Chapter 4 | JelLee

617 Words
[Continuation to Julia's POV] Matapos kong dumaan sa office ay pumunta na ako sa aking department. Nagulat naman ako dahil pagpasok ko ay naroon si Noli, naka-ID at nakangiti sakin. "N...Noli? Anongㅡ" putol-putol kong sabi dahil naguguluhan ako. "Dito na ako magtatrabaho kasama ka Bes!" excited niyang sabi. "So, tanggap ka na?" tanong ko at nakangiti siyang tumango at sabay naman kaming tumili saka nagyakapan. "Bes! Hindi ko alam, kelan ka lang natanggap?!" tanong ko. "Kanina lang pagka-hatid ko sayo dito! Tinawagan ako ni CEO Nelson Ruby, Also known as your Dad yeeeess! then sabi niya hired na raw ako at pwede na ako mag start tode-hey!" masaya nitong sambit. "Oh my gosh bes I'm so happy! hahahaha!" ani ko at nagyakapan ulit kami. Si Daddy talaga, lagi nalang pabor sakin. Alam niya kasi na matalik kaming magkaibigan ni Noli hahaha! I love you Dad. [Billy's POV] Uwian na namin ngayon at tinawag ko na si Lee na nagaayos ng gamit niya. "Tara na Bro." sabi ko. "Ah, sige wait lang ayusin ko lang ang gamit ko tapos go na tayo haha! Teka, natawagan mo na ba si Uncle Hideo?" tanong niya. "Ah, oo kanina pa nung nag-dismiss ang Professor natin." nakangiti kong sagot at ngumiti siya. Lumabas naman ako ng aming classroom at tumingin sa view sa aming school field. Wow, ang sarap damhin ng hangin, malamig at medyo makulimlim. Sana umulan para kahit papano mapawi ang init. Naaalala ko naman ang nangyari kanina sa Caféteria. Grabe, bilib talaga ako sa pinsan kong si Lee. Napaka tapang niya. Biruin mo, isa laban sa dalawa tapos nagawa niya pang patakbuhin sa takot yung mga bully kanina? kung hindi rin dahil sakanya baka nasa ospital na ako ngayon mabuti nalang alerto siya at ibinigay niya saakin ang inhaler ko at mabilis niyang naibigay saakin ang aking gamot. Bigla namang may babaeng tumatakbo sa corridors namin at napagtanto kong kaklase ko siya at pumasok siya sa classroom namin na tila may hinahanap kaya pumasok din ako kaso pero sa pintuan lang. "Excuse me classmates, may nakita ba kayong kulay pink na handkerchief dito sa upuan ko or dito sa loob ng room natin?" tanong niya. "May nakita ako kanina dito wait lang." sabi ni Lee at kinuha sa bulsa niya ang isang pink na panyo. "Ito ba?" tanong ni Lee at iniabot niya sa classmate namin. "Hey, that's mine! Ito nga hahaha! Maraming salamat ha?" masayang sabi nung classmate namin. I believe her name is Jelly Kim? "Ako pala ulit si Jelly Kim." pakilala nito. "Ako naman si Lee Ruby at siya ang pinsan kong si Billy Ruby." ani ni Lee at tumingin saakin si Jelly tapos nakangiti akong nag-Hi sakanya kaya kumaway din siya pabalik saakin ng nakangiti. She's kinda cute. Chinita at medyo chubby ang cheeks, bubbly personality and so on. I like her haha! "Oh paano, sabay-sabay na tayo lumabas dito sa school." aya ni Jelly at sumangayon kami ni Lee kaya sabay kaming tatlo bumaba at nang makababa na kami sa 1st floor dumiretso na kami sa labas ng gate tapos naroon na si Tito Hideo na nagaabang samin. Sakto namang biglang bumuhos ang ulan. "Ahh! Umuulan!" ani ni Jelly at ipinandong ang bag niya sa kanyang ulo. "Halika sabay ka na samin, para makauwi ka ng hindi nababasa." sabi ni Lee kay Jelly. "Pero hindi ba nakakahiya? Makikisakay ako sa van ng mga heiresses ng Ruby Family?" sagot ni Jelly. "Hindi yan tara na!" natatawang sabi ni Lee at hinila niya na si Jelly papasok sa Van. Doon sila sumakay sa upuan sa likod ni Tito Hideo at ako naman ay umupo sa harapan sa tabi ng driver's seat. [To be Continued...]
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD