[Continuation to Lee's POV]
"Ano, Jelly? Tell me. May gusto ka rin ba sa pinsan ko? Kasi siya meron eh." sarkastiko ko pang dagdag at agad namang nagsalita si Billy. "Tamana, Lee! Tamana please. Kung naiinis ka dahil tinanggihan ka ni Jelly, hayaan mo siya. Respect her decision." mahinahong sabi ni Billy. "Respect her? Did she respect me? Did you respect me? Huh! Get out of my room." malamig kong utos at nagpaawa pa ng mata si Billy saakin habang nakayuko parin si Jelly. "I said get out of my room, jerk." dagdag ko pa at hinila ni Billy sina Rina at Jelly palabas habang nakasunod sakanila si Andrew na isinara naman ang pinto ng kwarto ko.
"Hahaha! Wow, ang tapang mo talaga Pare, nasabi mo ng diretso iyon?" puri saakin ni Vince pag-upo niya sa kama ko. "Eh kung ako nga dineretso ni Jelly na ayaw niya at hindi natakot eh. Ako pa kaya na wala nang iniingatang image sakanya?" sabi ko. "Huh! Hayaan mo na sila Lee, nandito naman kami nila Vince at Piper para samahan ka kahit wala na sila." nakangiting sabi ni Navee. "Yeah, we're still here for you Lee." dagdag pa nina Vince at Piper. Napangiti naman ako at napayuko. "Thanks." mahina kong sabi.
[Billy's POV]
"Pasensya na kayo sa nangyari ah? Baka stress lang si Lee kaya naging ganoon ang asal niya. Unawain niyo nalang." mahina kong sabi habang nakaupo kami sa Living Room at nag-mimiryenda. "Okay lang iyon Billy, naiintindihan namin ang pinagdadaanan ni Lee ngayon." sagot ni Rina habang kumakain ng mais. "Kahit sino naman sigurong lalake, malulungkot ng sobra pag...uhm sorry hihi!" sabi ni Andrew nang biglang mahiya. "This is all my fault." mahinang sabi ni Jelly kaya natigilan kaming tatlo. "Ako ang may kasalanan kung bakit nagkaganyan si Lee. Tama si Navee, paasa at pa-fall lang ako." dagdag niya pa kaya hinawakan ko ang kaliwang kamay niya kaya napatingin siya saakin. "Jelly, ginawa mo lang ang tama. Hindi mo kasalanan at walang may kasalanan. Sige nga isipin mo, sasagutin mo nga si Lee...mahal mo ba siya?" tanong ko at hindi siya nakasagot at alam ko naman na hindi ang sagot niya. "Kung sasagutin mo siya nang wala ka namang nararamdaman sakanya eh parang niloko mo narin siya una pa lang. Sinagot mo siya dahil ayaw mo at nahihiya kang masayang ang lahat ng efforts niya sayo, hindi mo siya sinagot dahil mahal mo siya. Nakukuha mo ba?" paliwanag ko at pilit na nakangiting tumango naman si Jelly.
"'Wag mong sisihin ang sarili mo okay? Okay lang yan, pag malamig na ang ulo ni Lee kakausapin ko siya." sabi ko. "Thank you, Lee." nakangiting sabi ni Jelly at nagpatuloy na kaming apat sa pagmimiryenda. She's so cute when she smiles. Iti-take advantage ko na ba ito para mapasakin si Jelly? Tinadahana ba talaga kami sa isa't isa kaya hindi niya sinagot si Lee? May gusto rin nga ba talaga siya saakin kaya hindi siya makasagot kanina?
[Julia's POV]
Nakita ko si Nina sa kusina at kumakain ng dessert. Naisipan ko siyang lapitan at kausapin. "Nina? Pwede ba kitang makausap?" mahina kong sabi. "Sure, about saan ba Julia?" tanong niya pabalik at umupo ako sa tabi niya sa bakanteng upuan sa Kitchen isle namin. "Nina, 'wag mo sanang masamain yung tanong ko...uhm, sa tingin mo paano nalaman ni Mommy na nagkikita parin kami ni Franco ng patago?" tanong ko. Ayoko siyang diretsyahin na kung siya ba ang nagsabi dahil ayaw ni Nina na sinisisi siya sa mga bagay-bagay. Unang beses lang kasi akong sampalin ni Mommy sa buong buhay ko. Ni minsan hindi nila ako pinagbuhatan ni Daddy ng kamay, si Nina lang ang nasasaktan ni Mom pero ako hindi at ngayon lang, as in ngayon lang.
"Hindi ko alam...bakit?" sagot niya. "Tinanong ko kasi si Mommy kanina nung nasa kwarto niya siya matapos niya akong sampalin dahil nga nalaman niya na. Sabi niya may nagsend daw ng picture namin ni Franco sa email niya at kanina lang nangyari." sabi ko. "I don't know Julia, sorry ha? Pero, ano ulit? nasampal ka ni Mom?" tanong niya at tumango ako. "Oh, i feel sorry for you Sis. Pero, wala talaga akong alam diyan eh. Nasa Company ako kaninang umaga at hindi ako marunong gumawa ng fake account sa email." nakangiti niyang sabi. Hindi marunong gumawa ng account? Eh siya nga ang gumawa ng Account nina Billy at Lee sa gagamiting contract ng dalawa sa Kumpanya pag naka-graduate na sila sa College eh. Hindi kaya...hindi kaya nagsi-sinungaling si Nina? Hindi pwede, hindi ko dapat siya hinuhusgahan. Wala naman akong pruweba na siya nga ang nag sabi kahit siya, ako at si Billy lang ang nakakaalam ng sikreto na iyon.
[Nina's POV]
Hahahaha! Sinampal siya ni Mommy? Gosh, akala ko ako lang ang kayang sampalin ni Mommy eh, siya rin pala. Sayang! Hindi ko nasaksihan ang sampalan kanina. Ano Julia? masakit ba ang first sampal mo? Maghanda ka pa dahil ako na ang susunod na sasampal sayo. "Sige, Nina. Sorry ah, tinanong pa tuloy kita haha!" nahihiya niyang sabi. "No, it's okay." sagot ko at tumayo siya tapos lumabas na ng kusina habang papunta doon kila Billy at sa mga kaibigan nito sa living room. Ngumiti naman ako ng sarkastiko nang tumalikod siya. "May gagawin pa ako Sis, just wait and see..." bulong ko at ibinaling ko na ulit ang atensyon ko sa minimiryenda kong black forest cake. Oo, Julia. Ako ang gumawa ng fake email na ginamit ko para isend ang picture niyo ni Franco kay Mommy. Ginawa ko iyon para masira ka at para mapaalis ka rito sa mansyo. Tutal gusto mo namang makasama ang asawa mo diba? Dapat nga magpasalamat ka pa sakin dahil tinutulungan kitang mapa-alis dito para makasama mo na si Franco.
[To be Continued...]