Chapter 23 | Ruby Necklace

980 Words
[Writer's POV] Lumipas ang ilang araw at patuloy nga si Nina sa pag-gawa ng mga bagay na ikasisira ng kapatid niyang si Julia sa mata ng kanilang mga magulang. Mula sa pananabutahe ng pagkain, sa pagsusumbong na nagkikita pa sila ng asawa, sa pambabasag ng mga ari-arian ng kanilang mga magulang na si Julia ang nasisi kahit si Nina ang may gawa hanggang sa umabot na sa sukdulan ang pagkainggit ni Nina sa kanyang kapatid. "Ano nanamang gagawin mo ngayon Mars?" tanong ni Georgia sa kaibigan. "Edi, pasasabugin ko na ang bagay na dapat noon ko pa ginawa. Nanakawin ko ang Ruby Necklace ni Mommy at ilalagay ko iyon sa mga gamit ni Julia para akusahan siyang magnanakaw at mapaalis na siya dito sa mansyon." bulong ni Nina at natuwa naman si Georgia kaya nag-apir silang dalawa ng mahina. "Ikaw ang magbantay dito sa labas at ako ang gagawa sa loob ha? ayus-ayusin mo Georgia ah humanda ka talaga sakin pag nahuli ako." inis na sabi ni Nina. "Oo na mars, Go na! mamaya may dumating pa eh." sabi ni Georgia at pumasok na si Nina sa kwarto ng kanyang mga magulang na nasa kumpanya nila ngayon sa Ruby Cosmetics. "Okay, Julia...this will be your greatest destruction." bulong ni Nina matapos niyang pumunta sa side table drawer ng mga magulang niya at binuksan niya ang isang level ng drawer. Nakita niya roon ang kulay puting kahon na gawa sa bakal, makinis at white glossy ang hitsura nito na parang isang kahon ng royal family. Binuksan niya iyon at napangiti ng sarkastiko si Nina ng kuhain niya ang Ruby Necklace at pinagmasdan ito ng ilang segundo. "Maganda...magandang gamitin para mapaalis ang pabida kong kapatid. Sorry, Julia." bulong niya at sarkastikong ngumiti. Ibinulsa niya iyon sa leather jacket niya at ibinalik niya ang kahon sa loob sa dating posisyon nito sa loob ng drawer at isinara niya ang drawer. Agad na lumabas si Nina sa kwarto at isinara ang pinto tapos mabilis na naglakad ang magkaibigan sa kwarto ni Julia. Look out parin si Georgia at si Nina parin ang nasa loob pero sa kwarto na ni Julia. Di alintana ni Nina na masama ang kanyang ginagawa at patuloy parin ito sa kagustuhang mapalayas ang kapatid sa mansyon dahil sa matinding inggit at selos. Kinuha ulit ni Nina ang Ruby Necklace ng kanyang Mommy sa bulsa niya. Isang malaking Ruby na kasing laki ng limang piso na barya ang nasa gitna at may tig-dalawang maliliit itong ruby pa sa dalawang gilid na kasing laki naman ng bayntsinko at nakadistansya ng kaunti sa isa't isa ang mga ruby stone. nakakabit sila sa isang high quality silver wire na may mga maliliit na diamonds sa paligid. Kinuha ni Nina ang panyo niya at pinunasan ang lahat ng parte ng kwintas tapos inilagay niya iyon sa ilalim ng unan ni Julia na mayroon paring panyo sa kanyang nga kamay para maiwasan ang finger prints dahil alam niyang matalino si Julia at gagawin nito ang lahat malinis lang nito ang pangalan. "Success, Ilang oras nalang...Goodbye Julia." nakangiting bulong ni Nina at umalis na siya sa kwarto ng kapatid. Umalis siya na parang walang masamang ginawa. [Lee's POV] Uwian na namin sa school at inaantay ako nina Navee, Piper at Vince na makalabas sa classroom namin dahil inayos ko pa ang mga gamit ko. Nauna na lumabas sina Billy dahil alam niyang di ako sasabay sakanila nila Jelly kahit ayain niya pa ako ng isang daang beses. Lumabas na ako ng classroom at nilapitan ako nung tatlo. "Should we go?" nakangiting tanong ni Navee at nakangiti rin akong tumango tapos naglakad na kami pababa. Panay ang kwentuhan at tawanan naming apat habang bumaba ng hagdan, nagpalipat din kasi si Piper sa building namin kaya sabay-sabay na kami nagbi-break at umuuwi. Kaya nga lang si Piper ay kaklase nina Vince, Rina at Andrew sa katabi naming room at ako si Navee, si Billy at Jelly naman ang magkakaklase sa aming classroom. "Nako, may naiwan yata ako! Yung...payong ko!" sabi ni Piper. "Bibilhan nalang kita ng payong mamaya hayaan mo na 'yun!" sabi ko. "Hindi pwede, galing pa iyon sa kauna-unahang tao ng pamilya namin!" natatawa niyang sabi at tumakbo pataas. "Ano daw? ano bang hitsura niyon?" tanong ko. "May tainga ni minnie mouse sa pinaka bubong ng payong at kulay pink na may polkadots na white." natatawang sagot ni Vince. "So may Disney na pala nung panahon ng kauna-unahang miyembro ng pamilya nila." natatawa kong sagot at natawa rin sina Navee at Vince. "Tara na baba na tayo! Doon nalang tayo sa baba maghintay kay Piper." sabi ni Navee at sumangayon naman kami ni Vince. Medyo makulimlim ang hapon na ito ngayon at parang uulan mamayang gabi. Nang makakaba na kami ay nakita ko sina Billy at Jelly na hinalikan ang isa't isa sa pisngi habang kasama nila sina Rina at Andrew na kinikilig. "Look at that bitch." bulong ni Navee at pupuntahan niya dapat ang dalawang malandi pero hinawakan ko ang kamay niya at tumingin siya sakin. Seryoso naman akong tumango pahiwatig na kaya ko na mag-isa ito. Ang kakapal, sabi na nga ba may gusto si Jelly kay Billy, kaya hindi niya ako sinagot dahil gusto niya ay si Billy ang manliligaw sakanya. "Ang lalandi niyo ah, humanda kayo sakin." bulong ko at bumili ako ng tigsasampung piso na chocolate drink na nasa plastik na baso sa tabi sa loob ng school namin at pagkabayad ko mabilis akong lumapit sa magkaharap at magka-holding hands na sina Billy at Jelly tapos binangga ko silang dalawa kaya natapon yung chocolate drink sa mga uniform nila. Nagulat naman ang dalawa sa ginawa ko at napatingin din saakin pati yung ibang students, sina Rina at Andrew maging sina Billy at Jelly. "Ay! Oh no, I'm so sorry guys. Hindi ko talaga sinasadya iyon promise." sarkastiko kong sambit. [To be Continued...]
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD