Chapter 5 | Huli ka Billy

765 Words
[Writer's POV] "Hay nako Lee, unang pasukan palang pinaandar mo na agad ang pagiging chickboy mo hahaha!" asar ni Hideo sa apo. "Uncle, tantanan mo ah classmate ko lang si Jelly atsaka friends na kami. Right, Billy?" ani ni Lee at nakangiting tumango naman si Billy tapos umiling. "Weh, naghanap pa ng kakampi." dagdag pang asar ni Hideo at sinuntok naman siya ni Lee ng pabiro sa braso niya. "Haha! Totoo po iyon, friends lang kaming tatlo dahil magkaka-klase po kami." masayang ani ni Jelly. "Okay, okay naniniwala na ako haha! Pero taga saan ka ba hija?" tanong ni Hideo. "Ah, sa Rainbow Village lang po ako." sabi ni Jelly. "350 Pesos lang po Ma'am." pabirong sabi ni Hideo at natawa naman sina Billy at Lee. "I'm sorry?" tanong ni Jelly at natawa pa si Hideo. "Biro lang ano ka ba hahaha!" ani ni Hideo. "Pero seryoso magbabayad po talaga ako if ever." nakangiting ani ni Jelly. "Wag na po Ma'am libre na lang para sayo dahil kasundo mo naman ang mga apㅡpamangkin ko hahaha diba? diba?" nahihiyang sabi ni Hideo at sarkastiko namang tumango sina Billy at Lee. Kinalaunan ay nakarating na sila sa Rainbow Village at nasa tapat na sila ng bahay ni Jelly. Bumaba naman si Hideo ng nakapayong at binuksan ang pinto ng van sa gilid ni Jelly tapos pinayungan niya ang dalagita para makapag-doorbell sa kanilang gate. Binuksan naman ni Hideo ang pinto sa gilid niya para makita niya si Jelly habang nagdo-doorbell ito. Kinalaunan ay binuksan na ng kasambahay nila Jelly ang gate at bago pumasok si Jelly ng tuluyan ay nilingon niya ang Van nina Lee. "Salamat Lee! Pasok kayo ni Billy bukas ha? hahaha!" nakangiting sabi ni Jelly. "Oo naman! Bye!" paalam ni Lee at tumingin si Jelly kay Hideo. "Salamat po sa paghatid saakin." ani ni Jelly at kinindatan lang siya ni Hideo tapos napatingin naman siya sa harapang upuan ng kotse at nakita niya roon si Billy na nakatingin sakanya. Ngumiti silang dalawa sa isa't isa at tuluyan nang pumasok ang dalaga sa kanilang bahay. [Lee's POV] Pagpasok ni Jelly sa bahay nila ay bumalik na dito sa loob ng van si Uncle at bumyahe na kami diretso pauwi. "Billy dito ka na sa tabi ko haha!" sabi ko at lumipat siya sa inupuan ni Jelly kanina. "Mukhang namumula ang pisngi mo Bro ah, anong meron?" tanong ni Billy. Nako, nahahalata niya na kaya? Inilapit ko ang bibig ko sa tainga niya at bumulong. "I like her Billy." bulong ko at nagulat naman ang naging mukha ni Billy. "Really?" bulong niyang tanong at nakangiti akong tumango. "Wow, haha I'm so happy for you." sabi niya. "Talaga? eh parang hindi iyon ang nakikita ko sa mukha mo Bro." ani ko. "Ah hindi, medyo masakit lang ang ulo ko kaya ganito." sabi niya. "Hah? Gusto mo ng gamot? mayroon ako dito para sa sakit ng ulo." sabi ko pero tumanggi siya. "Ah no Thanks bro, kaya ko naman i-handle ang sakit eh." sabi niya. "Sure ka ha? Sa bagay, pauwi narin naman tayo kaya makakapag pahinga ka na." sabi ko at nakangiti siyang tumango. 8am hanggang 4pm kasi kami sa school. Tuwing Monday, Tuesday at Thursday. Pero 10am to 2pm lang kami sa school pag Friday dahil Physical Education lang naman. [Billy's POV] May gusto nga talaga si Lee kay Jelly. Sabi ko masakit ang ulo ko pero hindi naman talaga, nahalata yata ni Lee sa mukha ko. Kinalaunan ay nakauwi na kami at dumiretso na kami ni Lee sa aming mga sariling kwarto para magpahinga. I removed my shoes, slocks at uniform pantaas. Inilagay ko rin ang school bag ko sa upuan sa aking study table. Humiga ako sa aking kama atsaka pumikit tapos huminga ng malalim. "Paano kaya ito? pareho kaming may gusto ng pinsan kong si Lee kay Jelly." bulong ko sa aking sarili. Bigla namang nag-ring ang aking phone. Si Papa tumatawag...Sinagot ko iyon. "Hello Dad?" ani ko. "Hello anak? kumusta ka na? masaya ba ang unang araw mo sa kolehiyo?" tanong ni papa. "Opo at mas lalo pa akong sumaya nung tumawag kayo hahaha!" natutuwa kong sagot. "Nako anak, mag aaral ka ng mabuti para di ka tapakan ng mga tao pag lumaki-laki ka pa ng kaunti." sabi ni Daddy. "Daddy bakit kung mag salita ka parang aalis ka?" tanong ko. "Haha! Hindi anak, ang akin langㅡ" hindi ko na narinig ang sinasabi ni Daddy sa phone dahil may humablot ng phone ko at pagtingin ko sa likod ay nakita kong nakatingin saakin si Lola. [To be Continued...]
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD