IPINAG-INIT KO S'YA ng tubig na pampaligo at saka dinala ang takure sa banyo. Ang sabi ko ay s'ya na lang ang magsalin sa timba at baka lumamig kaagad kapag inilagay ko na. Inaya ko s'yang kumain muna pero maliligo muna daw. Ipinalala ko pa ang tuwalya at pamalit n'ya at baka makalimutan. Ako naman ay nauna ng maligo sa kanya kanina. Magkatalikuran kaming natulog pero ng magising ako ay magkaharap na kami at yakap n'ya ako. Mahimbing ang tulog n'ya at narinig ko pa ang mahina n'yang harok. Gusto ko ng maniwala na masarap s'yang matulog kahit saan s'ya humiga basta katabi ako. Iyong mga banat n'ya, parang kay Rico at Claudine eh. Sa sobrang tamis, malapit na akong magka-diabetes. Gayon na lang ang gulat ko nang marinig ang hiyaw n'ya. Kaagad ko s'yang pinuntahan. "Anong nangyari?" tanong

