bc

TRAIL GUSTAVUS (THE EX-MILITARY)

book_age18+
3
FOLLOW
1K
READ
HE
detective
war
like
intro-logo
Blurb

Trail Gustavus Despite his willingness to sacrifice everything for his woman's safety, fate does not favour him. Sa tagal niyang pinoprotektahan ang mahal niyang asawa ay sa isang iglap lang, nakita na lang niyang bumulagta ito, at wala na itong buhay. Mahahanap pa ba niya ang salarin sa pagpatay sa asawa niya?

Paano kung nasa malapit lang pala ang salarin?

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
Nakangiting naglalakad siya patungo sa kanyang opisina. Habang naglalakad siya sa hallway ay binabati siya ng kanyang mga nakasalubong niyang kasamahan sa trabaho. Binibiro pa nga siya ng mga kasamahan niya na blooming daw siya. Natawa naman siya sa kalokohan ng mga ito. Totoo naman kasing dinidiligan siya palagi kaya blooming siya. Sinagot naman niya ng pabiro na may sponsor siya kaya palagi siyang blooming. Wala eh. Ikaw ba naman ang palaging dinidiligan, at hiyang pa siya sa partner niya? Sinong hindi blooming,‘di ba? Lalo na iyong partner niya na palagi siyang inaalagaan, at pinaramdam sa kanya na mahalaga siya sa buhay nito. Siguro, swerte siya sa lalaking napili niya dahil ganoon ang pinaramdam sa kanya. Kahit hindi niya pa narinig ang tatlong salitang iyon ay sapat na sa kanya. Nakita, naranasan, at pinaramdam naman nito ang ginawa nito para sa kanya. Kahit wala silang label sa isa't-isa ay okay lang sa kanya. Basta kasama lamang niya palagi ang binata. Pagkarating niya sa opisina ay kaagad siyang nagtungo sa kanyang mesa. Sumilay ang kanyang ngiti sa labi nang makitang may bulaklak, at pagkain na nakalatag nasa mesa niya. Napailing siya sa surpresang binigay sa kanya ng binata. Kahit kailan talaga hindi pa rin ito nagsasawang hatiran siya ng pagkain, at kasama na ang bulaklak. Sinong hindi madaling mahuhulog dito, kung nasa partner na niya ang lahat ng gusto niya? Maghahanap pa ba siya ng iba kung si Trail Gustavus ay sapat na sa kanya? Sobra na ang binigay, at pinaramdam nito sa kanya. Hindi niya akalain na nakahanap siya ng lalaking ganito ka maalaga sa kanya. Kaya nga kahit wala siyang oras ay hahanap siya ng paraan para makita ito. Nahulog na ba siya rito? Oo. Isang araw na iyon, bigla na lang tumibok ang puso nang malakas habang nakatitig na sa lalaking nakangiting sumalubong sa kanya. Hindi mapakali si Ellis na hindi niya makita ito ng isang araw. Dinampot niya ang kanyang cellphone para tawagan niya si Trail. Ilang ring lang ay sinagot nito ang tawag niya. Actually, facetime ang ginamit niya para makita ang mukha nito. Kunot-noong tinitigan siya nito. [Bakit ka tumawag ng ganitong oras? Hindi ka ba busy?] Huminga siya ng malalim at sinabi niya rito ang gusto niyang sabihin. "I miss you." She saw him smile a little bit. Umungos siya rito. Ito talagang lalaking ito. Pinagdamot talaga ang matamis nitong ngiti. Hindi niya pa ito nakitang ngumiti. Iyon bang ngiting abot sa mga mata nito. Kailan kaya niya mapangiti ito na hindi pilit? Halos apat na buwan na niya itong hindi nakitang ngumiti. Iyong isang ngiti na puno ng kaligayahan. Hindi ang kalungkutan na nakita niya kapag kasama niya ito. Tinanong niya ito kung bakit hindi ito ngumiti sa kanya, but he cut the topic off, as if he didn't want to talk about it. Perhaps she shouldn't be so reckless and push his limits. [Pinadalhan na kita ng pagkain at damit, kasama ng pabango ko. So, you won't miss me as much.] Sumimangot siya rito. "Hindi sapat sa akin, Trail. Gusto kitang