Pumunta ako kay Martha na ngayon ay naghahanda na rin. Gusto kong malaman ang mga totoong nangyari noong nakalipas na digmaan. Malakas ang kutob kong may ibang nangyari kaya ang libro na nasa Bueno De Casa ay walang anumang mga nakasulat. “Ano ang dapat kong malaman?” diretso kong tanong sakaniya. Hindi ko maipalawag ang reakasyon itinapon sa akin. Isinara na niya ang librong binabasa at kumuha ng isang tasang kape bago lumapit sa akin. “Tungkol saan?” tanong niya. “Sa nakaraan. Ano ang totoong nangyari?” diretso kong tanong. Gusto ko na masagot ang lahat ng katanungan sa isip ko. “Siya ang dapat mong tanungin,” saad niya at tinuro sa likod ko, si Sean. Umalis na si Martha at kami na lamang ngayon Sean ang natira sa kwarto. “Naguguluhan ako sa nangyayari,” saad ko at umupo sa sofa.

