NAKASUSPINDE sa ere ang isusubo kong pagkain nang bigla s'yang dumating. Bigla tuloy akong napatayo sa gulat. Ano ba kasing ginagawa n'ya dito? Kahit sina sina Senyora ay hindi nagagawi sa dirty kitchen. Mukhang nakapaligo na rin ito at nakasuot ng casual na maong na pantalon na butas ang tuhod. Long sleeves na puti at nakarolyo hanggang sa may baba ng siko ang suot nito. Nakaloafers lang ito sa pampaa.
She-maay! Ang pogi pogi n'ya talaga. Para s'yang lumabas sa cover ng magazine. Humahalimuyak pa ang bango n'ya dito sa kusina.
"May kailangan po kayo, Sir?"
"Wala naman. Naglilibot libot lang ako dito sa bahay. Masama ba?"
Umiling ako kaagad. "H-hindi po, Sir."
Dinampot ko ang pinggan ko at aktong ilalagay ko na sa lababo ng magsalita s'ya ulit.
"Tapos ka ng kumain?"
"Ah -- Opo, Sir," nakangiwi kong sabi. Gutom pa talaga ako kaya lang nakakahiya naman na naglilibot libot s'ya dito tapos ako nakaupo at kumakain.
"Mukhang hindi ka pa naman tapos kumain eh. Maupo ka at tapusin mo 'yan."
"Okay na po ako, Sir."
"Upo, Sienna," madiin na sabi n'ya.
Pakiramdam ko ay bumalik ako sa eskwela. Ang pamilya at mga kaibigan ko kasi kahit sina Senyora ay Shen ang tawag sa akin. Pero si Sir Jacob, Sienna talaga?
"Bu --"
"Upo, Sienna. Tapusin mo ang pagkain mo."
Bumalik ako sa hapag at ipinagpatuloy ang pagkain ko. Akala ko ay aalis na s'ya pero humila pa ng isang upuan at naupo. Hindi ako nag-attempt na tingnan s'ya. Naka-focus lang ako sa pagkain ng matapos na. Kung bakit naman kasi napadami ang lagay ko ng kanin. Mauubos ko ba 'to ngayong nasa harap ko s'ya? Conscious na conscious ako, maygahd!
"Ang sabi ni Mama, pumapasok ka daw sa gabi?"
"Yes, Sir."
"Anong course mo?"
"Business Management po."
"Huwag mo nga akong kausapin ng may po. Matanda na ba ako sa tingin mo?" iritableng sabi n'ya sa akin.
"Gumagalang lang po kasi anak kayo nina Senyora."
"Okay, sabi mo nga anak ako ni Senyora. Gusto kong makipag usap ka sa akin ng walang po."
Tumango na lang ako at sumubo. Mataman lang s'yang nakatingin sa akin. Pakiramdam ko nasa ilalim ako ng microscope. Binibilang n'ya ba kung ilan ang subo ko? Siguro ang takaw ko na sa paningin n'ya. Ah bahala s'ya, nananahimik ako dito s'ya itong tumambay.
"Which university are you attending?"
"UST."
Tumaas ang isang kilay nito. "Co-ed?"
"Yes, Sir."
"Call me Jacob."
"Yes, Sir Jacob."
"I said, call me Jacob."
Nagpakawala ako ng isang malalim na hinga at tumango uli. Ang dami n'yang request.
"How long have you been working here?"
"Tatlong taon na."
"Ah, kaya pala hindi kita kilala. I haven't been home for five years. Palaging sina Mama ang dumadalaw sa akin sa Amerika. Taga-saan ka dito sa Maynila? Uwian ka?"
"Stay-in ako dito sa mansyon. Isang beses isang buwan lang akong umuwi sa probinsya namin."
"And where is this province?" curious na tanong n'ya sa akin.
"Mindoro."
Tumango tango ito. "That's far. How do you get there? Ship? Ang tagal ng byahe."
"Sasakay ng bus papuntang Batangas at mula sa pier, sasakay ng barko. May mabibilis na ngayon at hindi na lang roro. Wala pang isang oras mula sa pier ay dadaong na sa Calapan."
"Presko siguro ang hangin doon. Kailan ang sunod mong uwi?"
"Next month pa. Kauuwi ko lang ngayong weekend."
"Bakit isang beses ka lang umuwi? Pwede namang mas malimit. For sure, miss ka ng parents mo."
Gusto ko sanang ibalik sa kanya ang tanong n'ya. S'ya nga limang taon na hindi umuwi eh nandito ang mga magulang n'ya pero huwag na lang. Baka masisante pa ako.
"Mahal ang pamasahe tsaka mapagod rin."
"Well, I'd like to see your province one of these days. Kung uuwi ka ay sasama ako sa iyo," sabi nito.
Hindi tanong 'yon. Isang deklarasyon. Ano naman ang gagawin n'ya sa amin? Baka naman nabibigla lang. Isa pa ay wala s'yang tutulugan doon. Ni wala ngang tiles ang bahay namin bagamat sementado at yero ang bubong. Nakasemento na rin ang mga dingding sa awa ng Diyos. Kumbaga, hindi na magugupo ng bagyo. Ang pinagiipunan ko ngayon ay ang pagpapakisame.
"Ikaw ang bahala. Hindi malaki ang bahay namin at wala rin kaming aircon. Baka hindi ka makatulog kaya huwag ka na lang sumama," nagpatuloy ako sa pagkain.
Napatawa ito. "Have you ever camped before?"
Camping? "Isang beses, noong high school."
"Okay, good. Well, for your information -- I like camping. Sanay akong matulog sa matigas at nababasa ng ulan. So your house won't be a problem."
Tumayo na ito at mukhang aalis na. Napipi na lang ako sa sinabi n'ya. Mukhang desididong sumama sa akin.
"Don't think I'll change my mind. When I set my mind on something, it's done," lumapit pa s'ya sa akin ng kaunti at niyuko ako. Pagkuway itinukod ang kamay sa mesa at saka nagsalita. Ramdam ko ang mainit n'yang hininga na dumadapyo sa pisngi ko. "When I set my eyes on someone, she's mine," tumuwid s'ya ng tindig at lumabas ng kusina.
Harujusko! Ako ba ang pinapasaringan n'ya o nagdedeliryo lang ako sa kaba? Nang tingnan ko ang plato ko ay naubos ko na ang pagkain na nakalagay doon. Ito na yata ang pinakamahabang pakikipag-usap ko sa isang lalake. Nakaka-intimidate din si Sir Jacob -- I mean, Jacob. Ayaw nga palang magpatawag ng Sir.
Mabilis na lumipas ang oras at nakatapos na ring kumain ang mga amo namin. Ako ay nagpaalam kay Ate Leng na sasaglit sa may tindahan sa may labasan para maipadala kay Ate Sofi ang pera ng hinihiram n'ya. Walang taxi dito pero mabuti na lang at dalawang kanto lang ang layo nila sa main gate. Mula doon ay sasakay ako ng tricycle.
"Where are you going? Hop in," sabi ng boses sa likod ko.
Nang lumingon ako ay nakahimpil ang isang Mercedes na puti sa gilid ko at ang driver ay si Jacob.
"Hindi na po, Si-- I mean Jacob. Malapit lang naman ang pupuntahan ko. D'yan lang ako sa labasan. Salamat."
Pumormal ang mukha nito. "I insist. Huwag matigas ang ulo, Sienna. Hindi naman ako nagmamadali. Sumakay ka na at ihahatid na kita."
"Okay lang tala--"
"Sakay, Sienna."
May magagawa pa ba ako? Parang batas lang kung magsalita ang isang ito. Mabilis akong naglakad at binuksan ang pinto ng passenger seat sa unahan. Sa likod sana ako uupo kaya lang baka sabihin n'ya ginagawa ko s'yang driver. Itinuro ko sa kanya ang pupuntahan ko pero hindi n'ya ako iniwan doon. Bagkus ay isasama daw n'ya ako sa pupuntahan n'ya. Paano na kaya ang babasahin kong chapters?
Pupunta daw kami sa isang exclusive bar na pag-aari ng kaibigan n'ya. Napatampal noo ako.
"Hindi problema ang isusuot mo. Pupunta tayo sa mall at ibibili kita. Favor mo na sa akin. I need your help," sabi nito.
Naawa naman ako. "Sige."
Kaya naman pala kailangan ng tulong ko -- dahil nandito ang ex-fiance n'ya.