ELLIS
Hinihingal na tumatakbo ang dalaga patungo sa isang liblib na lugar ng Tagaytay. Tumatakbo siya na walang saplot ang kanyang mga paa. Sugat-sugat ang kanyang mga braso at tuhod mula sa pagkadapa. Lumilinga siya sa kapaligiran kung may mga bahay ba siyang matataguan o ‘di kaya ay matutuluyan.
Palingon -lingon si Ellis sa kanyang likuran baka nasundan siya ng mga taong hinihinalang salarin. Isa sa mga hawak niyang kaso na dapat niyang maresolba.
Tumatakbo ang dalaga sa lugar na hindi na niya alam kung saang panig ng Tagaytay. Maraming mga kahoy na ang nadadaan niya, at rinig niya ang rumaragasang tubig ng ilog sa malapitan. Ang nasa isipan niya ngayon ay maging ligtas na sana siya. Takbo lang siya nang takbo na walang direksyon. Gusto lang niyang makatakas, at hindi mahabol ng mga taong gusto siyang patayin para wala ng ebidensyang makalap.
Hindi namalayan ng dalaga dahil sa kakalingon sa likuran ay nadulas siya pababa kaya impit siyang napasigaw ng bumulusok siya. Pagulong-gulong at kung saan-saan tumatama ang katawan niya sa puno. Kahit nagkandabali-bali ang katawan ni Ellis ay pilit pa rin siyang makatayo para mailigtas niya ang kanyang sarili. Walang makakatulong sa kanya ngayon dahil maski isang bagay na mahanap siya ay nawala. Habang nakikipaglaban siya sa mga kriminal, nakita niyang nawala na pala ang relo niya. Pati ang device na nakadikit sa katawan niya ay wala na rin.
“ELLIS! Kahit tumakbo ka pa nang tumakbo, hindi ka pa rin namin titigilan hangga't hindi ka mahuli!”
Nanlalaki ang mga mata ng dalaga nang marinig niya ang sigaw ng mga taong gusto siyang patayin. Ang mga yabag ay palapit na sa kanyang kinaroroonan. Binilisan niya ang pagtakbo. Kahit na masakit na ang kanyang katawan dahil sa sugat na natamo niya, at bali sa katawan ay pinipilit pa rin niya ang kanyang sarili na tumakbo.
Napabalikwas ang dalaga. Habol ang hiningang nakahawak siya sa dibdib. Hanggang ngayon, hinahabol pa rin siya ng nakaraan. Hindi pa rin siya pinapatahamik sa pangyayari noon. Gusto na niyang kalimutan ang lahat, pero hindi niya magawa. Kahit anong gawin ng dalaga na makalimutan ay pilit pa rin siyang binabalikan, at napapanaginipan niya ang nangyari sa kanya noon.
Napahilamos siya sa kanyang mukha bago siya bumaba sa kama. Buhaghag ang kanyang buhok, at hindi na nag-abalang magsuot ng pang-ibaba dahil wala pa rin siya sa wisyo dahil sa sakit ng ulo.
Napakamot siya sa kanyang ulo dahil makati ang anit niya. Naglakad siya patungo sa salamin para tingnan ang kanyang itsura. Nang makaharap siya sa salamin ay namumungay pa ang kanyang mga matang nakatitig sa salamin. Nang napagmasdan niya ng maigi ang itsura niya ay napamura siya. Nakita niyang mukhang pugad ang buhok niya. Higit pa roon ag mukha siyang multo dahil sa sobrang puti ng kanyang mukha.
Nanggagalaiting sumigaw siya dahil sa galit na naramdaman.
"Teriana! Walang-hiya ka talagang babae ka!"
Napapikit siya sa inis, at napabuga ng hininga bago nagdesisyon na bumalik sa pagtulog. For Pete sake! 3 hours pa lang siyang nakatulog dahil alas quatro siya nang madaling araw nakauwi sa kanilang mission. Nagtatrabaho siya bilang isang Police Detective, at bilang Detective kung ano-anong panganib ang sinuong niya.
Nang unti-unti na siyang hilahin sa antok ay bigla na lang nag-ingay ang pesteng cellphone niya. Wala na sana siyang balak sagutin iyon nang hindi pa rin ito tumigil. Padabog niyang dinampot ang cellphone niya, at binulyawan ang sa kabilang linya.
"Ang aga-aga nambubulabog ka. May balak ka bang ma-lowbat ang cell—"
Napatigil siya sa pagsigaw, at inilayo ang cellphone niya para tingnan kung sino ang tumawag. Nang makita kung sino iyon ay nanlalaki ang mga matang nakatitig siya sa screen.
Ang kaninang tigreng si Ellis ay naging maamong pusa dahil sa narinig niya ang boses ng kanyang pekeng boss.
"A-ah eh, b-boss s-sorry po. H-hindi po ikaw iyong sinisigawan ko. Ang peste kong cellphone kasi kung bakit madaling ma-lowbat," pekeng sagot niya rito.
Kung wala lang siyang kailangan dito baka kanina pa niya ito binabara.
[Pinagloloko mo ba ako, Miss Isabel? O nakahithit ka na naman ng katol kaya ka may tupak? Sinong sinasabihan mong peste? Ako ba iyon?]
"Boss naman. Hindi ah! Alangan namang ikaw iyon? Love na love kaya kita!"
Nandidiring inilayo niya ang kanyang cellphone.
Love?! Huh?! Ang sarap mo ngang ingudngod ang nguso mong para namang isda.
[Miss Isabel, pumunta ka rito sa opisina ko dahil kailangan mong i-report sa akin, kung ano ang kaganapan ng kabilang kampo.]
"May maliit na problema po, sir. Ngunit, maagapan po namin iyon. Sige po, sir. Kailangan ko na pong maghanda."
[ Miss Isabel, maaasahan kita rito sa new opening ng branch. Nakasalalay ang trabaho mo rito.]
Napasimangot siya sa huling sinabi nito, at nawala na ito sa kabilang linya.
"Sus! Kung makapagbanta, akala mo naman may naitutulong puro utos naman. Puny*ta!”
Padabog na kinuha ang tuwalya, at maligo na para makapagtrabaho. Aayusin pa niya ang gusot sa kabilang branch baka malilintikan na naman siya ng panot na iyon.
Kahit gusto man niyang hindi pumasok ay hindi pwede baka masisante pa siya ng wala sa oras ng boss niya na pinaglihi sa isda ang nguso.
Umirap siya sa kawalan, at ginulo ang buhok dahil sa inis na naramdaman. Dumagdag pa sa init ng ulo niya ang boss.
"Tsk! Kung hindi lang kailangan na kumapit sa panot na iyon, matagal na niyang gawing lampaso ang ulo nito," napasimangot niyang sabi.
Bakit ba kasi dito pa siya nilagay ng Detective Superintendent nila? Wala siyang magawa kung ‘di napabuntong-hininga na lang dahil sa pagkakairita.
Hinubad niya kaagad ang kanyang damit nang makapasok siya sa banyo. Hindi na siya nag-abalang mag-lock ng pintuan dahil silang dalawa lang naman ang nandito sa inuupahang bahay.
Nang matapos siya sa ginagawa niya ay agad siyang nagpaalam sa kanyang kasamahan niyang detective. Nadatnan na nga niya ito sa pagtagpi-tagpi ng mga larawan na naka konektado sa pagpatay sa Congressman.
Tumango lang ito sa kanya, at hindi na nag-abalang tumingin sa kanya. Sinenyasan na siya nitong umalis na sa harapan nito.
Napailing na lamang siyang lumabas sa kanilang apartment, at pinatunog ang kotse niya. Kaagad siyang pumasok sa sasakyan, at pinaandar ito. Mga ilang minuto ay pinaharurot niya ang sasakyan patungong Jimenez Enterprising. Pupunta muna siya kay Panot na si Eddie dahil may ibibigay siya rito na dokumento. Kahit na labag sa kalooban niya na pumunta sa opisina nito ay kailangan niyang pumunta doon.
Napahinto siya nang makitang nag-stoplight kaya huminto siya. Napatingin siya sa gilid niya, nakabukas kasi ang bintana kaya malayang pinagmasdan niya ang lalaki. Napakunot ang noo niya nang napansin ang tattoo sa braso nito. Parang nakita na niya talaga ito, pero hindi niya lang matandaan kung saan.
“What?” pasupadlong tanong ng lalaki sa kanya.
Ipinilig niya ang kanyang ulo, at umiwas ng tingin rito. Baka nagkakamali lang siya sa kanyang nakita. Imahinasyon lang siguro niya na nakita niya ang tattoo nito. Hindi niya maitatanggi na maganda ang hubog ng muscles nito sa braso. Batak na batak sa ka-sexyhan.
“BEEP!”
Napabalik siya sa katinuan nang marinig niya ang malakas na busina ng nasa likuran niya. Kaagad niyang pinaandar ang kanyang kotse patungong Jimenez Enterprising. Ito ang bago niyang kasong hahawakan. Napag-alaman niyang isa ito sa humahawak na illegal na transactions. Through illegal transaction, nakalikom ang mga ito ng limpak-limpak na salapi. Halimbawa nagpapalitan sila ng gamit pero ang nasa loob niyon ay illegal na pera from money laundering like terrorist funding. Higit pa roon ay bibilhin ng ibang kampo ang furniture. Ang sa loob niyon ay ilalagay ang pera, at baril. Kailangan niyang makakalap pa ng ebidensiya baka may kasabwat pa ang mga ito.
Pumasok siya sa parking lot at nag-park sa numerong 17 ang kotse niya. Napatingin siya sa kanyang relo. Nanlaki ang kanyang mga mata nang makita niyang limang minuto na lang bago mag-alas otso. Masita na naman siya ng boss niya. Nagmamadaling tumakbo siya papasok ng gusali.
“Good Morning, Branch Manager Miss Isabel!”
Hindi na niya pinansin ang mga taong nakakasalubong niya dahil sa nagmamadali na siyang makapunta kay Boss Eddie. Huminto siya sa tapat ng elevator, at agad na pumasok ng bumukas iyon. Humingi siya nang paumanhin ng may nabangga siyang lalaki, pero hindi na siya nag-abalang tumingin dito. Pinindot niya ang close button, at numerong 19th floor.
Napatingin siya sa itaas ng elevator. Hinihintay na makarating sa patutunguhan niya. Kailangan niyang bilisan, at hindi siya mahuli baka sisinghalan na naman siya nito. Kung pwede lang singhalan ang boss niyang panot ay matagal na niyang ginawa.
Napabuntong-hininga siya. Kailangan niya munang magtiis bago bumalik sa headquarters. Magpapakabait na muna siya ngayon. Mamaya na niya gagawin ang matagal na niyang binabalak.
Mahigit dalawang linggo na siyang kumakalap ng ebidensiya, pero may kulang pa rin. Alam niyang may malaki pang isda ang huhulihin niya. Hindi matatapos ang operasyon kapag hindi niya pa nahuli ang mga organisasyon ng lintik na ZEBRE ORGANIZATION na iyan. Maraming koneksyon na dapat niyang alamin pa.
Nang makarating siya sa floor ng boss niya ay agad siyang nagtungo roon kung saan ang opisina nito.
“Good Morning, Miss Isabel. You looked great today!”
Ngumiti siya sa isa sa staff, at bumati rito pabalik.
“Good Morning, Miss Sylvania!” bati niya. Nilagpasan na niya ito, at pumunta sa isang silid.
Pagbukas pa lang niya ay bumungad sa kanyang harapan ang mga nagkukumpulan na mga kalalakihan sa loob. Hindi niya alam na may bisita si Panot dito. Base sa itsura, at tindig ng mga ito ay mga mayayamang tao.
Naniningkit ang kanyang mga mata nang makita niya ang pen name ng isang lalaki. ZEBRE ORGANIZATION. Napangisi siya sa nakita niya ngayon. Ito na ang pagkakataon na malaman ang iba pang krimen ng organisasyon.
Pasimple niyang kinuha ang microchip recorder sa bulsa niya, at lumapit kay Eddie.
“Good Morning, Sir Eddie!” bati niya rito. “Ito na po pala ang kailangan ninyo.”
Nilapag niya ang dokumentong kailangan nito sa mesa.
Tumingin siya sa mga tao sa loob. Nakita niyang hindi nakatingin ang mga ito sa direksyon niya. Pasimple niyang dinikit sa ilalim ng mesa ang recorder. Ngiting tagumpay na lumabas siya sa opisina nito.
Kaagad niyang pinindot ang on ng wireless earbuds. Pinakinggan niya ang mga pinag-uusapan ng nasa sa loob.
[January 20 in the evening, may transaksyon tayo sa mga baril. Malaki ang makukuha nating salapi dahil isa sa organisasyon ang bibili.] - boses ni Eddie ang naririnig niya sa kabilang linya.
[ Anong pangalan ng organisasyon?]
[ TELANDORA ORGANIZATION.]
“Telandora Organization?” mahinang banggit niya.
Sa pagkakaalam niya sa organisasyon na iyon ay may tatlong sangay. Iisa lang ang boss ang humahawak sa TELANDORA kaya kailangan niyang malaman ang nakakonektado sa ZEBRE ORGANIZATION.
[ Ngayong huwebes ay magkikita tayo sa Tagaytay Tali Beach. May naghihintay na doon na barko. Patungo sa isa pang isla, Isla Ranquez.]
Narinig niya ang pagbukas ng nasa likuran niya kaya nagmamadali siyang naglakad papalayo. Pumasok siya sa nakabukas na elevator, at agad niyang tinawagan ang nasa headquarters para ipaalam sa mga ito ang transaksyon sa Tagaytay.
Kailangan nilang harangan ang mga ito dahil alam niyang may mabibiktima na naman, at mga turista ang nasa islang pupuntahan nila Eddie.
“ Talaga nga naman,” napapailing niyang sabi.
Ang peke niyang boss ay swapang sa pera.
Mahigit dalawang linggo na siya rito. Unti-unti na nilang mahuhuli ang mga kriminal.