FRANCO POV “s**t! Nasaan si Tyzon? Hanapin niyo!” galit kong bulyaw sa inutusan kong hanapin siya. Dalawang araw na lamang ay kakagat na ang dilim. Hindi pwedeng wala siya dito dahil ang labang ito ay para sa aming mga kadugo. Huwag lang siya babalikwas ng grupo, iyon ang pinaka mali niyang gagawin Lumapit sa akin si Romana at sinabing may itinatanong sakaniyang kwintas si Tyzon. Maging ako ay naguluhan, ano nga ba ang inaalam niya? Inuuna pa niya ang ibang bagay kaysa sa gaganaping digmaan. Huwag siya sa akin papakita at baka ako mismo ang pumatay sakaniya. Dumating rin si Vien na galit at tinatanong kung nasaan si Tyzon. Tinatanong ko kung bakit, hindi naman niya sinagot at biglang umalis na lang. Ano nanaman kaya ginawa niyang kalokohan? Si Mr. At Mrs. Jaydon ay kasalukuyang nasa

