ay wala akong magawa kung hindi ang panoorin silang naghihirap. Dahil nga sa kahirapan ay wala akong natapos sa pag-aaral, walang trabaho ang pasok sa akin lalo na at puro college degree ang karaniwang hinahanap ng mga kompanya. Sobrang dami kong pangarap noon'g bata ako. Gusto kong maging doktor o nurse. Gusto kong magkaroon ng magandang trabaho at makapag pundar ng madaming sasakyan ay malaking bahay. Sobrang dami kong pangarap at kasama sa mga pangarap na iyon ang pamilya kong noon pa man ay kapos na sa pera at kayamanan. Oo, hindi kami mayaman. Mahirap kami at wala ni isang gintong pwedeng ipagmayabang pero masaya ako dahil kompleto, payapa at masaya ang buhay namin'g lahat. Okay na sana. Sapat na sana ang isang kain at isang tuka ngunit habang tumatagal at tumatanda na ako? Doon ko na realize na hindi na sapat kung ano'ng meroon kami. "Nadulas si lolo mo kasi kukuha sana siya ng talbos pang ulam." "Kamusta si lolo?" Nag-aalala kong tanong kay inay habang nililinis ko ang isang sulok nitong book shelve. Rinig ko ang malakas na pagbuntong hininga niya kasabay ng mahinang pag-iyak. Ito ang unang beses na narinig king umiyak si inay kung kaya't natigilan ako at nailayo ko sa tenga ang maliit at lumang cellphone. "Hindi pa kumakain ang mga kapatid mo kasi wala pa tayong pera pambili ng bigas. Ganoon din sina lola at lolo mo. Naubos na rin yun'g pera ng tita mo dahil kailangan nitong magpatingin sa doktor." Nanginginig at hunahagulgol ang boses na sumbong sa akin ni mama. Humigpit ang pagkakahawak ko sa telepono. Habang pinakkinggan ko ang sinasabi ni inay ay parang meroon'g kumukurot sa puso ko. Hindi ako ang pinaka matanda, pinaka successful sa amin'g lahat ngunit bakit kailangan na ako pa ang bumuhat sa lahat ng ito? Ang bigat. Sobrang bigat dahil sinisisi ko ang sarili ko kung bakit hindi maranas-ranasan nila lolo at lola ang magandang buhay. Naiinis ako sa sarili ko dahil kahit anong kayod ko ay hindi ko maibigay sa kanila ang bagay na iyon. Naiinis ako kahit hindi naman dapat. "S-Si itay po ba?" Tanong ko. Meroon'g trabaho si itay. Sigurado naman ako na kahit papaano ay malaking tulong na ang maliit niyang sahod. Malaking tulong na ito para maibsan itong tinik na naka baon sa dibdib ko. "W-Wala pa. Hindi pa sila pinaswe-sweldo ng kompanya nila at sa tingin ko ay malabo rin na sumapat iyon kasi andaming babayaran atsaka nakalaan na iyon para sa tuition fee ng mga kapatid mo." Pagkarinig ko roon ay doon na ako tuluyang nanghina. Hindi ko na alam kung ano'ng gagawin ko... "Anak kailangan ng tulong nila lola mo..." "Susubukan ko po ma." Hindi ko na kinaya ang pagod at prutrasyon. Napaupo na lang alo at nanghihinang napatitig sa kawalan. Diyos ko. Sa dami ng mga tao sa mundo, wala naman'g ginawang masama ang pamilya ko pero bakit kami ang pinaparusahan ng ganito?! Napasabunot ako sa akin'g buhok. Ginagawa ko naman ang lahat para magkaroon kami ng magandang buhay. Nagtrabaho ako, doble-doble ang trabahong pinapasukan ko at halos kawawain ko na ang katawan ko para kumita lang ng malaking pera pero... Hindi pa rin sapat? Gusto kong umiyak pero hindi, nasa trabaho pa ako ngayon. Mas kailangan ko ng income ngayon lalo na at walang-wala kami. Siguro ay manghihiram na lang ako ng pera sa boss namin tapos babayaran ko na lang sa sweldo. Hindi kaya ay hahanap ako ng panibagong part-time. Gamit ang akin'g kamao ay pinunas ko ang luha na malapit ng tumulo mula sa mga mata ko. Kinuha ko ang basahan atsaka aki nagpatuloy sa paglilinis nitong shelf. Nasa kalagitnaan ako ng pagtra-trabaho at pag-iisip kung paano mapapagkasya ang kita ko ng mahagip ko sa akin'g paningin ang calling card na naka-ipit sa kulay pulang libro. Napatigil ako at napatitig dito. Maraming calling card si madam pero bakit naka ipit ang isang ito sa paborito niyang libro? Binana ko ang basahan. Dadamputin ko na sana ito pero nag-alala ako na baka may ibang tao kaya napatingin-tingin muna ako sa paligid. Walang tao. Ako lang yata ang naglilinis dito ngayon. Nakagat ko ang akin'g pang-ibabang labi. Bago ko dahan-dahang kinuha sa libro ang naka silip na calling card. Nang maalis ko na ito sa libro ay atsaka ko ito binasa. Nanlaki ang mga mata ko ng makita kung ano ang nakasulat rito. Wanted baby maker M-May ganitong klaseng trabaho pala? Paulit-ulit kong binasa ang mga salita pero ito talaga ang naka sulat. "For more information contact Mr.Eve Hidalgo." Sa ibaba niyon ay nakalagay ang numero ng isang landline at numero ng isang telepono. Nakakatuwang tignan ang card na ito dahil para itong galing sa mga prank na napapanood ko sa mga videos sa Feedbook pero... Hindi nagtatabi ng ganitong klaseng kalokohan si madam. Lahat ng tinatago niya rito sa opisina niya ay seryoso at importante. Naka-ipit din ito sa paborito niyang libro kaya sigurado ako na seryosong bagay ang card na ito. Binunot ko ang cellphone na nasa akin'g bulsa atsaka ko tinipa ang numero rito. Kahit naman na prank ito ay wala naman'g mangyayaring masama kung susubukan ko na tawagan sila. This is just a card. Walang seryoso sa bagay na ito. Nang magkaroon ako ng sapat na lakas ng loob upang resolbahin ang pagka-curious ko sa card ay doon ko pa lang pinindot ang call button. Kagat ko ang pang-ibaba kong labi at namamawis ang akin'g mga kamay. Hindi maipaliwanag na kaba ang nararamdaman ko habang hinihintay ko na meroon'g sumagot mula sa kabilang linya. Isa, dalawa hanggang tatlo. Akala ko ay aabot pa sa pang apat ang pag ring ng cellphone, natigilan na lang ako ng bigla itong tumigil at umalingawngaw ang baritonong boses ng isang lalaki. "Hello..."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

In Bed with The Governor-SPG

read
243.0K
bc

My Evil Stepbrother Is My Ex

read
68.8K
bc

Rain Alcantara :The Boss Thunder

read
8.4K
bc

The CEO’s Nerd Secretary

read
42.9K
bc

Bedroom Series 1: IKAPITONG LANGIT (Rated SPG/ R18+)

read
38.7K
bc

The Blind Billionaire (Las Palmas Series 2)

read
92.4K
bc

The Mayor's Secret Obsession (SPG)

read
48.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook