bc

Wedding Picture (Short Story)

book_age18+
20
FOLLOW
1K
READ
dark
brave
drama
tragedy
twisted
bxg
city
horror
weak to strong
wife
like
intro-logo
Blurb

Sa bawat litrato, may nakapaloob na kwento. Kwento na madalas ay misteryoso. Kwentong kasinungalingan ay katotohanan na sa mundong ito, hindi lahat ng bagay sa buhay natin ay pwedeng kuhanan ng litrato para maging ala-ala. Dahil mas mabuti pang maibaon 'yon sa hukay kaysa maging ala-ala sa kasalukuyan at hinaharap.

November 1, 2022

Short Story for Holloween

chap-preview
Free preview
One Shot Story
Title: Wedding Picture Holloween story by QuennieRoses Sa bawat litrato, may nakapaloob na kwento. Kwento na madalas ay misteryoso. Kwentong kasinungalingan ay katotohanan na sa mundong ito, hindi lahat ng bagay sa buhay natin ay pwedeng kuhanan ng litrato para maging ala-ala. Dahil mas mabuti pang maibaon 'yon sa hukay kaysa maging ala-ala sa kasalukuyan at hinaharap. * Sa bawat pagbubuntis ni May ay lagi siyang nakukunan. Pangatlong pagbubuntis na niya ito at ang akala niyang maipapanganak na niya ng buhay ay nagkamali na naman siya. Kabuwanan na ni May ngayong Oktubre at inaasahan niyang sa anumang araw ay maipapanganak na niya ang kaniyang ikatlong anak. Labis ang pagdadalamhati ni May sa isinilang niyang patay na sanggol. Maitim na ito at wala ng pulso nang mailabas niya ang sanggol. At nang makalabas siya sa hospital ay isinagawa na rin ang pagpapalibing sa anak niya. Bilang ina ay napakasakit para kay May na mamatayan ng supling nang paulit-ulit. "Ano bang kasalanan ko, Julio?" "Bakit ba nangyayari sa 'tin ito?" Magkasunod at umiiyak niyang tanong sa kaniyang asawa. Nasa harapan sila ng puntod ng tatlo nilang anak na nakalibing. Ang kanilang huling anak ay kalilibing pa lamang kanina. Sobra ang paghihinagpis ni May at Julio sa kanilang bunso dahil ito lamang ang umabot ng siyam na buwan. At labis ang kanilang panghihinayang nang hindi manlang nila nakarga ng buhay ang kanilang anak. "Sa tingin ko, dapat na tayong magpatulong sa pari o paranormal expert." Nagulat si May sa isinagot ng kaniyang asawa. Kinilabutan siya kaagad at nakaramdam ng takot. "B-Bakit?" Pinilit niyang magsalita ng deretso pero hindi niya nagawa dahil natakot na rin siya. Lumamig din ang hangin sa kanilang paligid at pareho nila itong naramdaman. "Alam kong may kinalaman ang batang palagi kong nakikita sa bahay natin. Iyong batang palaging nanunuod sa 'yo—" "Tumigil ka nga, Julio! Ano bang batang pinagsasabi mo?!" Labis na nagulat si Julio sa biglaang pagbabago ni May at ngayon lamang siya nito pinagtaasan ng boses. "Panahon na, May para humingi na tayo ng tulong. Hindi normal na bata ang nakikita ko sa bahay natin. Multo 'yon!" "Walang multo sa bahay natin! At kung meron man, anak lang natin 'yon!" "Hindi, May! Sa sampung taon nating nagsasama, ngayon ko lang napagtagpi-tagpi lahat ng napapansin ko sa 'yo at sa batang nakikita ko." Namutla si May sa isiniwalat ni Julio. Natuliro siya at hindi malaman ang gagawin. Natatakot sa susunod na sasabihin ng kaniyang asawa. "Ginawa ko lahat para intindihin ka. Pinili kong magbulag-bulagan para maging maligaya ka. Ninais kong mamatayan ng sariling anak dahil mahal na mahal kita, May. Pero sobra ka na! Hindi ka na matino! Hindi na 'to tama!" Silang dalawa lamang ang nasa sementeryo at umagang-umaga nang sumabog na sa galit si Julio. Tila may mabigat siyang dinadala at ngayon lamang niya nasabi. "A-Ano bang sinasabi mo, Julio?" Natatakot niyang tanong. "Tama na ang pagkukunwari, May! Alam kong alam mo, ang sinasabi ko!" Umiiyak si Julio sa harapan ni May dahil sa labis nitong nararamdaman. Umiling si May kay Julio at sinubukan nitong pawiin ang luha nito sa pisngi pero malakas na tinabig ni Julio ang kamay ni May na mas ikinagulat niya. "T-Tama na, May... sobrang sakit na. Sobrang hirap mo namang mahalin!" "B-Bakit... bakit kailangan mong p-pumatay?" Nanghihinang tanong ni Julio. "B-Bakit kailangan mong patayin ang sarili nating anak?!" "H-Hindi kita maintindihan..." mahinang boses ni May at sunod-sunod itong napalunok nang nanlilisik na ang mga mata ni Julio habang nakatitig sa kaniya. Mas lalo siyang binalot ng takot. "Hindi mo maintindihan? Ipapaalala ko sa 'yo." - Galing sa trabaho si Julio nang madatnan niya si May na tila pinapagalitan ang nilalaman na sanggol sa tiyan niya. "Hindi ka dapat mabuhay!" Sigaw nito. Dahil sa narinig ay agad na pumasok si Julio at naging maamo agad ang mukha ng asawa niya. Noong una ay hindi niya muna ito binigyan ng pansin at baka nakukuha lamang ni May ang mga salitang 'yon sa napapanuod niya sa TV. Nang sumunod pa ay nadatnan niya si May na dinudugo sa sala at nang balak niyang lapitan para sana dalhin sa hospital ang asawa ay malakas namang tumatawa si May na para bang natutuwa sa nangyayari kahit na nasasaktan na ito, kaya napahinto na lamang siya sa gulat. Muli, hindi binigyan ni Julio ng pansin at nilapitan pa rin ang asawa niya para isugod sa pinakamalapit na hospital. Doon ay umiiyak na ang kaniyang asawa sa pagkawala ng kanilang anak na malayong-malayo sa nadatnan kanina ni Julio. Nagsimula no'n ay nagkaroon na rin ng kakaibang pakiramdam si Julio sa kanilang bahay. Nakakaramdam siya ng presensya ng hindi tao kundi kaluluwa. At nang mabuntis uli si May ay nakita mismo ng dalawang mga mata ni Julio na may batang nagbabantay sa tiyan nito. Napaiyak na lamang siya nang ma-realize niyang iyon ang kanilang panganay. Sa itsura ng bata ay nais niyang tulungan ang sanggol na nasa loob, ang kaniyang kapatid. Lahat ng vitamins na reseta ng Doctor ay nalaman ni Julio na tinatapon lang ni May at kahit minsan ay hindi siya uminom. Ginugutom niya rin ang sarili niya tuwing wala si Julio. Sinasaktan niya rin ang kaniyang tiyan at madalas niya itong pagalitan. Lahat ng 'yon ay iisa ang dahilan kung bakit ginagawa 'yon ni May. "Mahal kita pero bakit ayaw mo 'kong maging masaya? Lahat ng kailangan mo, lahat ng gusto mo ibinibigay ko. Pero bakit kailangan mong humantong sa puntong papatayin mo na ang anak ko?" Puno ng pagsisisi sa boses ni Julio. Puno rin ng galit at poot ang nararamdaman niya para kay May. "D-Dahil—" "Dahil mahal mo 'ko? Mahal mo 'ko o sarili mo lang ang iniisip mo?" "Narinig kita bago maipanganak ng patay ang ikatlong anak natin, ang sabi mo, ayaw mong magkaroon ng anak dahil responsibilidad 'yon. Ayaw mo ng responsibilidad at gusto mo 'kong masolo at gusto mo, masolo lahat ng pera ko at wala kang kahati. Mas gusto mo ring habang-buhay na maging dalaga ang katawan at hindi maging ina." Namilog ang mga mata ni May sa mga narinig. Labis siyang nagulat sa narinig. Ni hindi siya makapagsalita. "Ano? Hindi ka makapagsalita?" "Totoo lahat 'di ba?" Sarkastikong akusa ni Julio. Tila nawalan ng boses si May at sa huli ay lumuhod siya sa harapan ni Julio. "I-Ikaw lang ang gusto ko, Julio. Nagawa ko lang 'yon dahil ayokong may ibang aagaw sa atensyon mo—" Malakas siyang sinampal ni Julio kaya nahinto siya sa pagsasalita. "Hindi na kita kilala, May. Hindi ikaw 'yong babaeng pinakasalan ko at pinangakuan akong bubuo kami ng pamilya. Hindi ikaw 'yon!" "Julio!" "Maghiwalay na tayo. At mula sa araw na 'to, matitikman mo ang paghihiganti ng mga batang pinatay mo!" Biglang dumilim ang paligid at malakas na tumatawa si Julio. Si May ay takot na takot at yakap-yakap ang sarili. Hanggang sa gumalaw ang lupang kinalilibingan ng tatlong sanggol. Sa sobrang takot ni May ay nagsisisigaw siya lalo na nang may lumabas na kamay sa lupa. Kamay ng tatlong batang pinatay niya. Patuloy pa rin si Julio sa pagtawa kay May na tila ba nawala na ito sa sarili. Ang tatlong batang lumabas sa lupa ay umiiyak at tinatawag siyang Mama. "H-Hindi! Lumayo kayo sa 'kin!" Sigaw ni May sa mga ito at patuloy lang si Julio sa pagtawa sa kaniyang asawa. "Gusto ka lang nilang makasama, May. Sumama ka na sa kanila." "A-Ayoko!" Hinila si May ng tatlong bata pailalim sa hukay. "A-Ayoko!" "J-Julio, tulungan mo 'ko!" - Makalipas ang sampung taon ay muling bumalik si Julio sa puntod ng kaniyang mahal na asawa kasama ang tatlo nilang anak. "Sayang po, Daddy maagang kinuha ni Papa Jesus si Mommy." "Desisyon 'yon ng Mommy ni'yo. At huwag niyo nang isipin 'yon, ang mahalaga... buhay kayo at kasama ko kayo," nakangiti at makahulugang sabi ni Julio sa mga bata. Matapos ang ilang minuto sa sementeryo ay pinauna na ni Julio ang tatlong bata sa sasakyan habang siya ay naiwan pa sa puntod ng yumao niyang asawa. "Kung naging mabuti ka sanang asawa, at sa akin lang ang buong atensyon mo... edi sana, wala ka diyan. Salamat nga pala dahil naging magara na ang buhay namin ng mga bata dahil sa yaman mo... mas lalo na 'ko. At mabuti na lang, naayos ko agad ang papeles para ilipat sa pangalan ko lahat ng ari-arian mo. Ayaw ko ng kahati, May sa pagmamahal mo pero mahal ko rin ang sarili kong mga anak kaya ikaw na lang ang inalis ko sa litrato." - Kaya tinatapon ni May ang mga gamot, dahil alam niyang hindi 'yon makakabuti sa anak niya. Madalas din siyang iwan ni Julio at iniiwan na gutom na gutom. Si May ay palaging nanlilimos sa atensyon ni Julio dahil palagi itong wala sa bahay. Kaya pala palaging wala ay para maasikaso ni Julio ang paglilipat sa mga ari-arian ni May sa pangalan niya. At sa bawat batang ipinapanganak ni May ay itinatago ni Julio at pinapalabas na patay na ito para na rin masama sa yaman na makukuha niya ang parte ng mga bata at ginagamit 'yon ni Julio na panakot sa sarili niyang asawa ang pagkawala ng mga bata. Gumawa rin siya ng kwento na sinasaktan ni May ang sarili kahit si Julio ang gumagawa no'n sa sarili niyang asawa. At nang manghina na si May dahil sa labis na gutom at pangbubugbog ni Julio ay nakaisip ito ng paraan. Lihim siyang kumilos para hindi matupad ni Julio ang balak nito. Sampung porsyento lang ang nakuha ni Julio at ang akala niya ay iyon na ang buong yaman ni May. Lingid sa kaniyang kaalaman na sa likod ng kanilang wedding picture na ipinabaon niya sa libing ni May ay naroon ang lahat ng mahahalagang papeles na nagkakahalaga ng nobenta y porsyentong yaman at may kasulatan at ang nakasaad na kailanman ay hindi papayag si May na mapunta kay Julio kung sakali mang mahanap niya ang lihim na yaman. At naroon din ang liham at mga litrato ng mga ebidensya ng pananakit at pang-aabuso ni Julio sa kaniyang asawa. Nang makasakay si Julio sa sasakyan ay nagulat siya nang wala na ang mga anak niya at bigla na lang sumabog ng malakas ang sasakyan niya habang siya ay nasa loob. Gumagapang si Julio at nag-aagaw buhay. Tila himala na nakalabas siya sa pagsabog. Nakita niya sa kaniyang harapan ang tatlong anak at humihingi siya ng tulong ngunit hindi manlang siya tinulungan. Wala ring awa sa mga mata nito habang nakatitig sa kaniya. "Sorry, Dad and thank you. Salamat dahil bumalik tayo rito at nakasama na namin si Mommy." Labis na nagulat si Julio nang makita si May na buhay na buhay at nakangiti pa sa kaniya. "P-Paano?" Hirap at gulantang niyang tanong. "Surprise?" Nakangiting tanong ni May. Hindi kaagad nakasagot si Julio dahil gulat na gulat pa rin siya sa nakikita. Para sa kaniya ay isang panaginip lamang at masamang bangungot ang mga nangyayari at nakikita niya ngayon. "Ang hirap mo kasing mahalin, Julio. Kaya siguro mahirap dahil hindi mo deserve mahalin." "At mabuti na lang ipinabaon mo ang wedding picture natin sa libing ko." At doon ay ipinakita ni May lahat ng natitirang yaman. Kahit naghahabol na ng hininga si Julio ay nais pa rin niyang makuha ang mga papeles. Hindi siya nagtagumpay kahit manlang mahaplos ang mga papeles at sa huli ay nalagutan na siya ng hininga. "Don't worry, ipapabaon ko rin sa 'yo itong wedding picture natin dahil kasama mo itong masusunog." Iniwan nila si Julio nang walang buhay kasama ang wedding picture at muli pang sumabog ang sasakyan at kasamang nasunog ang litrato na siyang ala-ala na minsang nakagawa si May ng malaking pagkakamali sa kaniyang buhay. Labis niyang minahal ang lalaking sumira sa buhay niya at pagkatao. Pinagkatiwalaan at paulit-ulit na pinatawad. Pero sa kabila ng lahat ng ginawa niya, yaman lang talaga ang minahal ni Julio sa kaniya at ni kahit minsan, hindi siya minahal kahit kaonti. At kung kailan malapit na siyang mamatay, doon pa lamang siya nagising sa katotohanan. Katotohanan na pagkakamaling minahal niya si Julio at pinakasalan. Kahit patay na si Julio ay nakamit pa rin ni May ang hustisyang para sa kaniya at para sa mga anak niya. At mas nabuhay silang mag-iina ng tahimik at masaya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.5K
bc

His Obsession

read
104.4K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.6K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook