[Julia's POV]
"Lola tamana po! Please!" awat pa ng anak ko habang nakaharang siya sa harap ni Mommy. "Umalis ka diyan Billy, kaylangan malaman ng Mama mo kung anong ginawa niya!" galit na sabi ni Mommy. "Mommy please makinig muna kayo sakin, wala talaga akong alam diyan! Oo nasa ilalim siya ng unan ko pero i swear Mom, hindi ko talaga alam kung paano siya napunta diyan! Bumabawi nga ako sayo mom diba? So bakit ako gagawa ng isang bagay na mas ikakagalit mo pa sakin?" paliwanag ko. "Ate, Tama si Julia. Nakita mo naman yung mga efforts niya sayo diba?" sabi ni Hideo. "Vaness, pag-usapan natin ito ng maayos hindi yung nananakit ka." dagdag pa ni Daddy.
"Hindi, Lumayas ka dito Julia! Lumayas ka dito hanggat hindi pa kita napapatawad! Anak kita Julia bakit mo ako kaylangan pagnakawan! Pinagdadamutan ka ba namin ng Daddy mo sa Financial Needs? sa material needs? sa pagiging supportive?" sigaw ni Mommy. "Hindi nga ako ang nagnakaw niyan Mom, maniwala naman kayo sakin!" pagmamakaawa ko. "Ate, kaylangan ba talagang umabot sa pagpapalayas kay Julia?" nagaalalang tanong ni Sarah. "Julia aminin mo nalang kasi na ninakaw mo para matapos na ito. Baka mamaya isugod pa si Mommy sa ospital sa pagiging High blood dahil sayo." sabi ni Nina. "Nina hindi ako ang gumawa niyon, ilang beses ko ba kaylangan sabihin? Mag-usap tayo ng seryoso hindi yung ganito. Ipapaliwanag ko sainyo." sagot ko. "Kung hindi ikaw ang nagnakaw, ano pa ang ipapaliwanag mo?" tanong ni Nina. "Bakit mo ako dinidiin Nina? Si Nina Mom? Bakit hindi niyo sa tanungin about sa ruby necklace niyo?!" sabi ko. "Wala kaming nahanap sa mga gamit ni Nina kaya wala siyang dapat ipaliwanag!" sagot ni Mommy. "Lumayas ka dito Julia, Lumayas ka dito! I REALLY HATE YOU DAUGHTER!" Sigaw ni Mommy saakin.
"Dapat lang na palayasin mo sila Lola dahil nagsisimula narin mawala ang mga gamit ko tapos bigla ko nalang makikita iyon na hawak ni Billy." biglang sambit ni Lee. "Hindi totoo 'yan Lee! Hindi magagawa ni Billy yang sinasabi mo!" saway ko kay Lee. "Eh kung ikaw nga na nanay nagawa mong magnakawㅡyung anak mo pa kaya na manang-mana sayo?" sabat ni Nina. Sina Trevor, Hideo at Daddy naman ay nakahawak nalang sa ulo at nakayuko. "Lee, pwede ba? 'Wag ka ngang magsinungaling! Hindi totoo 'yan!" sagot ng anak ko. "Tamana! Umalis ka na Julia para wala nang gulo!" sigaw ni Mommy sakin. "Mom please..." naluluha ko pang sabi. "Lumayas ka." agad na sagot ni Mommy. "Kung aalis si Mommy, Sasama ako sakanya!" sabat naman ng anak ko. "Anak, hindi pwede. May butas ka sa puso at asthma. Paano kung atakihin ka?" sabi ko. "Hindi ma, sasama ako sayo." desedidong sagot ni Billy.
Ayokong may mangyaring masama sa anak ko dahil saakin ulit. "Apo...Vaness naman 'wag mo namang palayasin ang anak natin! Nadadamay pa si Billy eh!" inis na sabi ni Daddy. "Sige, Billy. Sasama ka sa Mama mo? sumama ka." mariing sabi ni Mommy. Hinarang ko naman ang braso ko sa harap ni Billy. "Hindi Mom, ako nalang ang aalisㅡ" naputol ang sasabihin ko ng magsalita si Billy. "Mama tumigil ka na! Sasama ako sayo at buo na ang desisyon ko!" sagot ni Billy. "Billy, anak..." mahina kong sabi.
___________
[Nelson's POV]
Nakahawak nalang ako sa aking noo at nakayuko. Ano banaman itong pamilya na ito. Puro nalang problema, puro nalang hidwaan. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Naging masama ba akong Tatay? Kapatid? Lolo? Araw-araw nalang ganito. Stress sa kumpanya, kaunti nalang ang sales namin sa mga mall. Problema pa sa pamilya. Ayoko na! Agad akong naglakad ng mabilis palabas ng kwarto ni Julia sa sakit ng ulong nararamdaman. Hindi ko na kaya! Lahat ng dito may namumuong sama ng loob at hidwaan! "Nelson! Honey! Saan ka pupunta?" tawag saakin ng asawa ko pero hindi ko siya nilingon.
Lumabas ako ng mansyon at village namin at nag-taxi ako papunta sa isang lugar. Habang bumabyahe sa loob ng taxi, wala akong nararamdaman at tila manhid ang buong katawan ko. Gusto ko na magpahinga, gusto ko na matapos ang lahat ng ito saakin. Ayoko nang mabuhay pa.
__________
[Writer's POV]
Umalis na sila Nina, Vaness, Lee, Hideo at Trevor sa kwarto ni Julia. "Julia, kailangan mo ba talagang umalis?" tanong ni Sarah. "Kung iyon ang gusto ni Mommy, Tita Sarah. Gagawin ko." sagot ni Julia. "Julia, Billy pasensya na ha? Wala rin akong magawaㅡeh hindi naman saakin ang mansyong ito. Kaya wala akong karapatan na magpatira o magpalayas ng kung sino dito." mahinang sabi ni Sarah na parang nagi-guilty. Hinawakan naman siya ni Julia sa kamay at tiningnan sa mga mata. "Tita, wala kang kasalanan ha? 'Wag mo na kaming isipin ng anak ko." sabi ni Julia. "Pero saan kayo pupunta ni Billy?" tanong ni Sarah. "Hindi ko pa sigurado Tita, kay Franco o kay Noli or baka mangupahan nalang muna kami ni Billy sa isang condo or apartment complex." sagot ni Julia. "Tawagan mo ako Julia. Mag-iingat kayo ng apo ko." sabi ni Sarah at nagyakapan sila ni Julia pati ni Billy.
[To be Continued...]