[Continuation to Writer's POV]
"Doon ka muna sa bahay Billy, magpatuyo ka ng damit mo." sabi ni Jelly. "Hindi na Jelly, nakakahiya naman sa mga parents mo." sagot naman ni Billy habang pinipiga ang uniform niya. "Hindi pwede Billy, pwede kang magkasakit pag natuyuan ka. Malamig panaman ngayon at parang uulan." sabi pa ni Jelly habang pinupunasan ng panyo ang mukha niya at inaalis ni Rina ang mga lupa-lupa sa uniform niya. Si Andrew naman ay tinutulungan si Billy na pigain ang bawat section ng uniform niya. "Grabe para kayong binagyo." sabi ni Rina. "Napaka sama talaga ng pinsan mo Billy. Hindi ko alam paano mo naging pinsan ang impaktong iyon. Yung ikina-gwapo ng mukha at katawan niya siya namang ikinapangit ng ugali niya!" inis na sabi ni Andrew. "Isa pa yan si Navee eh, napaka war freak. Pinagtatanggol pa si Lee
eh pareho naman silang mali." sagot ni Rina.
"Tara na dumiretso na muna kayo sa bahay para makapagpatuyo ka Billy at makapag-miryenda na tayo." aya ni Jelly at lumabas na sila ng University.
[Vaness' POV]
Gabi na at pagod kami ni Nelson sa Kumpanya dahil marami kaming inasikaso kanina sa Ruby Cosmetics. Ngayong gabi ay naka-upo siya sa kama namin at ako naman naglalagay ng mga skin care na produkto ng aming kumpanya. It's my night routine kahit na 56 years old na ako. "Tignan mo Honey, ang galing pala ng Royal Dairy Corporation. Sila pala ang nagpabagsak sa Pelia Foods. Literal na pinabagsak. Ang Owner daw ng Company ng Pelia ay namatay sa pagtakas sa korte si Kelvin Jang, yung Asawa naman niya na si Levie Jang ay napasok sa mental dahil namatay ang asawa at nakulong ang anak niyang si Luis Jang. Kawawa naman." sabi ni Nelson. "Ah iyan ba? Honey, ang nakakaawa lang sa mga taong masama ay yung pag-iisip nila at hindi sila." sagot ko habang pinapahid ang pink ruby cream sa aking jaws.
"Ralph Vendetta and Rosette Suzy Baek, the Owners of Royal Dairy Corporation has defeated the Pelia Empire a year ago. They said that the Pelia Foods has its various proven controversies against them. The Date of the Pelia's Destruction is October 15, 2023. Oh! 1 Year na nga dahil November 5, 2024 ngayon." ani ni Nelson. "Honey, tigilan mo na nga ang pagbabasa ng legit article nayan. Ayokong nakakarinig ng mga ganyan lalo na't may kumpanya rin tayo." sabi ko at in-exit niya na ang article sa laptop niya tapos pinatay na iyon.
"Hindi ka pa ba tapos diyan Honey? Matulog na tayo." aya niya saakin. "Wait, patapos na haha!" natutuwa kong sabi. "Nasaan yung kwintas na binigay ko sayo? patingin nga, gusto kitang makitang suot mo iyon." nakangiting sabi ni Nelson. "Bakit eh matutulog na tayo?" tanong ko at ngumiti siya saakin tapos binuksan niya yung drawer sa side table namin at kinuha niya yung white box kung saan nakalagay ang Ruby Necklace ko. "UhㅡSinuot mo ba iyon Honey?" tanong niya. "Hindi, bakit?" tanong ko pabalik at ipinakita niya saakin ang loob ng box. Nagulat at napatayo ako ng makita kong wala ang kwintas ko sa loob ng box. Hinablot ko iyon sa kamay ni Nelson, inalis ang maliit na pulang unan kung saan nakalapag ang kwintas ko pero wala sa ilalim niyo ang kwintas!
Takot at galit ang naramdaman ko kaya lumabas ako ng kwarto at sinundan ako ni Nelson habang tinatawag ang pangalan ko. "Vanessa, Honey! Hanapin muna natin sa kwarto baka nailapag mo lang kung saan doon." sabi niya. "Honey walang ganon! Ako at ikaw lang ang nakakaalam kung saan nakalagay ang box na iyon kung saan nakalagay ang kwintas ko!" sigaw ko at naglabasan ang iba pang miyembro ng pamilya pati ang apat na maids tsaka ang dalawang private bodyguards namin. "Bakit sumisigaw ka ba ate?" tanong ni Sarah saakin. "Yung Ruby necklace ko nawawala! Kilala niyo ba kung sino ang kumuha?!" agresibo kong tanong. "Hindi ate, anong Ruby Necklace eh marami kang ruby necklace?" tanong pa ni Hideo. "The one that your brother gave to me, of course!" sagot ko at umiling si Hideo pati si Sarah.
"Julia! Nina! Trevor! kayo? Alam niyo ba kung nasaan ang ruby necklace ko?!" tanong ko pa at umiling si Trevor. "I don't know mom, calm down. Yung dugo niyo baka tumaas." sabi ni Nina. "How can i calm down eh isa ang bagay nayon sa pinakamahalaga sakin!" galit kong sambit. "Listen to me mom, there is only one way para mahanap mo ang necklace mo. Hanapin nating mabuti sa kwarto ng bawat isa sa pamilya pero unahin natin ang mga maids." sabi ni Nina at Hinanap namin ang kwintas ko sa kwarto at mga gamit ng maids pero wala kaming nakita sakanila. Sunod naming hinanapan ang kwarto nila Nina at Trevor pero wala rin kaming nahanap na kwintas ko doon. Ngayon naman ay nasa Kwarto na kami ni Julia at hinahanap rin namin ang kwintas ko.
[Nina's POV]
Sa wakas ay narito na kami sa kwarto ni Julia. Kahit alam ko kung saan nakalagay ang kwintas ni Mommy sa kwarto ni Julia ay hindi ako ang nag-hanap niyon dahil baka-makahalata sila na ako ang nakahanap at ako rin ang nagtago. Nako, galit na galit si Mommy hahahaha! Yung expression ko naman sa mukha ko ay pa-inosente lang para di halatang suspect. Magkasama naman kami ni Julia sa closet niya at doon kami naghahanap. Nakita ko naman sa peripheral vision ko na naroon na si Aunti Sarah sa mga unan ni Julia. In 3...2...1.
"UhmㅡJulia...Ate ito ba iyon?" tanong ni Sarah habang hawak ang ruby necklace ni Mommy. Nagkatinginan naman kami ni Julia sa isa't isa. Painosente nga lang ang ganda ko ngayon. "Yes, it is! Saan mo nahanap ito?" tanong ni Mommy kay Sarah at si Sarah naman ay dahan-dahan na tumingin sa ilalim ng unan ni Julia. Natatawa naman ako sa isip ko. Tumingin si Mommy ng masama kay Julia at ang mukha naman ni Julia ay unexplainable hahahahahaha! Lumapit si Mommy sa pwesto namin ni Julia habang hawak ang kwintas niya. "MㅡMommy, wala akong kinalaman diyan. Let me explain, hindi ko alam kung paano napunta iyan sa ilalim ng unan koㅡ" naputol ang sinasabi ni Julia ng sampalin siya ni Mommy ng malakas. Patuloy parin ako sa pag-acting at tinakpan ko ang bibig ko na kunwari nagulat ako. "Sinungaling ka Julia...Una na-ospital ang apo ko dahil sa kapabayaan mo. Sunod, sa kagustuhan mong makabawi saakin ay naglilinis ka at nababasag mo na ang mga gamit ko sa katangahan mo kumilos! Kaya yung pagbawi mo imbis na maging better ay mas nagiging worse gaga ka!" galit na sabi ni Mommy at sinabunutan niya si Julia. "Kailan pa kita tinuruan mag-nakaw ha?! Pati kwintas na bigay sakin ng Daddy mo pinagi-interesan mong babae ka!" dagdag pa ni Mommy habang sinasabunutan niya si Julia at si Julia naman ay umiiyak na.
"Vaness tamana yan!" awat ni Daddy.
"Ate, tamana na yan ano ba?!" dagdag pa ni Sarah.
"Mommy, wala talaga akong alam diyan please! makinig ka muna sakin!" umiiyak na sabi ni Julia.
"Paano ako makikinig sayo eh nagawa mo nga akong lokohin na hindi mo na dinadalaw ang asawa mo noon kahit dinadalaw mo parin ngayon!" sabi ni Mommy. "Mommy tamana yan." awat ko rin at tumakbo si Billy papunta saamin tapos inawat si Mommy sa pagkakasabunot sa nanay niya. "Tamana Lola! Tamana!" umiiyak na awat ni Billy kaya napaawat narin si Mommy.
[To be Continued...]