Chapter 2

1053 Words
ANG pogi n'ya talaga. Idagdag mo na ang magandang boses n'ya. Nakita kong ibalik n'ya sa dating pwesto ang picture frame. Dapat kasi lumabas na ako ng matapos ako eh. Naabutan n'ya tuloy ako. Nakakahiya talaga. Kimi akong ngumiti sa kanya. "Pasens'ya na po, Senyorito. Lilinisin ko po sana kasi magabok na," yon na lang ang naisip kong palusot at hindi sinagot ang tanong n'ya.  Napakunot noo ito at tiningnan ang picture n'ya. Nangingintab ito at napunasan ko na. She-mayyy! Buking na ako. Pinagkrus n'ya ang braso sa may dibdib n'ya at tinitigan ako. "What's your name?" "Po?" "Anong pangalan mo?" Napagkamalan pa yata akong hindi nakakaintindi ng English. Mahiya s'ya sa balat n'ya ha, naka-uno naman ako sa English kahit probinsyana ang lola mo at laking Mindoro. Salamat sa mga English na babasahin sa bayan. Naalala ko, wala akong pambili kaya sa tindahan ko na mismo binabasa habang nakaupo sa sahig.  "Shen po." "What kind of name is that? Totoong pangalan mo ba 'yon?" "Sienna Sagun po, Sir." Tumango tango ito at mukhang may gusto pang itanong pero nagbago ang isip.  "Are you done here? Tapos ka na ba dito sa kwarto ko, I mean?" Tumango ako. "Okay po, Sir. Palabas na rin po ako noong pumasok kayo." Tumalikod lang ito pero hindi nagpasalamat. Ako naman ay isang makulit din at kalahati. Nagpahabol pa ako ng linya. "Sir, welcome home po."  Hindi ko na hinintay ang sasabihin n'ya at bitbit ang mga panglinis ko ay isinara ko na ang pinto. Maayos na lahat sa baba at wala na sina Ate Leng. Sina Senyora siguro ay nasa may lanai. Ibinalik ko sa cleaning room ang mga panglinis at bumalik sa kwarto namin. Maliligo sana ako dahil nanglalagkit ako sa byahe. Pagpasok ko ay nakasalubong ko si Ate Leng mula sa banyo.  "Nakatapos ka ba, Shen?" "Opo, Ate. Sakto lang pagdating ni Sir," nakangiti kong sabi sa kanya.  "Nagkita kayo?" "Opo eh. Naabutan pa n'ya akong nakatitig sa picture n'ya. Kakahiya!" Napabunghalit ito ng tawa. "Okay lang 'yan. Gwapo naman talaga si Senyorito eh. Maliligo ka ba? Mag-ayos ka ng sarili mo at ang buhok mo ay nangalisag na tapos mananghalian ka na rin. Kakain na sina Senyora kalahating oras mula ngayon." "Sige, Ate. Liligo lang ako ng mabilis at susunod na ako sa kusina." Tumango ito at nagtungo na sa labas. Mabuti na lang pala at wala akong assignment bukas. May dalawang chapter lang akong kailangang basahin pero keri ko naman. Ang mahalaga, matulungan ko sila dito sa bahay. Mabilis akong naligo at nagpalit ng damit. Hindi na ako nag-uniform. Off duty naman ako at malamang sa kusina lang tutulong.  Simpleng maong at puting blouse na cotton ang sinuot ko at sandals. Sa init ng panahon siguradong mamamawis ang paa ko. Mas maganda ito, presko. Habang nagsusuklay ako ay tumunog ang cellphone ko. Si Ate Sofi.  "Hello, Ate." "Shen, nakauwi ka na ba?" "Oo ate, kaninang alas otso ako dumating dito sa mansyon. Napatawag ka?" "Shen, pasensya ka na. Nagkasakit si baby Sam. Kailangan ko ng pambili ng gamot eh. Sapat lang sa check up ang pera namin dito. Ibabalik ko sa katapusan kapag nakasweldo ang kuya mo." Napakagat-labi ako. Ang totoo ay nakapagbigay na ako ng panggastos kay Nanay at ang natitira ko na lang dito ay allowance ko hanggang katapusan. Minsan kasi may mga kailangan ipa-xerox at mga kontribusyon sa group project. Nakakahiya naman kung wala akong ambag. Bahala na. "Sige, Ate. Lalabas ako mamaya at ipapadala ko ha. May okasyon kasi dito sa mansyon kaya inusap akong magtrabaho kahit day off ko." "Sige, manghihiram muna ako sa kapitbahay at ibabalik ko rin kapag natanggap ko na ang padala mo." "Okay, Ate." "Maraming salamat, Shen. Pasensya ka na, pati ikaw naabala ko na." "Huwag mo ng isipin 'yon ate. Magkapatid tayo. Sino pa ba ang magtutulungan?" Nagpaalaman agad kami dahil sayang pa ang load. Kahit nga 'yon ay budget ko pa. Buti na lang at nauso na ang mga unli na 'yan. Malaki rin ang natipid ko. Bukod sa piling kaibigan ay sina Nanay lang naman ang katawagan ko. Hindi sila nagtetext kaya mas gamit ko ang tawag.  Nagtungo ako sa kusina at mabilis na kumain. Nakita ako ni Melba na kumakain at tumawa ito.  "Shen, dahan dahan. Alam kong masarap ang luto ko pero ayaw ko naman mabilaukan ka." Kumaway ako sa kanya. "Hi Ate! Sobrang sarap kasi eh. Tsaka sabi ni Ate Leng kakain na daw sila Senyora mayamaya kaya dapat tapos na ako para matulungan ko kayo." "Batang 'to. Kumain ka ng ayos at hindi ako marunong mag -- ano nga ang tawag doon sa niyayakap sa likod?" "Heimlich Manuever, Ate." "Yon! Hindi ko alam gawin 'yon. May isa pa eh, ano nga yung ginagawa kapag hindi humihinga? 'Yong sa nalunod? Naghahalikan 'yon eh," napakamot ito sa ulo n'ya.  Napabunghalit ako sa sinabi n'yang naghahalikan. "Ikaw talaga, Ate. CPR 'yon. Naloka ako sa 'yo," ipinagpatuloy ko ang pagkain ko. "Ayoooon! CPR nga. Nalimutan ko kasi. Mabuti kung pogi ang gagawa sa 'yo. Hmm. Sabagay nandito na si Senyorito, siguradong marunong 'yon," tukso n'ya sa akin. Muntik ko ng maibuga ang kinakain ko. "Hala si Ate, gutom ka na siguro at pati si Senyorito sinasali mo na sa CPR." "Ikaw ang sinasabi kong gagawan n'ya ng CPR. Aba, kung sa ganda din lang naman -- walang tapon sa 'yo. Ang ganda pa ng katawan mo. Pang- Miss Universe. Matalino pa at ilang buwan na lang ay ga-graduate ka na." "Naku si Ate talaga. Binibilog mo na naman ang ulo ko e bilog na bilog na nga." Tumawa ito. "O s'ya, kumain ka ng ayos at tatawagin na lang kita kapag kailangan ko ang tulong mo ha. Nga pala, salamat at nagtrabaho ka ngayon kahit pagod ka. Ako sana ang ipapadala ni Leng sa taas eh hindi ko sana matatapos itong mga lutuin namin ni Ate Linda mo." "Walang problema, Ate. Basta kailangan n'yo ang tulong ko, mag-sabi lang kayo. Huwag lang pera, wala ako," natatawa kong sabi sa kanya. Tumawa rin ito. "Apir tayo! Wala rin akong pera," nag-apir kaming dalawa habang nagtatawanan. Kapagkuway bumalik na ito sa likod at nagluto. Susubo na sana ako ng may tumikhim. "Marunong ako ng CPR, kain ka lang." Matutuluyan na yata akong mabilaukan. Si Sir Jacob nandito na naman sa harap ko. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD