Chapter 20 | Sampal ng Ina

1106 Words
[Julia's POV] "Oh paano Love? Alis na kami ha? Dipa kami naliligo ng anak mo eh hahaha!" nahihiya kong sabi kay Franco at hinalikan ko siya para magpaalam. "Mag-iingat kayo ha? Bakit pa kasi kayo nag-abala na dumaan dito? ayan tuloy wala na kayong masasakyan pauwi, di ba may lakad daw si Hideo kaya hinatid niya lang kayo dito? Gusto mo bang itawag ko kayo ng taxi, Love?" tanong niya. "Nako, 'wag na kaya na namin Love. Sige na, kumain ka mamaya ah?" bilin ko pa at sumangayon si Franco tapos nagyakapan ang mag-ama ko at umalis na kami. Mabuti nalang nakasakay kami agad ng taxi ni Billy. Habang nasa loob ng taxi. "Mama, papasok pa po ako." sabi ni Billy. "Ha? Eh, 2 Hours ka nang late ah? Baka mapagalitan ka ng Professor mo niyan anak?" tanong ko. "Ma, remember? VIP kami ni Lee sa school." sagot niya. Ngayon lang nakalabas si Billy sa ospital dahil akala namin ayos na siya nung nakaraan na dinala namin siya sa ospital. Kinabukasan ng umaga nung lalabas na siya, umatake nanaman ang allergy niya kaya hindi na muna siya pinalabas ng ospital para matingnan. Dinadalaw na nga siya nina Jelly, Rina, Andrew at ng pinsan niyang si Lee sa ospital dahil sa mga nami-missed niyang topics sa school. Kawawa naman ang anak ko, sana hindi siya bumagsak. I mean nakahiwalay si Lee ng schedule ng pagdalaw ng mga kaibigan nila ni Billy. Naging tahimik ang batang iyon, bakit kaya? Isang beses niya lang rin dinalaw si Lee sa ospital after n'on hindi na nasundan. "Ayokong pabayaan ang pag-aaral ko mom okay? hahaha! Late lang ito tsaka siguro naman valid ang reason ko." dagdag pa niya. "Oh sige na nga. Hindi naman kita mapipigilan dahil alam mo na ang ginagawa mo eh. Oh basta pag inatake ka agad ng allergy mo, tawagan mo ako agad tsaka si Grandpa Hideo mo ha? Magpatulong ka narin sa mga kaibigan at pinsan mo kung kinakailangan okay?" paalala ko pa at hinaplos ang likod ng anak ko. Nang maka-uwi na kami sa mansyon ay lumapit saakin si Mommy ng walang emosyon. "Ahㅡanak, sige na gawin mo na yung mga gagawin mo." sabi ko kay Billy. "Sige Ma, Goodmorning po lola." sagot ni Billy at tumakbo na siya paakyat sa kwarto niya. "Tapatin mo nga ako Julia. Pinupuntahan mo parin ba si Franco?" mainit na tanong saakin ni Mommy. Hindi naman ako nakasagot agad at alam nila Mommy at Daddy na kapag hindi ako nakakasagot agad sa mga tanong nila ay totoo or oo ang sagot. Sinampal ako ni Mommy ng isang beses at pagkasampal niya saakin ay hinawakan ko ang pisngi ko doom sa side na sinampal niya. Her slap is like burning hand. "Sorry, Mom..." mahina kong sabi habang naiiyak. "Kelan mo ba ako susundin Julia?! Napaka simple lang ng hinihiling ko sayo, WAG MO NANG PUPUNTAHAN SI FRANCO!" Galit na sambit saakin ni Mommy. "Hindi ko na alam kung anong gagawin ko para hindi mo na lapitan ang lalakeng iyan. Kung kaya ko lang pumatay, ginawa ko na iyon sa asawa mo para hindi mo na lapitan!" gigil na sambit ni Mommy at bigla namang dumating si Tita Sarah. "Ano nangyayari dito, ate? Julia?" tanong niya. At umiling naman si Mommy tapos mabilis na naglakad palayo habang naririnig mo ang pagtunog ng mga stiletto niya na pahina ng pahina. "Julia, what happened, are you okay?" tanong ni Tita at niyakap niya ako tapos tinapik niya ako sa aking likod para i-comfort. Paano nalaman ni Mommy ang bagay na iyon? Hindi ko maintindihan sino ang nagsabi sakanya? eh kaming tatlo lang naman ng anak ko at si Nina ang nakakaalam ng pagdalaw ko kay Franco thrice a week. [Billy's POV] Naliligo ako ngayon sa Cr ng aking kwarto at matapos kong maligo ay nagbihis na ako ng pang-ilalim ko sa uniform ko. Inihanda ko na ang gamit ko sa bag at nagsuot nako ng uniform, nag medyas at nag-sapatos tapos inayos ko narin ang buhok ko at lumabas na sa kwarto ko. Tumakbo narin ako palabas ng mansyon dahil 12pm na, My goodness almost 4 hour nalang ang oras ng pagpasok ko sa school! dalawang subject nalang pare! Tumakbo ako ng mabilis palabas ng Village at nag-abang ako ng taxi. Luckily nakasakay ako agad kaya nakarating din ako agad sa University. Pumasok na ako sa school at umakyat na ako sa floor kung nasaan kami. Nakita ko naman sina Andrew, Rina, Vince at Piper sa katabi naming classroom at alam kong nakita rin nila ako. Nakakatuwa nga kasi yung mga kaibigan namin at yung kaibigan nila ay magkaka-klase. Dahan-dahan akong lumakad sa pasukan ng room namin at napatingin saakin ang lahat ng classmates ko pati ang Professor ko sa Foreign Language. Oh god, this is so embarrassing. "AhㅡGood afternoon Sir. Jandro and Classmates, I'm really sorry I'm late. Kalalabas ko lang kasi sa hospital, Can i go in?" nahihiya kong tanong. "Uhㅡo...okay! Sure haha! You can go in Sir.Ruby." nakangiting sabi ng professor namin tsaka nakangiti rin ang mga classmates ko na pinapasok ako. Mabilis naman akong umupo sa aking upuan at lumingon ako sa upuan ni Lee sa likuran. Uh? Absent siya? Kelan pa siya um-absent? Umuwi na kami sa mansyon pagtapos ng klase. Oo kami, dahil kasama ko sina Jelly, Rina, Andrew, Navee, Piper at Vince. Bakit kaya ilang araw nang hindi pumapasok si Lee? May sakit ba siya? Hindi ko malalaman kung hindi namin siya pupuntahan. Ngayong ay narito kami sa mansyon at kumakatok ako sa pinto ni Lee pero walang sumasagot. Sinubukan kong ikutin ang doorknob ng pinto niya at bukas ito. Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan niya. "Lee? Narito ang mga kaibigan natin. Gusto ka daw nilang dalawinㅡpati narin ako...Nag-aalala na kami sayo Lee. Hindi ka na kasi pumapasok sa school eh." sabi ko. Hindi siya nagsasalita at nakatalukbong lang siya ng kumot niya. "Lee?" tanong pa ni Navee. "Lee, can we talk just for a minute?" dagdag pa ni Jelly. Lumapit pa kami sa kama ni Lee at hindi parin siya nag-aalis ng talukbong. Pero pansin ko ba't parang lumiit si Lee? "Pakipot naman nito hahahaha!" pabiro kong sabi at hinablot ko yung kumot niyaㅡpero...pero...pag alis ko ng talukbong niya ay yung stufftoy lang ni Lee na kamukha niya yung nasa ilalim! I mean yung nasa ilalim ay yung malambot na manikang version ni Lee at nakatuwad ito na nakatakip ang mga kamay sa tainga! Wala siya sa kama niya at hindi siya yung naka-talukbong! Sabay-sabay naman kaming napasinghap ng hangin sa nalaman. [To be Continued...]
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD