[Jelly's POV]
Oh my gosh, where the heck is he? Sabi ko na nga ba may nangyari dahil hindi pumapasok si Lee eh! "Lee! Lee!?" tanong naming lahat at hinahanap siya sa loob ng kwarto niya. Tumingin ako sa ilalim ng kama pero wala siya doon. "Tignan mo sa closet niya Billy!" utos ko kay Billy pero bigo rin siyang matagpuan si Lee sa loob. Nasaan siya?! "Pare, kung Prank man ito please lang lumabas ka na at sabihin mo it's a prank! Hindi nakakatuwa!" sambit ni ng Bff ni Lee na si Vince. "Piper, tawagan mo nga si Lee. Salitan tayo sa pag-tawag." utos ni Navee sa kaibigan at sumangayon ito. Oh gosh, where are you Lee?! "Sandali lang tatawagin ko sila Tita Nina para ipaalam ito." Sabi ni Billy at tumakbo siya palabas ng kwarto ni Lee.
"You know what Jelly, this is your fault! You rejected him kaya siya nalungkot at umalis!" sisi sakin ni Navee. "Why me?! Navee, 'wag mo naman sakin isisi dahil hindi ko naman alam na ganito ang magiging epekto kay Lee at i rejected him dahil ayoko siyang umasa sakin." mahinahon kong sabi. "Talaga? Ikaw naman kasi masyado kang pa-Fall sa tao eh. Nasaksihan ko lahat ng efforts ni Lee sayo pero at the end? You still rejected him." dagdag pa niya. "Dahil hindi naman ako ang babaeng para sakanya. Tsaka ba't ba galit na galit ka?! Ayaw mo niyon? I rejected him nga diba, so Ibig sabihin may chance ka pa sa puso ni Lee para makuha siya." inis kong sabi. Alam kong may mali ako pero hindi naman tama na ako ang sisihin dito ano?! Ginawa ko lang ang tama. "What did you just say?" inis na tanong ni Navee. "Akala mo ba hindi ko alam na may gusto ka kay Lee? Nung nasa Comfort room tayo ng Girls sa school, narinig ko kayo ni Piper na pinag-paplanuhan niyo si Lee na magustuhan ka Navee. How desperate? Ikaw ang nagfo-first move eh ikaw ang babae?" insulto ko. "Dahil gusto kong ipakita kay Lee na dapat siyang mapanalunan na parang trophy at gusto kong iparamdam sakanya na deserving siya! Unlike you masyadong pakipot at pa-fall!" mataray na sagot ni Navee. "Excuse me, hindi ako pa-fall si Lee ang kusang na-Fall sakin." sagot ko.
"Tumigil na nga kayong dalawa! Nagsisisihan pa para kayong mga bata!" Saway naman ni Vince. Bigla namang pumasok ang pamilya Ruby sa kwarto ni Lee ng natataranta. "Apo! Apo!" tawag ng lola niya. "Lee, Apo?!" dagdag pa ng Lolo niya. Si Tita Nina naman at Tito Trevor at tinatawagan yata si Lee dahil kita ko sa mukha nila ang matinding paga-alala.
[Lee's POV]
Pumasok na ako sa gate namin at ipinarada ko ang Bike ko sa malaking garden namin. Naglakad na ako papasok sa mansyon at wala akong nakitang tao sa baba. May mga naririnig naman akong natataranta sa 3rd floor habang paakyat ako at binibigkas ang pangalan ko. Galing ako ng convenience store at drugstore, bumili ako ng gamot sa sipon at sakit ng ulo tapos bumili naman ako ng pagkain sa convenience store. Wala lang trip ko lang dumaan doon. Nang makarating ako sa 3rd floor ay dumiretso ako sa kwarto ko na BUKAS ANG PINTO?! "At sinong lapastangan ang nagbukas ng pinto ko ng walang permiso ko? Sabi ko walang pwedeng pumasok ng kwarto ko hanggat hindi ko sinasabing pumasok kayo because this room is my own property. Kung sa kwarto ni Billy allowed lahat pumasok kay hayop, iba sa kwarto ko. This is private." malamig kong sabi atㅡoh my god, bakit ang dami nila sa loob? Si Mommy, Daddy, Lolo, Lola, aunti Sarah, uncle Hideo, tita Julia, Billy, Vince, Andrew, Piper, Rina, Jelly at Navee! Lahat sila nakatitig lang sakin na parang may ginawa akong krimen or worse lang taon akong nawala.
"I'm sorry?" taka kong sabi at biglang lumapit saakin si Mommy tapos niyakap ako. "Anak saan ka ba galing? Alalang-alala kaming lahat sayo lalo na kami ng Daddy mo." sabi ni Mommy at hawak niya ang kanang pisngi ko. "Saan ka ba talaga galing anak?" tanong ni Dad. "Bumili lang ako ng Gamot sa sipon at headache Dad, tapos mga snack na pwede kong kainin mamayang gabi." sagot ko. "Bakit apo, wala na ba tayong stock ng gamot sa kitchen?" tanong ni Lola. "Meron naman po pero sa sakit ng ipin, tiyan at lagnat nalang po ang mga natira doon." sabi ko. "Apo, dapat sinabi mo saamin para inutusan ko nalang ang mga maids to buy that for you." sagot ni Lola. "Oo nga apo, tignan mo may sakit ka na lumabas ka pa tuloy. Baka mamaya lumala pa iyan at ikaw naman ang ma-ospital." dagdag pa ni Lolo. "I'm okay po Lolo, no worries. Kaunting pahinga nalang po ito." sagot ko ng may kaunting ngiti sa aking mga labi. Ngumiti naman ang pamilya sa sinabi ko. "Oh sige, na anak. Lalabas na kami para kayo nalang dito." sabi ni Mommy. "Oh 'wag masyado mag-harutan ah?" bilin ni Daddy at lumabas na sila kaya kaming mga binatilyo at dalagita nalang ang natira sa kwarto ko.
Inilapag ko ang mga dala ko sa side table ng kama at umupo sa kama ko. "Kaya ba hindi ka pumapasok sa school dahil may sakit ka?" tanong ni Billy. "Yes, at ano naman sayo?" sabi ko at tumabi naman saakin si Billy, ugh! He's so annoying. "Lee, pinsan kita at para narin tayong mag kapatid kaya natural mag-aalala ako sayo." sabi niya. "Kapatid? nung nagkagusto ka ba kay Jelly na alam mong may gusto rin ako Jelly inisip mo ba yan sakin na masasaktan ako? The day i asked you some help. Um-oo ka pero hindi mo manlang ako tinulungan. So i decided to do it my self." sabi ko.
"Lee, nasa ospital ako nung mga araw na iyon kaya hindㅡ" pinutol ko ang sasabihin niya nang magsalita ako ulit. "Nasa school o nasa ospital ka ayaw mo naman talaga akong tulungan dahil may gusto ka rin kay Jelly at ayaw mong mapunta siya sakin. So Jelly, tell me...May gusto ka rin ba kay Billy?" sarkastiko kong tanong.
[To be Continued...]