makita. Hindi ko kailangan ng mga regalo mo. Iyong presensya mo ang gusto ko.] He sighed again, and paused as someone drew his attention. [Hindi pwede. I'm busy at this hour and need to hang up.] Nawala na lang ito sa kabilang linya, at napabuntong-hininga. Hindi niya alam kung bakit palagi na lang itong umiiwas sa kanya. Kung hindi siya nito pupuntahan ay siya ang pupunta sa bahay ng binata. Wala naman kasi siyang gagawin ngayon dahil nagpapahinga siya ng ilang araw sa operasyon nila. Hindi alam ni Trail na may masamang nangyari sa kanya dahil nilihim lamang niya rito ang totoong trabaho niya. Natamaan kasi siya ng bala sa isa sa suspek na matagal na nilang minamanmanan. Hindi naman maiiwasan na mapahamak sila sa mission nila dahil itong pinasok niyang trabaho ay delikado. Nakalibing ang isang paa niya sa hukay kaya anytime ay pwedeng siyang mamatay. Kinuha niya ang kanyang bag, at cellphone na nasa mesa. Kaagad na lumabas siya sa kanilang opisina. Nagtataka na naman ang mga kasamahan niya. Sinong hindi magtataka kung ka papasok pa lamang niya ay aalis na naman siya. “Saan ka na naman pupunta? Kararating mo lang ay aalis ka na kaagad?” She smiled at them. “I want to go somewhere.” “Somewhere o ang mas tamang sabihin ay pupunta ka sa’yong so-called someone special?” kantyaw ng isa sa kasamahan niyang detective na si Stevan. Natawa naman ang ibang kasamahan nila sa narinig. She hissed, and rolled her eyes at them. “Haha. Funny? Are you done?” pagtataray niya na nagpatawa na naman sa kasamahan niya. Ginawa talaga siyang clown ng mga kasamahan niya. She got pissed that she walked out of the room, slamming the door behind her. Nang nasa parking lot na siya ay agad niyang pinatunog ang kanyang sasakyan. Pinaandar niya kaagad ito nang makapasok siya sa loob ng kotse. She maneuvered her car out of the parking lot and down the driveway. Habang nagmamaneho siya sa daan patungo sa bahay ni Trail ay napatingin siya sa kanyang cellphone na tumutunog iyon. Tiningan niya iyon. Nakita niyang si Teriana. Kumunot ang noo niya kung bakit tumawag ito sa kanya ngayon. “ Napatawag ka?” bungad niyang tanong sa kabilang linya. [Ellis, you remember 5 years ago? Noong muntik ka ng mamatay?] Napahigpit ang hawak niya sa manibela nang binuksan nito ang tungkol sa nakaraan niya. “Oo. Bakit mo naitanong?” [May sasabihin ako sa’yo tungkol diyan, pero kailangan mong bumalik sa headquarters. I need to warn you to stop your relationship with Trail.] Natawa siya sa sinabi nito. “Anong pinagsasabi mo, Teriana? Bakit ko tatapusin ang relasyon ko kay Trail? May importante ba akong dapat malaman?” [Oo. Mayroon kang dapat malaman. Saan ka na ngayon?] Nagtataka siya sa boses ng kaibigan. Naging seryoso ang tono ng boses nito at hindi na ito nagbibiro. Bigla siyang nakaramdam ng kaba sa pinagsasabi nito. “ Pupuntahan ko si Trail, Teriana. Gusto ko na siyang makita.” [Huwag kang pumunta sa kanila, Ellis. Nakikiusap ako na umuwi ka na. May mahalagang bagay akong gustong sabihin sa iyo, Ellis.] "Pagkatapos nito, gusto ko muna siyang makita bago ako umuwi." She ended the call. Hindi siya nakinig sa sinabi ng kaibigan dahil mas gugustuhin muna niyang makita si Trail. Na-miss na niya ito kaya walang makakapigil sa kanya na puntahan ang binata. Hindi niya pinapansin ang tumatawag ulit si Teriana. Gusto lang niyang makita si Trail bago siya umuwi ng bahay. Pagkarating niya sa bahay ng binata, nagtataka siya na sobrang tahimik ng bahay. Inilibot niya ang kanyang paningin sa sala, pero wala siyang makitang bakas ni Trail. Nagtungo siya sa kusina, sa harden, at pool nito, walang bakas ng binata. Saan na kaya iyon? Isa na lang ang hindi niya pa napuntahan, ang kwarto ng binata. Imposible kasing umalis ito dahil nakita niya ang sasakyan nito sa labas ng bahay. Alam niya kung anong oras ito aalis, at kung anong oras na nasa bahay lang ito. Umakyat siya sa itaas, at nagtungo sa silid nito. Hindi niya maintindihan ang sarili, kung bakit kinakabahan siya. Sobrang kabog ng dibdib niya. Pakiramdam niya’y may hindi magandang mangyayari ngayong araw na ito. Nang nasa tapat na siya ng silid ng binata, nang akmang bubuksan na sana niya ang pintuan ng may nagsalita mula sa likuran niya. Nilingon niya ito. Nakita niya ang lalaking nakaitim na suit. “Miss Ellis, wala po si Sir Trail diyan.” Kumunot ang noo niya sa sinasabi nito. “Saan ba siya ngayon? “Nasa study room po, Miss Ellis. Kasama niya po ngayon si Sir Rough. Gusto niyo pong ihatid ko kayo roon?” Umiling siya rito, at nagpasalamat na siya na lang ang pupunta doon. Habang patungo siya sa study room nito ay hindi pa rin tumigil sa malakas na tambol ang puso niya. Hindi niya mawari kung bakit siya kinakabahan ngayon. Sobrang kabog ng puso niya na parang aatakihin na siya sa puso. Huminga siya ng malalim, at pinakalma ang kanyang sarili. Ilang minutong pagpapakalma sa kanyang sarili ay nagpatuloy na siya sa paglalakad patungong sa study room. Tahimik ang buong bahay. Wala siyang ibang naririnig kung ‘di ang takong ng kanyang sapatos. Tumitingin siya sa mga nakasabit na mga larawan sa dingding. Iyon ay ang painting. Napatigil siya ng may nakakuha sa kanyang atensyon. Isang babaeng buntis, at may scorpion na tattoo sa leeg nito. Natandaan niya na may babaeng buntis siyang napatay noon, at may tattoo din ito sa leeg. Pinilig niya ang kanyang ulo baka magkahawig lamang ang dalawa. Pati painting ay binibigyan na niya ng kahulugan. Nang nakarating na siya sa patutunguhan niya ay kumatok siya ng pangalawang beses bago niya binuksan ang pintuan. Pagbukas niya sa silid ay nadatnan niyang walang tao kaya napagdesisyon niyang pumasok. Inilibot niya ang kanyang paningin sa buong silid, at hinahanap ang binata. Napatigil siya ng may nakitang may nakasiwang na pintuan kaya nagtungo siya roon. Ngayon lang niya nakita na may isa pa lang silid dito sa study room. Bakit hindi sinabi ito ni Trail sa kanya? Dahil kuryuso siya, kung ano ang nasa loob o kung ano ang pinaggagawa ng binata kasama ang kaibigan nito. Maingat na naglalakad siya patungo roon para hindi malaman na may tao pa lang nakapasok. Sumilip siya sa loob. Nakita niyang abala sa katitingin ang kaibigan ni Trail na si Rough sa mga nakalapag na larawan sa mesa. Kumunot ang noo niya na walang Trail ang nasa loob. “Who are you?” Nanlaki ang kanyang mga mata ng maramdaman niya sa ulo niya ang baril na nakatutok sa kanya. Napatingin siya sa lalaking mahal niya at ngumiti rito. "Trail, it's me Ellis." Tumaas ang gilid ng labi nito. Iyong ngiting demonyo. “Who the hell are you?” Aatras na sana siya ng bigla itong magsalita. "If you move, I'll shoot your head."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

SYLUS MONTENEGRO

read
15.0K
bc

Heiress Bodyguard (Tagalog / SPG)

read
13.9K
bc

Devirginizing My Hot Boss

read
116.5K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
318.5K
bc

BAD MOUTH-SSPG

read
20.0K
bc

The CEO’s Nerd Secretary

read
50.0K
bc

My Evil Stepbrother Is My Ex

read
90.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook