Chapter 24 | Couple Fight

1050 Words
[Billy's POV] Nagulat kami sa ginawa ni Lee saamin ni Jelly. Nananahimik kami ni Jelly dito kanina eh. Hay, yari ako kay mama ang dumi na ng uniform ko! "Bakit ba Lee?" tanong ko. "Wala lang, nabwisit lang kasi ako nung nakita ko kayong naghalikan sa pisngi." sagot niya. "Bakit inggit ka?" inis na tanong ni Andrew at inawat ko na siya agad dahil alam kong sasaktan niya si Lee. "Tamana Andrew." awat ko. "Eh sumosobra na ang lalakeng iyan eh!" inis pa niyang dagdag habang nakangiti si Lee ng sarkastiko. "Bakit Andrew? Lalabanan mo ako? Kaya mo ba ako?" tanong ni Lee at napatahimik naman si Andrew. "Hayaan mo na Andrew, ako na. Pinsan ko siya eh." bulong ko sakanya. "Lee, Please wag ka namang mag-eskandalo dito." mahinang sabi ni Jelly. "Bakit? nahihiya kayo? eh nung naghalikan kayo kanina hindi kayo nahiya? Sakin Jelly, hindi ka nahiya? Sabi ko na nga ba eh, kaya mo ako tinanggihan dahil hinihintay mo si Billy. Now tell me, kailan ka niya niligawan?" tanong ni Lee at tumakbo papunta sakanya sina Navee, Vince at Piper. Hindi naman kami nakasagot ni Jelly sa tanong niya. "Oh diba? hindi nanaman kayo makasagot ibig sabihin matagal na kayo." sagot ni Lee sa sarili niyang tanong. "Lee bakit ba big deal sayo kung magkaroon kami ng relasyon ni Billy? Eh siya ang gusto ko eh! Hindi mo hawak ang buhay ko kaya kahit sinong lalakeng maging nobyo ko diyan eh wala ka nang pake doon." inis na sagot ni Jelly. "Wala naman na talaga siyang pake sayo, kaya kung iniisip mo na ginawa ito ni Lee dahil bitter siya na kayo na ng pinsan niya ay nagkakamali ka diyan." sarkastikong sabat ni Navee. "Eh ikaw? Bakit kinukunsinti mo si Lee? Dahil mahal mo siya?" sarkastikong sambit ni Jelly. "Shut up! Mahal ko siya o hindi wala ka naring pakealam doon." sagot ni Navee. "Eh yung crush mo nga nangi-ngealam samin ni Billy eh!" sagot pa ni Jelly. "Dahil Bwisit kayong dalawa alam niyo ba? Ang kakapal ng mga mukha niyo! Lalo ka na Jelly, you rejected me just for this cheap looking guy? Itinapon mo lahat ng efforts ko na binigay sayo at pagmamahal na binigay ko sayo para lang sa lalakeng ito na wala namang ginawa ni isa para sayo!" galit na sabi ni Lee. Hindi na ako makapag-salita dahil hindi ako mahilig sa mga pagtatalo at pag-aaway na ganito! [Writer's POV] "Lee hindi ganoon iyon! Ni-reject kita dahil alam mo na wala akong kakaibang nararamdaman para sayo. Lee, paulit-ulit nalang ba? Kaibigan lang kita Lee! Si Billy! Ang pinsan mo, ang mahal ko at hindi ikaw, kaya tumigil ka na sa pagiging bitter mong lalake ka!" sigaw ni Jelly kaya sinugod naman siya ni Navee at hinablot ang buhok nito. "Bawiin mo yang sinabi mo ah! Bawiin mo!" sigaw ni Navee habang hablot ang buhok ni Jelly. "Hindi ko babawiin dahil totoo naman yung sinasabi ko, bitiwan mo ako!" iritang sabi ni Jelly at inaawat na sila nina Billy at Lee kasama ang mga kaibigan nila. Kinaladlak naman ni Navee si Jelly malapit sa isang halamanan at dumampot siya ng lupa doon tapos ipinahid iyon sa mukha ni Jelly. "Hindi bitter si Lee sadyang malalandi lang kayo at ni-reject mo siya kaya siya nagkaganyan!" galit na sambit ni Navee habang pinapahid sa mukha ni Jelly ang mga lupa at binitawan niya padabog ang buhok ni Jelly kaya gumanti naman ito. Dumampot din si Jelly ng lupa at pinahid niya rin sa mukha ni Navee habang naiiritang napaaatras si Navee. "Hindi kami malandi, sadyang may dugong ampalaya lang kayong dalawa! Hayop ka!" sabi ni Jelly at hinablot ulit ni Navee ang buhok niya tapos nagsabunutan silang dalawa. "Navee! Jelly! Tamana yan ano ba kayo!" saway ni Billy at hinablot naman siya ni Lee sa braso at dinala niya ito sa may Fountain. "Aray ko Lee, saan mo ako dadalhin!" tanong ni Billy. "Tutal mahal mo si Jelly diba? Edi dapat nandito kayo sa tubig dahil pareho kayong malalansa ang ugali! Pati sa public place naglalandian kayo nakakairita kayo!" "Aray ko Lee, 'wag!" saway ni Billy at itinulak siya ni Lee sa may Fountain kaya basang-basa na si Billy nang malaglag siya dito. Mabuti nalang at bilang nalang ang mga students sa university kasi uwian na kaya wala masyadong nanonood sakanila. --×-- "Bwisit ka!" ani ni Jelly. "Mas bwisit ka! Dahil alam mo paasa ka eh ha! Kala mo napakaganda mo ang kapal ng mukha mo!" gigil na sabi ni Navee habang nagsasabunutan sila ni Jelly. Tinuhod naman ni Jelly si Navee sa sikmura kaya nakawala siya sa pagkakasabunot ni Navee sakanya at sinampal niya si Navee ng malakas tapos gumanti naman si Navee ng isa ring malakas na sampal at kumuha sila pareho ng tig-isang pala tapos nag-espadahan sila gamit iyon. "Ano ba tumigil na nga kayo!" awat ni Rina. "Navee!" tawag pa ni Piper. Si Vince naman ay hawak si Andrew kaya hindi niya natutulungan ang kaibigang nilulunod ni Lee. "Lee tamana ano ba!" awat ni Andrew. "'Wag ka ngang maki-alam sakanila! Kasalanan naman ni Billy yan eh!" sagot ni Vince. "Bitawan mo nga ako Vince!" saway ni Andrew. Nakahanap naman ng pagkakataon si Billy at tinulak niya si Lee sabay lumabas siya sa Fountain pero mabilis na nakabangon si Lee kaya sinapak niya ang pinsan tapos pagkabagsak ni Billy ay pumatong si Lee sakanya tapos sinakal siya. "Ngayon mo sabihin ang till death do us part sainyo ni Jelly!" gigil na sambit ni Lee habang sakal si Billy. "Hayop ka!" ani ni Jelly. "Mas hayop ka malandi pa!" sagot naman ni Navee at naghahampasan parin sila ng pala. May mga dumating naman na guards at inawat na ang mga binata at dalagang nagrarambulan sa field. "Let me go!" saway ni Navee sa guard na humawak sakanya kaya binitawan siya. "Sir. Lee tamana po iyan!" awat nung isa sa apat na guard kaya nagpaawat naman si Lee pati ang dalawang dalagang nag-aaway. "Get off me!" saway ni Jelly sa guard din na nakahawak sakanya kaya binitawan siya. "Tara na, umalis na tayo dito!" aya ni Lee sa mga kaibigan at kinuha na nila ang mga bag nila na nasa lupa at lumakad na paalis na parang walang riot na naganap. [To be Continued...]
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD